Humingi ng tulong ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) para iprayoridad ang ilan sa mga kaso ng tax evasion na matagal nang hindi nareresolba ng korte.
Kasama sa listahang ito ang tax evasion cases laban sa aktor na si Richard Gomez, at sa Royale Artists Management Inc. (dating Royale Era Entertainment) ng pamilyang Gutierrez.
Kinasuhan ng BIR at DOJ ng tax evasion case si Richard Gomez noong Oktubre 2007. Ayon sa dalawang ahensiya, hindi umano nakapagbayad ng tamang buwis ang aktor mula 2000 hanggang 2003. (CLICK HERE to read related story.)
Noong Abril 2006 naman isinampa ng BIR ang tax evasion case laban sa Royale Era. Ayon sa BIR, kulang daw ng P3,285,397.29 ang ibinayad na buwis ng talent company noong 2003 at 2004.
Ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang namamahala sa Royale Era. Ilan sa mga talents nito ay ang mga anak nina Eddie at Annabelle na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez, pati na sina JC de Vera, Ehra Madrigal, Michelle Madrigal, Bubbles Paraiso, at TJ Trinidad.
Hindi na bago sa BIR ang pagsasampa ng tax evasion cases laban sa mga kilalang personalidad. Ilan sa mga nasampahan na ng ganitong kaso ay sina Judy Ann Santos, John Lloyd Cruz, Regine Velasquez, Claire dela Fuente, at ang fashion director na si Robbie Carmona.
Isa rin sa mga prayoridad ng pamunuan ni Pangulong Noynoy Aquino ang paghabol sa mga tax evader para madagdagan umano ang pondo ng pamahalaan.
Nauna nang nahatulan ng Court of Tax Appeal na guilty sa tax evasion ang beauty doctor na si Joel Mendez noong Enero 5. (CLICK HERE to read related story.)
Sa kasalukuyan ay sinusubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ni Richard Gomez at nina Eddie Gutierrez tungkol sa hakbang na ito ng DOJ at BIR.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
lalong hindi umaasenso ang pinas kasi kahit mga artista na malalaki ang kita hindi nagbabayad ng tamang buwis, samantala ang mga mamayan na tamang tama lng ang kita nagbabayad ng tamang buwis
ReplyDeleteHi Shy,
ReplyDeleteTama ka diyan Shy. Kung sino pa yung malalaki ang kita ay siya pang hindi nagbabayad nang buwis samantalang yung mga kumakayod sa trabaho ay automatic na kinakaltasan nang buwis. Unfair masyado. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.