Thursday, November 17, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Jennylyn Mercado admits relationship with Luis Manzano is now "formal"; confirms Patrick Garcia has non-showbiz girlfriend



Jennylyn Mercado (in photo, with son Alex Jazz) on issue linking her to married men: "Sabi ko nga, kahit hindi totoo iyan, siyempre lumabas din iyan, may mga tao rin na siyempre hindi mo basta-basta mapaniwala kasi iba rin ang takbo ng isip ng tao. Ang gusto ko lang sabihin, e, hindi po nakakatulong sa akin, sa pamilya ko, sa career lalo, na dahil ang pangit sa image ko ang ganun. Saka wala po talaga sa ugali ko ang ganun na papatol sa may pamilya, nakakasira ng dignidad."

Jennylyn Mercado admits relationship with Luis Manzano is now "formal"; confirms Patrick Garcia has non-showbiz girlfriend


Hindi man diretsahang inamin ni Jennylyn Mercado na sila na ni Luis Manzano, pero ganun na rin ang ibig niyang sabihin nang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano na talaga ang status ng kanilang relasyon.

"Meron naman siyang lumabas na interview tungkol dun.

"Ang masasabi ko lang, masaya kami.

"Meron na kaming parang formality," medyo alanganin niyang sagot nang kinulit namin tungkol sa kanilang relasyon.

Masasabing sila na nga bilang magkasintahan?

"Parang ganun," pakli nito.

"Basta kaming dalawa, formal na rin yung relationship namin.

"Basta masaya kami at nagtutulungan talaga kaming dalawa."

Tanggap na raw ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon, lalo na raw ang pamilya niyang botong-boto kay Luis.

RAYMART & PAOLO. Nilinaw rin ni Jennylyn na ipinagkibit-balikat na lang daw ni Luis ang intriga nitong nali-link siya kay Raymart Santiago at pati kay Paolo Contis.

Parehong kasama ni Jennylyn ang dalawang aktor sa dating drama series nilang Futbolilits.

Saad ni Jennylyn, "Alam naman ni Luis kasi tungkol dun sa mga nali-link sa akin.

"Siyempre, may mga asawa na sila.

"Kaswal lang naman niyang tinanong, e. Nakita naman niya, e.

"Minsan pumupunta siya sa taping ng Futbolilits, nakikita naman niya, e, as in magkakasama kaming lahat sa table with Luis.

"Katabi si Luis, nakikita naman ng mga tao kung paano kaming dalawa. Alam naman nilang lahat yun, e.

"Si Luis naman, sabi niya, 'Obvious naman na meron lang gustong sumira sa 'yo.'"

Kahit nairita si Jennylyn sa intrigang yun, hindi naman daw ito nakakaapekto kay Luis at sa kanilang relasyon.

Sabi ng Kapuso actress, "Hindi naman nakaapekto at all.

"Sabi ko nga, kahit hindi totoo iyan, siyempre lumabas din iyan, may mga tao rin na siyempre hindi mo basta-basta mapaniwala kasi iba rin ang takbo ng isip ng tao.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers