Thursday, February 16, 2012

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Kris Aquino tells James Yap about Isabel Oli: "Papayagan kitang i-girlfriend mo siya, she looks mabait talaga."

Wednesday, February 15, 2012 06:33 PM
Photography: Noel Orsal
Bookmark and Share

Rating


Kris Aquino tells James Yap about Isabel Oli: "Papayagan kitang i-girlfriend mo siya,  she looks mabait talaga."


"Alam mo, nag hello sa akin si Isabel Oli sa party ni Liz [Uy]. She's sexy. I like her. Papayagan kitang i-girlfriend mo siya, she looks mabait talaga," says Kris Aquino about Isabel Oli, who is being linked to her former husband James Yap.

James Yap recently visited his ex-wife, Kris Aquino, at her home and this visit was televised for the February 15 episode of Kris TV dubbed as "Kris Reali-TV."



During this episode, Kris was asked if she finds it hard to talk about her annulment to her husband of almost five years.



Kris explained, "Because matino ang pag-uusap namin ni James...It's hard to talk about it if we hate each other pero we're at a point naman na we're okay with each other."



Later on, James also had a sit-down interview with a staff member of Kris TV. James told his ex-wife: "Congrats! Single na kami. Siyempre, ang hiling ko lang sa kanya na maging happy siya. Sa work, sana maging mas successful siya.

"Tapos na, nakapag-move on lahat."



Does he also wish for his own happiness for his birthday?

"Oo, happy naman ako [he then hugged Bimby tighter]," said the basketball player.



What's the schedule of James's visits to his son?

"Anytime pwede naman. Kung wala naman silang lakad, anytime pwede akong dumalaw," he answered.


Would it be okay if other guys court Kris?

Bimby made a sound to show his displeasure.

James pointed out, "Nasa kanya naman yun, free naman siya."


ISABEL OLI TALKS TO KRIS. While sitting down for a meal, Kris had the chance to narrate her chance encounter with Isabel Oli, who is being linked to James.



Kris narrated, "Alam mo, nag hello sa akin si Isabel Oli sa party ni Liz [Uy]. She's sexy. I like her. Papayagan kitang i-girlfriend mo siya, she looks mabait talaga."



James agreed with her statement and said, "Mabait naman talaga."


CAN KRIS GET MARRIED AGAIN? Kris was reading her text messages when she suddenly asked her youngest son: "Bimby, can Mama get married?"



Bimby shouted "No!"


Kris asked him why and the young boy answered, "Because I'm gonna punch his face."



James asked their four-year-old son if he could get married. The boy simply said Yes, prompting his father to give him a big hug.


Kris then summarized, "Papa can get married but Mama no."

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sunday, January 8, 2012

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Pauleen Luna's mom issues statement about Vic-Pauleen rumors


Apektado na ang magulang ni Pauleen Luna (photo above) dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak. Nuong kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna. Ayon sa kanyang statement, "the new house she is building [is] from her savings—contrary to the speculations that it was a gift. We would like to extend our regrets to Mr. Vic Sotto for being dragged in this issue."

Pauleen Luna's mom issues statement about Vic-Pauleen rumors


Kahit hindi nagsasalita sina Vic Sotto at Pauleen Luna tungkol sa isyu sa kanilang dalawa, may mga intriga pa ring naglalabasan na hindi maiwasang nakakaapekto sa young actress.

Isa na rito ang nakakaintrigang tweet ni Oyoboy Sotto na ang duda ng karamihan ang tinutukoy nito ay ang Vic-Pauleen isyu.

Nung December 4 ay nag-post si Oyoyboy sa kanyang Twitter account VSotto12 ng, "Ang dami talagang mukang pera... ang daming lumalandi! Nakakalungkot (hindi sa akin) Haay nako...."

Sinundan pa nito ng ilang beses niyang sinulat na "respeto lang."

Kaya naglabasan ang intrigang tutol daw ito sa pakikipagrelasyon ng kanyang ama kay Pauleen.

Naging isyu ito dahil sa lumabas ding kuwento na idinaan daw ni Vic sa mga regalo ang panliligaw sa young actress.

Kaagad itong itinanggi ni Pauleen dahil minsan lang daw siya nakatanggap ng regalo mula sa comedian/TV host at ito raw ay nuong nakaraang birthday niya.

Ayaw na sanang palakihin pa ito ni Pauleen, kaya lang naaapektuhan siya dahil lumalabas siyang materialistic, gawa nang patuloy daw na pagreregalo sa kanya ni Vic.

Sinagot niya ito sa Startalk at ang sumunod nuon, may ipinost na naman si Oyoboy sa kanyang Twitter account, "Kung nasaktan ka, ikaw yun."

Ang latest, na-deactivate ang BBM (BlackBerry Messenger) ni Pauleen dahil iniiwasan na lang nitong makatanggap ng kung anu-anong mensaheng pinatatamaan siya.

Ayaw na rin daw niyang mag-post ng kung anu-ano sa kanyang BBM at baka bigyan na naman daw ng ibang kahulugan.

Pati ang pagti-tweet ay tinigil na rin nito at iniiwasan na rin niyang magbasa ng mga tweets.

Pero apektado na ang magulang ni Pauleen dahil hindi nila matanggap na pagbintangang "gold digger" o "manggagamit" ang kanilang anak.

Nung kamakalawa lang, naglabas ng statement ang ina ni Pauleen na si Mrs. Chat Luna at ipinadala niya ito sa Startalk.

Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala nito bilang pagtatanggol sa kanyang anak.

"There is no better time for our thoughts, as parents, on the Vic-Pauleen issue, be heard but now, for we wish our daughter nothing more but a peaceful and fulfilled 2012.

"We're proud to have brought up Pauleen as a God-fearing child, and have full trust and confidence [in] whatever decision she makes.

"We have raised her and her brother as well-provided individuals encouraged to live their lives to the fullest.

"Since her start in this industry, she has but one goal—that is to enjoy what she loves the most—acting and hosting. What she earns from this profession comes secondary to her passion.

"That is why it pains her and us as well to hear that she is using someone else for financial gains. Just so everything si clear, Pauleen is not the breadwinner of the family.

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Tuesday, December 20, 2011

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Kris Aquino spearheads flood relief operations in Mindanao with Anne Curtis, Vice Ganda, and Angel Locsin



Kris Aquino—together with friends Angel Locsin, Anne Curtis, and Vice Ganda—flew to Cagayan de Oro last night, December 19, for the flood relief operations in Mindanao.

Kris Aquino spearheads flood relief operations in Mindanao with Anne Curtis, Vice Ganda, and Angel Locsin


Tulad ng inanunsiyo ni Kris Aquino kahapon, Disyembre 19, sa morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV, natuloy siya sa pagpunta sa Cagayan de Oro kagabi para sa relief operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagsagawa ng relief operations doon si Kris bilang bahagi ng ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation.

Kasama niya rito ang mga kaibigang sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Vice Ganda.

Kanina, Disyembre 20, ay ikinuwento ni Kris sa Kris TV ang kanilang naging karanasan sa CDO.

"Pasensiya na kayo medyo paos [ako] kasi kagabi, halos one in the morning na kaming nakauwi.

"The ABS-CBN airplane brought us home from Cagayan de Oro.

"Nakalibot kami...we went to both Consolacion and the other place... forgive me hirap na hirap akong matandaan...Balulang.

"Yun ang maraming tao talaga, yung sa Balulang.

"You know, actually, kasi yung pagpunta namin was really biglaan.

"And gusto ko talagang mag-pay tribute sa foresight ni Angel Locsin...

"Kasi magkasama si Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Locsin, and myself.

"And si Angel at ako, pareho naming naisip... Kasi Angel was planning to do parang charity bago mag-Pasko noong mga ine-endorse niyang produkto..."

Si Kris naman daw ay namili ng mga ini-endorse niyang shampoo at sabon.

Aniya, "Kasi ang balak kong pasabog doon sa parada ng Metro Manila Film Festival...kasi nanghihingi sila ng giveaways, e.

"Doon ko talaga dapat ipamumudmod yun.

"Sorry ha, uy, yung mga magpaparada sa 24, huwag kayong magalit sa akin, dinala ko sa Mindanao," paghingi ng paumanhin ni Kris.

May pelikula si Kris na kalahok sa MMFF, ang Segunda Mano.

RELIEF OPERATIONS. Habang nagkukuwento si Kris ay ipinapakita naman ang video ng ginawa nilang relief operations at kita ngang madilim sa lugar.

Paliwanag ni Kris, "Wala pang kuryente kaya nakikita n'yo dun sa video, madilim pa talaga. Ilaw lang 'yan ng camera.

"Tapos tingnan n'yo yung mga tao.

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Thursday, December 8, 2011

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sarah Geronimo is stronger...and sexier!



Sarah Geronimo is hotter than ever! After going through tough times in the field of love, she comes out stronger and fiercer without veering away from her good-girl roots.

Sarah Geronimo is stronger...and sexier!


This December, pop star princess Sarah Geronimo graces the cover of Cosmopolitan Magazine Philippines for the second time.

Compared to her previous cover feature in November 2008, the 23-year-old singer now sports a bolder, sexier look.

"We wanted to bring out Sarah's inner Cosmo girl," says editor-in-chief Myrza Sison in an interview with Cosmo TV. (CLICK HERE to view video)

"It's been three years since she was on the cover and she's really grown into a lovely, confident young woman.

"We wanted to capture that."

Fashion director Ana Kalaw figured it would be perfect to show Sarah wearing a variety of sexy dresses, which are also perfect for the month's party-heavy nights.

"We wanted to connote the party atmosphere so we used a lot of fun clothing—a lot of sparkly, colorful, gold, and metallic clothes to bring out that festive feel."

On the cover, Sarah wears a nude stretch dress with black lace overlay by local designer Tina Daniac.

Inside, she dons a white and lavender mini dress with paillettes by Kristel Yulo.

Both outfits are obviously more daring compared to her "wholesome" wardrobe.

In fact, it has been known among her fans and the circle of stylists she regularly works with that anything that raises two or three inches above the knee is a no-no for Sarah.

If in case the dress falls too short, she'd opt to wear leggings or tights underneath just to cover her legs.

Every Sunday, she performs song and dance numbers in ASAP Rocks, channeling pop stars ranging from Lady Gaga to Katy Perry and her personal favorite Beyonce.

Her performance level seems to see no limit, but she's somewhat restrained when it comes to her outfit.

Sarah admits to being quite a "manang" when it comes to her style. But whenever she sees her fellow artists wearing sexy clothes, she admits to feeling the pressure of joining the band wagon.

But her clear head has usually prevailed.

She relates in her magazine interview, "The girls who wear sexy clothes—skimpy ba ang tawag dun?—in ASAP, it does get to me.

"Wow, ang ganda ng legs ni Anne [Curtis].

"O, eto, maganda ang mukha. Sana ako din bigyan ng ganyang legs.

"But that's not me. Ayokong magpadala. I'll always be the girl who doesn't wear lipstick when I don't have to."

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Monday, December 5, 2011

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

UPDATED: Video of Mo Twister goes viral on the Net; claims ex-girlfriend Rhian Ramos "got rid of our baby" in Singapore last year



Mo Twister on Rhian Ramos: "This business has made her believe that we have to take the life of our own child because no one will forgive her for this. That this job will ruin her. So we agreed that we'd come here and get it done."

UPDATED: Video of Mo Twister goes viral on the Net; claims ex-girlfriend Rhian Ramos "got rid of our baby" in Singapore last year


Kumakalat ngayon sa Internet ang kontrobersyal na video ni Mo Twister kung saan isiniwalat nito ang pinagdaanan diumano nila ng ex-girlfriend na si Rhian Ramos sa Singapore noong kalagitnaan ng 2010.

Ang naturang video, na may titulong "RepairedMovie.mov," ay in-upload ni PrettyJenny55 noong November 28, 2011.

Narito ang URL kung saan matatagpuan ang inupload ni PrettyJenny55: http://www.youtube.com/watch?v=o9VVP3lu38s

Tumagal ang video ng 13 minutes at 24 seconds.

Mukhang ito ang video, na ayon sa ilang nakapalibot kay Mo sa TV5, ay sinabi mismo ni Mo na ikakalat niya pag-alis ng Pilipinas.

Ngunit nasa Pilipinas pa si Mo sa ngayon at nakatakda pa lang lumipad papuntang New York bukas, December 3.

Ayon pa rin kay Mo, ginawa niya ang video noong gabi ng July 28, 2010, sa isang hotel sa Singapore.

Sa video ay mistulang kinakausap ni Mo ang kanyang sarili.

Ito raw ay upang magsilbing alaala ng aniya'y "horrible day" na iyon sa Singapore.

Diretsahang sinabi ni Mo sa video na pupunta sila ni Rhian sa isang ospital sa Singapore kinabukasan "and get rid of our baby."

Ipinakita rin ni Mo sa video ang isang pregnancy test na may positive na resulta.

Sa kabuuan ng video ay mahina lamang ang boses ni Mo at ilang beses siyang umiyak.

TRANSCRIPT OF MO'S VIDEO. Narito ang kabuuang pahayag ni Mo sa kanyang video, ayon sa mismong transcription ni PrettyJenny55, na siya ring nag-upload ng video.

(Ang kaibahan lang ay, sa original transcription, capitalized lahat ang letra.):

"It's 28th of July 2010, first time I'm doing this.

"I don't even know why.

"Um, maybe one day you'll watch this just to remember how horrible of a day it is.

"You're in Singapore, you've been crying all evening because, tomorrow morning, you and Rhian will go to the hospital here and get rid of our baby.

"It doesn't matter naman what I think about it because this was her choice.

"I don't know how long you'll keep this as a souvenir, but this is a test."

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Wednesday, November 30, 2011

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

EWS
Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."



"Hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao. Hindi madali yung proseso. Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam. So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na it's not easy," says Piolo Pascual about breakup with KC Concepcion.

Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."


Nasaksihan ng publiko ang labis na pagtangis ng aktres na si KC Concepcion dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahang si Piolo Pascual.

Ilang linggo ring naging usap-usapan ang umano'y pagtatapos ng kanilang relasyon, subalit kinumpirma lamang ito ni KC sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na ipinalabas kahapon, Nobyembre 27.

Pagtango lamang ang naisagot ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang tanungin siya kung hiwalay na sila ng singer-actor.

Hindi rin naging payak si KC sa kanyang sagot tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.

Sa halip, sinabi ng 26-year-old celebrity, "May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki.

"Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan siya.

"Pero let's just say na lahat talaga kaya ko, lahat!

"Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya.

"Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun.

"Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.

"May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun tanggapin..."

Sa isang bahagi ng interview ay sinabi rin ni KC ang mga sumusunod:

"Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ [palayaw ni Piolo] na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon.

"Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.

"Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.

"And hindi...hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Diin pa ni KC, "PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why."

(CLICK HERE to read full article.)

PIOLO PASCUAL'S BRIEF RESPONSE . Dahil sa mga pahayag ni KC, marami ang nag-aabang ng reaksiyon naman ni Piolo.

Sinubukan ng TV Patrol na hingan ng pahayag ang aktor nang salubungin siya ng kanilang crew sa airport.

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Tuesday, November 22, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!



Singer-actress Jolina Magdangal and musician Mark Escueta tied the knot earlier today, November 21, at the Splendido Taal Golf and Country Club in Tagaytay City, Cavite.

Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!


Ikinasal na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta kaninang bandang alas-singko ng hapon, November 21, Lunes.

Ginanap ang "sikretong" Christian wedding na ito sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite.

Matatandaang hindi ipinaalam nina Jolina at Mark sa publiko kung kailan at saan eksakto gaganapin ang kanilang kasal.

Nais kasi ng dalawa na maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib.

Napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na noong Sabado, November 19, ay ginanap na ang Church wedding nina Jolina at Mark.

"Very private" ang naturang kasalan.

Ayon nga kay Mark, "Mga bente lang kami."

THE GROOM & THE BRIDE. Halata namang ninenerbiyos si Mark ilang sandali bago ganapin ang kanilang Christian wedding.

"Excited," sagot ng Rivermaya drummer nang tanungin kung kumusta siya ng mga sandaling iyon.

Nagningning at mukhang masayang-masaya naman si Jolina habang nagmamartsa sa saliw ng kantang "Moonriver."

Hindi rin napigilan ng bride na mapaluha habang naglalakad pa lang patungo sa altar.

WEDDING VOWS. Damang-dama naman ang kaligayahan nina Mark at Jolina habang nagpapalitan sila ng wedding vows.

"Ikaw ang pinakamagandang regalo ni God," sabi ni Jolina kay Mark.

Inamin ni Jolina na ilang beses niyang sinubukang isulat ang kanyang vows.

Pero nagdesisyon siyang mag-impromptu "para hindi scripted."

Aniya pa, habang tumutulo ang mga luha, "Sabi ko, sasabihin ko na lang kung anong nararamdaman ko para sa iyo.

"Lahat ng nandito, lahat ng in-invite natin dito, alam nila kung gaano kita kamahal."

Biro pa ni Jolina, "Pagpasensiyahan mo na kung minsan naghihintay ka ng limang oras dahil nasa banyo ako.

"Kung matangkad at mestiza lang ako, promise three minutes lang ako sa banyo.

"Pasensiya ka na kung minsan, ang daldal-daldal ko..."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Followers