Thursday, November 4, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Ipinanganak ni Tanya Garcia ang second child nila ni Mark Lapid sa Las Vegas uli

Ipinanganak ni Tanya Garcia ang second child nila ni Mark Lapid sa Las Vegas uli
Slideshow: Showbiz Photos

Nagsilang na ang aktres na si Tanya Garcia sa ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Mark Lapid noong October 29 sa Las Vegas, Nevada.

Babae uli ang second baby nina Tanya at Mark, na pinangalanan nilang Matilda Anika. Via caesarean section nanganak ang semi-retired actress.

Ang panganay nilang si Mischa Amidala, na sa Las Vegas din isinilang, ay three years old na ngayon.

Ilang araw bago manganak ni Tanya ay naka-chat siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook account.

Sinabi ni Tanya sa PEP ang kahilingan niyang ipagdasal namin na huwag siyang manganak nang caesarean at maiba na ng posisyon ang isisilang niyang sanggol.

Pero hindi nga nagbago ang posisyon ng sanggol kaya na-caesarean pa rin siya.

Sa pakikipag-chat muli ng PEP kay Tanya kahapon, November 3, ay ikinuwento niya ang tungkol sa kanyang panganganak.

"On October 29, 2010 at 4:12 pm, Matilda Anika Lyttle Lapid was born via c section. Actually I wasn't scheduled yet for CS [caesarean section] that day, but that morning of Oct 29 I had my routine check-up, up to my due date."

Sabi pa ni Tanya, sa November 7 pa raw sana ang due date niya.

Patuloy niya, "We were still hoping bumaliktad si Matilda so that I'd have a normal delivery. So, weekly may check-up ako and ultrasound para malaman nga kung okay na position ni Matilda.

"Tapos that morning when I had my i.e. [internal examination], my OB-Gyne found out my cervix was open already around 2-3cm na. Pero I had no contractions so I wasn't aware na open na pala.

"I was advised by my OB na kailangan ko na ma-CS asap because baka biglang mag-break na ang water ko, e, magtuloy-tuloy ang labor. Medyo delikado raw pag ganun dahil sa breeched nga.

"So yun, I went home lang to get ready and then I was admitted na sa Valley Hospital."

Sa hospital din daw na yun ipinanganak si Mischa Amidala.

May takot daw noong una si Tanya na ma-caesarean siya dahil sa mga naririnig niyang matagal ang recovery nito. Pero kahit siya ay nagulat nang wala pa halos isang oras ang itinagal ng operasyon at nailuwal na niya ang kanyang anak.

"At exactly 4 pm surgery started. By 4:12, then, Matti [palayaw ni Matilda] was out na, 33 minutes lang tumagal ang surgery.

"Mark was with me the whole time. Of course, I needed his support at super nerbyosa ako.

"Matti weighed 8.5 lbs, 19 inches long. She's a lot bigger than Mischa. Mischa was only 6.21 lbs!"

ATE MISCHA. Kasama rin nina Mark at Tanya si Mischa Amidala sa Amerika. Paano tinanggap ng panganay nila ang bagong kapatid nito?

"Mischa's been so excited and anxious for Matilda to come out," sabi ni Tanya. "So, finally when she saw her little sister, she was so happy and ateng-ate talaga.

"Kinakausap niya parati. She would always say, 'Matti don't cry, ate is here.' Ang sweet!

"Pero siyempre, may mga moments na nagpapapansin si Mischa, but then that's normal daw. Ang maganda naman, more often yung pagiging ate kesa sa pagpapapansin niya."

Hindi pa masabi ni Tanya kung kailan ang exact date ng balik nila sa Pilipinas. Pero sigurado raw na dito gagawin ang binyag ni Matilda.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

  1. the baby is so cute, ty for the post mel.

    ReplyDelete
  2. Hi Imelda,
    Yes, their baby is so cute. Maybe she will grow up to be an actress too. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers