Thursday, December 9, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Solenn Heussaff on entering showbiz: "I'm sure I would have bumps and uphills along the way, but I'm willing to try it out."

Solenn Heussaff on entering showbiz: "I'm sure I would have bumps and uphills along the way, but I'm willing to try it out."
Slideshow: Showbiz Photos

Isa sa mga naging paborito sa katatapos lang na Survivor Philippines Celebrity Showdown ay ang model at makeup artist na si Solenn Heussaff.

Napukaw niya ang interes ng mga manonood dahil bagamat galing sa mayamang pamilya, kinakitaan siya ng pagiging down to earth.

Sa pagtatapos ng Survivor, kung saan nakaabot siya sa Top 3, sinabi ni Solenn na napakaraming opportunities na nabuksan para sa kanya.

Pumirma na siya ng kontrata sa GMA-7 at Regal Films kaya mapapanood na siya nang mas madalas sa TV at maging sa pelikula.

COVER GIRL. Si Solenn din ang cover girl this month ng nangungunang fashion magazine sa bansa, ang Preview.

Siya ang pinakaunang cover girl na na-feature sa bagong teknolohiya na ginamit ng Preview—ang augmented reality technology.

Ang augmented reality technology ay isang proseso kung saan pinagsasama ang isang real-world scene at computer imagery.

Sa presscon ng December 2010 issue ng Preview kaninang tanghali, December 9, na ginanap sa Cav Wine Shop sa Bonifacio High Street sa Taguig, isang masayang Solenn ang humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media.

"I don't know what to expect. It's not only the first in Preview. I think it is also the first in the Philippines. So, it's very touching," sabi ni Solenn nang tanungin kung ano ang pakiramdam na siya ang kauna-unahang cover girl na gumamit ng gano'ng klaseng teknolohiya.

Ayon pa kay Solenn, ito ang pinakauna niyang solo cover shoot.

"I did 'Ten Women To Watch Out For,' but this is my first solo for Preview."

Kuwento pa niya, naging masaya at madali ang shoot ng pinakauna niyang solo magazine cover—maliban lang sa isang bagay:

"The hardest part was actually memorizing the lines. I had a hard time with the words!" natatawang sabi ni Solenn.

ENTERING SHOWBIZ. Bagamat sinabi ni Solenn noon sa Survivor Philippines na wala siyang balak pumasok sa show business, hindi rin niya nagawang iwasan na pasukin ang mundong ito.

"Even after Survivor, I said I will not go, pero opportunities came my way but I never went to look for them.

"If I wanted to join, I could have joined a few years ago, I've been asked a few years before," banggit ni Solenn.

Hindi rin niya inakala na magiging ganoon ang pagtanggap ng mga tao sa kanya at sa show.

"I knew people would watch but I never knew that the impact was so high, the ratings was so high, the viewing was so high also."

Ngayong nasa show business na siya, kumusta naman so far ang experience niya?

"It was really fun, so far," sagot ni Solenn.

"I'm sure I would have bumps and uphills along the way, but I'm willing to try it out."

Ayon pa kay Solenn, kailangan niya pang pag-aralan ang pagsasalita ng Tagalog at pagbutihin lalo ang kanyang pag-arte.

Sa pagpasok niya sa show business, handa na rin ba siya sa mga intriga?

Ngumiti si Solenn at sinabing, "Hopefully, I watch out what I say."

SURVIVOR. Bilang parte ng Final Four ng Survivor Philippines Celebrity Showdown, isa si Solenn sa paboritong manalo bilang Celebrity Sole Survivor. Ngunit napunta ang titulong ito sa Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato.

Hindi ba siya nanghinayang na hindi siya ang nanalo?

"Obviously, I didn't think I'd get this far, and I'm happy. Good for him [Akihiro].

"But I think we all deserve to win. So, I'm not gonna go back there and be depressed!" tumatawang sagot ni Solenn.

Nakita na ba ng tao ang totoong Solenn sa Surviror?

"They saw me in Survivor. So, that's what I am in real life.

"So, parang they can look at me like that.

"Pero I'm not a traitor, ha!" pahabol niya.

RICHARD GUTIERREZ. Sasabak na rin sa mundo ng pelikula si Solenn sa pamamagitan ng isang Valentine movie trilogy, kung saan makakasama niya ang host ng Survivor Philippines Celebrity Showdown na si Richard Gutierrez.

Ang working title ng pelikula ay Suddenly it's Magic. Makakasama nina Solenn at Richard sa isang episode si Lovi Poe.

Samantalang sina Rhian Ramos at Eugene Domingo naman ang leading ladies ng matinee idol sa dalawa pang episodes.

Ano ang nararamdaman ni Solenn para sa first movie niya?

"Very excited, plus I get to work with someone I'm close to," sagot ni Solenn.

Ang tinutukoy siyempre niya ay si Richard na nali-link sa kanya ngayon romantically.

Ano nga ba ang totoong status ng relationship nila?

"We hang out a lot," sabi ni Solenn.

"And I'm very close to Mond [Raymond, twin brother of Richard], he is my best friend.

"I also to get to hang out in their house a lot and I get to see the [Gutierrez] family a lot also."

Dagdag pa niya, "He is my friend and we have grown close right after we got out of Survivor.

"We are really close friends and I enjoy his company."

Posible bang may mabuong magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa ni Richard ngayong magkakatrabaho sila ng mas madalas?

"But I'm not a manghuhula, so I don't know what's gonna happen in the future.

"So far, we are friends," sagot niya.

Nabanggit din ni Solenn na ise-celebrate niya ang New Year sa Boracay kasama si Richard, at mga kaibigan niyang sina Raymond Gutierrez, Carla Humphries.

Kasama rin daw ang kuya ni Solenn si Erwan Heussaff at ang girlfriend nitong si Anne Curtis.

Incidentally, ex-girlfriend ni Richard si Anne.

Ano naman ang Christmas gift niya kay Richard?

"I'm painting his portrait, so that would be my Christmas present para madali lang.

"I have other portraits but I'll make it before the others," sabi niya.

UPCOMING PROJECTS. Bukod sa Valentine movie niya with Richard, makakasama rin si Solenn ang young actor sa GMA-7 fantaserye na Captain Barbell.

Maglu-launch din si Solenn ng kanyang debut album sa second quarter ng 2011.

Ano pa ba ang gusto niyang gawin?

"I really wanna do comedy," ang mabilis na sagot ni Solenn.

Katuwiran niya, "Cause, I really don't know how to cry and also I'm not...

"I've got a good childhood, so I have nothing to think about that will make me cry.

"So, hopefully, comedy."

Pagdating naman sa makakapareha niya, bukas daw siya sa kahit na kanino.

Pero aniya, "I'm happy with Richard now. I'm comfortable with him."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers