Thursday, February 3, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show

Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show
Slideshow: Showbiz Photos

Marami ang natuwa sa pag-aayos ng magkaibigang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

Pero hindi maiwasang mabigyan ng kulay na baka ang pagbabati ng dalawa ay dahil magsasama sila sa isang noontime show na hinahanda ngayon ng ABS-CBN. Makakasama ng dalawa rito sina Randy Santiago at John Estrada.

Malalim ang pinag-ugatan ng alitan nina Toni at Mariel noon kaya, sa obserbasyon ng ilan, kahit sinasabi ng dalawang TV hosts na bahagi na lamang ng nakaraan ang mga nangyari, hindi mapapasubaliang may lamat na ang kanilang pagkakaibigan.

FORGIVE & FORGET. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa ASAP Rocks noong Linggo, January 30, tinanong namin siya kung masasabi ba niya na totally ay naka-move on na siya at napatawad na niya si Mariel sa kung anuman ang nagawa nito sa kanya.

Aniya, "It's so easy to say I forgive but it's so hard to forget. Pero, di ba, pag si Lord pinatawad tayo, we're a clean slate, parang wala tayong ginawang kasalanan? So, sino naman ako para mag-hold ng grudge towards anybody?

"Napakasama ng ugali ko pag hindi ako marunong magpatawad. Napatawad ako ni Lord, napatawad ako ng mga magulang ko, napatawad ako ng mga taong nagawan ko ng kasalanan, ako pa kaya ang hindi magpapatawad?

"'Saka gaya ng sinabi ko, kahit naman last year... Actually, both of us, we're in the situation na damn if you do, damn if you don't. Whatever we say, whatever we do, people will always have a thinking on us and people have already passed their judgment on both of us.

"No matter how we try to convince and answer whatever questions, may mindset na ang ibang tao na hindi na magbabago. Ang importante, pag sinabi kong tapos na, tapos na lahat, 2011 na."

NOONTIME SHOW. Sa simula pa lang ba ay naging bukas na talaga siya to work with Mariel in a project, sa kabila ng mga nangyari sa kanila?

"Ako, I'm open to working with anybody as long as it's a good project. As long as marami ang matutuwang tao, na mapapasaya," sagot ni Toni.

"I've waited five years, maraming beses akong inalok, pero hindi ako nag-noontime show kahit gustung-gusto ko dahil ito yung level ng comfortability ko sa hosting.

"But in respect to the word I honored before na hindi muna ako gagawa, hindi ako tumanggap. Hinintay ko yung five years. So, ngayong dumating uli, e, ang hirap palampasin ulit."

Ang tinutukoy ni Toni ay ang pangako niya noon na hindi siya maghu-host ng isang show na katapat ng iniwanan niyang noontime show sa GMA-7, Eat Bulaga!.

Pero ayon kay Toni, "Actually, hindi pa final ang lahat ng pangyayari, so hindi ko alam kung hanggang saang information ang puwede kong ibigay. So far, right now, every day may mga changes kasi it's really a big preaparation. 'Saka kasama kami sa brainstorming, sa pagbusisi. 'Saka yung mga kasamang iba, tinatanong kami kung saan kami kumportbale."

Sa pagtanggap niya sa noontime show ng ABS-CBN, nagpaalam ba muna siya sa management at bumubuo ng Eat Bulaga!?

"Mahirap magsalita sa ngayon, baka mamaya sabihin ko na lahat, ma-scold naman ako. Pero siyempre, bago mangyari ang lahat, may mga inaareglo tayong mga bagay, may mga plinantsa tayo," sabi ni Toni.

WILLIE'S TAMPO. Hiningi rin ng PEP ang reaksiyon ni Toni tungkol sa malalim na sama ng loob daw ni Willie Revillame sa mga kaibigan niyang sina John Estrada at Randy Santiago dahil sa pagtanggap nila ng noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Willie, may inaayos na siyang noontime show sa TV5 para kina John at Randy, pero hindi sinabi ng mga ito sa kanya na tinanggap na pala nila ang offer ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Toni, "Narinig ko na rin 'yan kay Alex [Gonzaga, Toni's sister]... Pero nagkita kami ni Kuya John at Kuya Randy, ang sabi nila, dito sa industriyang ito, pag personal ka talaga, pag pinersonal mo ang lahat, sa bahay ka na lang, matulog ka na lang sa bahay kasi walang mangyayari sa iyo kung hindi mo kaya ang lahat.

"E, sila Kuya John and Kuya Randy, matagal na sila sa industriya, I'm sure kayang-kaya nilang i-handle lahat ng bagong intriga."

Ayon kay Toni, dahil sa pagtanggap niya ng noontime show, may mga nabago sa projects na dapat ay gagawin niya ngayong 2011.

"Yung taong ito, maayos ang pagkaka-lineup. Kaya lang, ang nangyari, nagkaroon ng kaunti lang namang changes na nagbago sa lahat ng set-up. So, very, very light na changes na mangyayari sa sked ko. But other than that, great, great blessings."

ON ALEX GONZAGA. Tungkol naman sa nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, isa na ito sa pinakaimportanteng artista ngayon sa bakuran ng TV5. Sa katunayan, si Alex ang pangunahing bituin sa kauna-unahang dramaserye ng Kapatid network, Babaeng Hampaslupa.

Masaya si Toni para kay Alex dahil kung dati ay naikukumpara lang ang kapatid sa kanya, ngayon ay nakabuo na si Alex ng sariling tatak at pangalan sa showbiz.

"Masaya ako dahil yung kapatid ko nasa Kapatid network. Masaya ako para sa kanya kasi yun naman talaga ang gusto niyang gawin, yun ang nasa puso niya, ang gawin ang mga ginagawa ko rin, at may isang istasyon na nagtiwala sa kanya.

"Siyempre, sino ba namang kapatid ang hindi matutuwa sa ganun?" sambit ni Toni.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers