Tuesday, January 11, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Heart Evangelista on snubbing issue with Raymond Gutierrez: "Honestly, I don't know if he is making an issue out of it."

Repoated From PEP (Philippine Entertainment Portal)
Heart Evangelista on snubbing issue with Raymond Gutierrez: "Honestly, I don't know if he is making an issue out of it."
Slideshow: Showbiz Photos

Nauna nang lumabas dito sa PEP Alerts kahapon, January 10, ang tungkol sa nangyaring pagdededmahan o hindi pagpapansinan umano sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Heart Evangelista at Raymond Gutierrez.

Ang insidente ay magkasunod daw na naganap noong Linggo, January 9, sa Party Pilipinas at sa Showbiz Central.

Kapwa hosts sina Heart at Raymond sa Party Pilipinas. Sa balitang nakarating sa PEP, sa set diumano ng Sunday musical-variety show ng GMA-7 ay binati raw ni Heart si Raymond, pero hindi raw siya pinansin nito.

Pero mas lumala pa ang sitwasyon pagdating sa Showbiz Central noong hapon. Co-host si Raymond sa show at guest naman ng hapong iyon si Heart para sa promo ng bagong telefantasya ng GMA-7 na Dwarfina.

Diumano, sa isang bahagi ng show ay nagpasaring si Raymond kay Heart on the air nang sabihin nito na, "Pati yung mga hindi namamansin, puwede kayong maging involved diyan."

At may pahabol pa raw ang male host na, "Thank you Kuya Ogie [Alcasid] pinansin mo ako," dahil sa pagpayag daw ng singer na makipag-one-on-one interview sa kanya.

Nag-ugat ang conflict sa pagitan nina Heart at Raymond dahil sa nangyaring hidwaan last year sa pagitan naman ni Heart at ng ina ni Raymond na si Annabelle Rama, co-manager ng aktres.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagkakaayos ang dalawang panig. At natural lang naman siguro na pumanig si Raymond sa kanyang ina.

HEART EXPLAINS. Nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Heart tungkol sa nangyari sa phone-patch interview sa kanya ng showbiz talk show ng QTV 11 na Tweetbiz ngayon gabi, January 11.

"Honestly, I don't know if he [Raymond] is making an issue out of it. Because from the technical rehearsal [sa Party Pilipinas], I went up to him.

"Nakita ko nakaupo siya. Sabi ko, 'Hi!' Pero hindi naman niya ako kinausap or hindi naman siya nag-react o nag-hi," kuwento ni Heart.

Sa Showbiz Central ay tila may pasaring si Raymond about "pansinan." Alam niya ba ang tungkol dito at ano ang reaksiyon niya rito?

"Actually, I would appreciate it if they stop making fun and just say my name then maybe I can address [the issue]. Because at this point, I really don't know to whom they are saying that to.

"So, next time, I'd appreciate it if they make parinig, it would be better if they say my name then I can address the issue," saad ng aktres.

Ayaw naman daw talagang makipag-away ni Heart.

"Mabuting tao naman talaga ako. Maarte lang talaga ako, pero I am a nice person. I just really hate fighting. I hate it."

Mananatiling bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Raymond kung nais niyang magsalita tungkol sa naging pahayag ni Heart.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

  1. Dami namang kaaway ni A. Rama hehehe.. Fro what I saw and observed nung andyan pa ako, mukha namang mabait si Heart and understanding.

    ReplyDelete
  2. Hi Rose,
    Tama ka dun, talagang mabait at tahimik lang na tao si Heart. Nagka problema lang nung inabisuhan nila sa Annabel na hindi na irerenew ang kontrata sa kanya kapag nag expire na ito. Duon na biglang binanatan ni Annabel sa TV at magazines si Heart na tinawag niyang ingrata.. Pera lang talaga ang dahilan. Thanks for the post. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers