Wednesday, November 30, 2011

A Re-post From PEP (Philippine Entertainment Portal)

EWS
Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."



"Hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao. Hindi madali yung proseso. Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at maraming nakikialam. So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na it's not easy," says Piolo Pascual about breakup with KC Concepcion.

Piolo Pascual on breakup with KC Concepcion: "[Ang] akin lang, hayaan na lang muna kami."


Nasaksihan ng publiko ang labis na pagtangis ng aktres na si KC Concepcion dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahang si Piolo Pascual.

Ilang linggo ring naging usap-usapan ang umano'y pagtatapos ng kanilang relasyon, subalit kinumpirma lamang ito ni KC sa eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na ipinalabas kahapon, Nobyembre 27.

Pagtango lamang ang naisagot ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nang tanungin siya kung hiwalay na sila ng singer-actor.

Hindi rin naging payak si KC sa kanyang sagot tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.

Sa halip, sinabi ng 26-year-old celebrity, "May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki.

"Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan siya.

"Pero let's just say na lahat talaga kaya ko, lahat!

"Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung anak niya.

"Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun.

"Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.

"May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun tanggapin..."

Sa isang bahagi ng interview ay sinabi rin ni KC ang mga sumusunod:

"Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ [palayaw ni Piolo] na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon.

"Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung...siguro nag-fail din ako dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.

"Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.

"And hindi...hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."

Diin pa ni KC, "PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why."

(CLICK HERE to read full article.)

PIOLO PASCUAL'S BRIEF RESPONSE . Dahil sa mga pahayag ni KC, marami ang nag-aabang ng reaksiyon naman ni Piolo.

Sinubukan ng TV Patrol na hingan ng pahayag ang aktor nang salubungin siya ng kanilang crew sa airport.

Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

  1. Ay naku everyday maraming nag-hihiwalay dyan, they are not the only one na nasaktan nang ganyan. It is part of growing up diba, Mel? If it is not for you then move on, kaya lang siguro na blow up ito eh puro sila artista. At ang sarap himay himayin ang mga binitiwang salita nang mga taong involve and mag conclude na ganito ang reason nang hiwalay. Sana tantanan na nila itong dalawang to. ^_^

    ReplyDelete
  2. Hi Kim,
    Very controversial kasi itong si Piolo Pascual kaya inuulan nang kontrobersya ang paghihiwalay nila ni KC Concepcion. Thanks for your visit and comments. God bless you always.

    ReplyDelete

Followers