Masayang-masaya si Solenn Heussaff dahil tuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng biyaya matapos sumali sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Sunod-sunod kasi ang pagpirma niya ng mga kontrata para sa paggawa ng pelikula, album, at mga programa sa telebisyon.
"There's a lot of contracts for one week," bulalas ni Solenn kagabi, December 1, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng entertainment press.
Naganap ang panayam sa penthouse ng Imperial Suites Hotel, Quezon City, matapos pirmahan ng model at fashion designer ang one-and-a-half-years contract niya with Regal Films.
Kasama sa nasabing signing event ang manager ni Solenn na si Leo Dominguez, at ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Kasama sa package ng Regal ay ang paggawa ni Solenn ng tatlo o mahigit pang pelikula para sa 2011—isang Valentine's movie with Richard Gutierrez, isang comedy film, at ang remake ng 1980 Regal movie na Temptation Island.
Kahapon din ay pumirma si Solenn ng isang recording contract with MCA Universal. Mamaya naman ay pipirma si Solenn ng kontrata sa GMA-7, para maging opisyal na Kapuso.
Pahayag ni Solenn, "big blessing" raw sa kanya ang mga offers na dumarating sa kanya.
"That's why I decided to try out showbiz because they've been asking and asking and I said, its probably a sign that I should try it out. So, hopefully its meant to be for me," saad niya.
Paglilinaw muli ni Solenn, hindi niya raw talagang pinlanong mag-showbiz. Gusto niya lang sanang maging singer, pero hindi nga niya matanggihan ang mga offers.
"Yeah, I always want to have an album out. That was really my plan after Survivor. I'll just keep on designing, and have an album. Pero, the offers kept on coming, and like I said the door is only open once in a while," sabi ni Solenn.
Masaya man si Solenn sa mga darating na project, hindi pa rin niya maitatago ang kaba. "I'm so scared because it's like all at once. I don't really want to disappoint anyone. I really want to do my best at everything. So I'm just really nervous."
Para sa MCA naman, gagawa si Solenn ng isang album para sa susunod na taon din. "We're still working on it, but more dance," saad ni Solenn.
SURVIVOR PHILIPPINES. Bukas na ang finale ng Survivor Philippines Celebrity Showdown. Pahayag ni Solenn, makakahinga na rin siya ng maluwag dahil matatapos na ang laro.
Live voting kasi ang magaganap kaya tila naglalaro pa rin siya kahit na nakabalik na sa Pilipinas. Kasama ni Solenn sa final four sina Aubrey Miles, Akihiro Sato, at Ervic Vijandre.
"I'm happy that the game is finally over," sabi ni Solenn. "Kasi even if we finished taping in Thailand, parang, like everyone's still in the game kasi it was live voite the whole time. Parang, if you're being nice to someone, they'll think you want their vote, it's like that. So I'm just happy it's over so we can be ourselves together."
Kung may pagkakataon, gusto niya pa bang sumali ulit sa Survivor Philippines?
"Join again? I would. First I said, hell no. Now I'm game. If there's an all-stars or something, I'll do it," sagot ni Solenn.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
No comments:
Post a Comment