Maagang dumating si Zsa Zsa Padilla sa press conference ng Father Jejemon kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites.
Ang Father Jejemon ang official entry ng RVQ Productions sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon. Bida rito siyempre ang Comedy King na si Dolphy.
(CLICK HERE to visit PEP's microsite about the 36th MMFF)
Hindi kasama sa cast si Zsa Zsa, pero naroon siya sa presscon bilang co-producer ng pelikula.
Bago ang presscon proper ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at at iba pang miyembro ng media na makausap si Zsa Zsa.
FIRST-TIME PRODUCER. Ano ang dahilan at napapayag siyang maging co-producer ng Father Jejemon?
"Siyempre, kung yung partner mo nakikita na kelangan ng tulong, di ba? So, yun," sagot ni Zsa Zsa.
Para sa mga hindi nakakaalam, 20 years nang nagsasama sina Mang Dolphy at Zsa Zsa. Ang RVQ Productions ay ang film company ng Comedy King at ng kanyang pamilya.
Ano ang naging bilin sa kanya ni Mang Dolphy?
"Huwag masyadong mainit ang ulo. Kasi siya, cool na cool," nakangiting sagot ng tinaguriang Divine Diva.
Ayon kay Zsa Zsa, gusto rin niyang subukan mag-produce ng isang indie film.
"Yung maliit lang, para mas manageable," aniya.
Mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagiging film producer ni Zsa Zsa dahil sinabi ni Mang Dolphy sa press conference na ipapasa na niya ang pamamahala ng RVQ Productions sa kanyang partner.
THE BAD NEWS. Hindi rin naiwasang itanong kay Zsa Zsa ang tungkol sa panggagahasa diumano sa isang apo ng Comedy King. (CLICK HERE to read related story.)
Kapansin-pansin ang pagbabago ng mukha ni Zsa Zsa nang mapag-usapan ang tungkol dito.
"Matagal din kasi naming hindi nako-contact yung ama noong child. So, it's hard to really talk about it. But it's really very sad," buntong-hininga ni Zsa Zsa.
Ano ang naging reaksiyon ni Mang Dolphy nang una niya itong nalaman?
"He was angry," sambit ng singer-actress.
"Hindi mo maintindihan kung paano nagagawa ng isang tao sa kapwa niya tao... Lalo na sa isang bata na special child."
Hindi ba siya nahirapan na sabihin ang balita kay Mang Dolphy?
"He was very strong. He was able to take it.
"Actually, even before I told, he already knew about it. Nabalitaan niya sa TV.
"Pero minsan, may mga balita na ako mismo ang nagsasabi sa kanya.
"Hinahawakan ko siya, alam niya pag seryoso yung mukha ko.
"Alam na niya, hihintayin niya kung ano sasabihin ko.
"Pero minsan, timing din.
"He's really very strong. Nature niya 'yon," saad ni Zsa Zsa.
ON DOLPHY'S HEALTH. Kinumusta rin ng press kay Zsa Zsa ang kalusugan ng 82-year-old na komedyante.
"Hindi naman ako doktor, so ang hirap din i-assess, di ba?
"Pero he was vocal enough in saying... Nakikita ko naman na yung partner ko, he is 82 years old," sabi ni Zsa Zsa, 46, na nangingilid na ang luha.
"Alam naman niya, kasi I tell him it doesn't matter sometimes... Kasi minsan, di ba, may mga OA [overacting] sa sakit, di ba?
"Kumbaga, lahat na lang masakit, like hypochondria.
"Ako, I have this slight hypochondria na, in a sense, masyado akong strikto pagdating sa sakit sa pamilya ko."
Ang hypochondria ay medical term para sa "health phobia."
Patuloy ni Zsa Zsa, "Sa awa ng Diyos, laging nahuhuli.
"Like yung anak ko, first day pa lang ng dengue, hindi pa masyado uso yung dengue, kumbaga, dahil sa kapraningan ko sa ganun, first day pa lang, nalalaman kaagad.
"You know sometimes, people say, 'O, wala 'yan, baka depressed ka lang.'
"But it is your body and you have lived with it your whole life, you should know what is wrong.
"So be vocal about it, tell us. Don't be shy.
"Kadalasan din, ang Pilipino, nahihiya, ayaw gambalahin yung kapamilya nila.
"In general, ang Pilipino, ganun. Kasi ayaw nating ginagambala yung mahal natin sa buhay.
"Hanggang sa kaya natin, kakayanin natin."
DOLPHY'S DREAM ROLE. Kuwento pa ni Zsa Zsa, dream role daw ni Mang Dolphy ang maging pari sa isang pelikula.
"When he started this project [Father Jejemon], he had so much hope for this project.
"Talagang dream role niya ito. Masayang masaya siya.
"Sabi niya, kailangan matapos ito nang tama.
"Sa edad niya na 82, halos kumpleto na yung bucket list na si Dolphy.
"Natutuwa ako na naka-check na ito sa kanyang listahan, ang role na pagiging pare," sabi ni Zsa Zsa.
Nagpapasalamat din ang singer-actress sa pagkakataon na makatrabaho ang kanyang partner sa pelikula.
"I discovered him as an artist and his love for his craft," aniya.
Pinuri rin ni Zsa Zsa ang partner sa perspektibo ng Comedy King pagdating sa trabaho.
"Kahit pagbawalan siya ng doctor niya, let's say, 'Wag ka muna lalabas sa public, magpahinga ka.'
"E, siyempre kasama sa trabaho na pag gumawa ka ng pelikula, hindi naman natatapos yun sa paggawa mo ng pelikula.
"May post-prod, dubbing, tapos mga presscons pa," sabi ni Zsa Zsa.
Hindi ba naging mahirap kay Dolphy ang paggawa ng pelikula?
"When the camera is on, an actor will always be an actor," sagot ni Zsa Zsa.
"The same with you as a writer, kahit na may arthritis ka na at hindi ka makasulat, kahit na idikta mo yung naiisip mo.
"It doesn't mean that your mind is gone, right?
"So, ganun din yun pagdating sa pag-arte."
Ano ba ang sa tingin niya ay gusto pang makamit ng Comedy King?
"I just have an inkling of what it is. But, at this point of his life, he just wants everybody to be happy, yung sa pamilya niya," sagot ni Zsa Zsa.
CHRISTMAS PLANS. Hindi lalabas ng bansa sina Mang Dolphy at Zsa Zsa ngayong Christmas season, hindi katulad ng nakagawian nila dati.
Magiging abala ang dalawa at ang kanilang pamilya sa MMFF.
"This will be our 21st Christmas together," banggit ni Zsa Zsa.
"Sa 21 years na 'yon, merong nag-Vegas kami, merong nag-Hong Kong... Ilang beses 'ata nag-Hong Kong kami. Merong Japan...
"Pero kung merong nag-festival [MMFF], isa sa amin, tradisyon namin sa bahay lang."
Hindi na din daw sila nagbibigayan ng regalo sa isa't isa tuwing Pasko.
"Minsan quits. Uso sa amin yun. 'Bibigyan ko pa bang gifts? Wag na!'
"Kasi kung ganun na kayo katagal magkasama, minsan hindi na ganun kaimportante ang material.
"Or, kung meron mang material na bagay na gusto mong ibigay, it doesn't have to be Christmas eve."
Maikli ang naging sagot ni Zsa Zsa nang tanungin naman ang kanyang Christmas wish: "Good health lang to everyone."
TO THE CRITICS OF THE FILM. Hiningan din si Zsa Zsa ng komento tungkol sa mga posibleng mag-criticize sa Father Jejemon.
"Sino ba itong mga critics na ito?" tanong niya.
"Siyempre, titignan mo kung may kapasidad bang mag-criticize. Baka naman napulot lang sa kanyang kapitbahay or somewhere.
"'Tsaka, lalo na kung hindi mo pa napapanood yung pelikula, hindi mo puwedeng husgahan; lalo na kung napanood mo lang yung trailer.
"Hindi mo nagustuhan? Puwede namang hindi lang maganda yung pagkagawa ng trailer, hindi ba?
"There are people who have been in the business for how many years. There are so much to learn from these people.
"So, respeto lang."
May humirit mula sa press na: "Ibang klase kang producer!"
Na sinagot naman ni Zsa Zsa ng: "Only because I sleep with the talent!"
ON HER THREE DAUGHTERS. Samantala, napag-usapan din ang kanyang "tres marias"—si Karylle, na anak niya sa kanyang unang asawa, at ang mga anak nila ni Dolphy na sina Nicole at si Zia.
Umiwas sa pagbibigay ng komento si Zsa Zsa tungkol sa love life ng panganay nitong si Karylle.
Nauugnay kasi ngayon si Karylle sa lead vocalist ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon.
At nang tanungin kung boto siya rito, sagot ni Zsa Zsa, "Sabi nila, sila nagsasabi nun. I don't wanna talk about Karylle's personal life."
Si Zia naman ay unti-unti na rin pinapasok ang local music scene.
Kasama siya sa album ni Dolphy na Handog Ni Pidol: A Lifetime of Music and Laughter.
Nag-duet silang mag-ama sa kantang "You Are Just In Love (I Wonder Why)."
Kailan magkakaroon ng sariling album si Zia?
"Next year," sagot ni Zsa Zsa.
"She is still busy with school. She is in the process of writing her own music."
Ang bunso namang si Nicole, na kasama nila kagabi sa press conference, ay pansamantalang nandito sa Pilipinas.
Nag-aaral sa Nicole sa Australia at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
Photos Courtesy of PEP
No comments:
Post a Comment