Tuesday, November 2, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Senator Bong Revilla says working with Vic Sotto feels just like play; also concedes top billing to Vic

Senator Bong Revilla says working with Vic Sotto feels just like play; also concedes top billing to Vic
Slideshow: Showbiz Photos

Si Agimat at Si Enteng Kabisote na ang final title ng pelikulang pagsasamahan nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto.

Co-produced by GMA Films, Imus Productions, M-ZET Productions, APT Entertainment, and OctoArts Films, this is an entry to the 2010 Metro Manila Film Festival.

Sa set visit ng pelikula sa Tanay, Rizal noong Sabado, October 30, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang action star.

Ayon sa actor-politician, umuupa siya ng isang villa malapit sa kanilang set kapag wala siyang pasok sa Senado at tuwing may shooting siya para hindi na siya mahirapang magbiyahe mula sa bahay nila sa Ayala, Alabang.

WORKING WITH VIC. Paano nabuo ang istorya ng pelikula nila ni Vic?

"Natuwa kami nang mapagsama ang story ni Agimat at ni Enteng Kabisote," simula ni Bong Revilla. "Nag-meet kami, grupo ni Agimat at grupo ni Enteng Kabisote.

"Pinag-usapan namin na since lagi naman kaming nagbibigay ng kasiyahan sa mga manonood tuwing festival, bakit hindi kami magsama sa isang movie, bilang pasasalamat na rin namin sa mga sumusubaybay sa story ni Agimat at ni Enteng Kabisote.

"Kaya two-in-one movie ito. Kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Agimat at kung ano ang hinahanap ng mga manonood kay Enteng Kabisote, makikita nila dito. Parehong may action, adventure, comedy, love story.

"Nagpapasalamat kami sa mga writers naming sina Bibeth Orteza at RJ Nuevas," banggit din niya.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila ni Vic?

"Dito, parang hindi kami nagtatrabaho, para lang kaming naglalaro. After ng take, lalo na doon sa magkasama kami ni Vic, tawanan lang kami nang tawanan.

"Biruan kami lalo na doon sa mga eksenang pareho kaming naka-harness. Mahirap, pero kaming dalawa talaga ang gumawa ng mga eksena.

"Lalo na 'yong laban naming dalawa, kami talaga 'yon, para hindi na kami gumamit ng chroma."

Bakit pumayag siyang mauna ang billing ni Vic sa kanya?

"Hindi problema sa akin ang billing," sabi ni Senator Bong. "'Saka kung iku-consider ang seniority, si Vic talaga ang dapat mauna sa akin.

"Ang mahalaga rito, ibang Bong at ibang Vic ang makikita dito. Equal ang exposure namin kaya we give credit sa mga writers at kay Direk Tony Reyes na talagang binusisi ang pelikula. Pagdating naman sa special effects, ibinigay namin ito kay Direk Rico Gutierrez.

"Five days na lang, tapos na kami ng shooting at hindi na kami magwu-worry na hindi kami makaabot sa deadline ng MMFF sa December. Basta ang maipapangako lang namin, masaya tayong lahat sa Pasko."

LEADING LADIES. Sino ang pumili ng leading ladies nila sa movie na sina Sam Pinto (para kay Senator Bong) at Gwen Zamora (para kay Vic)?

"Ang GMA Films ang nag-provide ng mga leading ladies namin dito dahil pareho nilang contract stars," sabi ni Senator Bong.

"Sam is Samara, my leading lady. Isa siyang warrior girl na matagal nang hinahanap si Agimat dahil pinatay ang kanyang pamilya ng mga masasamang tao.

"Si Gwen naman ang ibinigay nila kay Vic bilang bagong Faye, ang wife ni Enteng. Bagay na bagay din sa kanya ang maging fairy."

Kinumusta rin ng entertainment press kay Senator Bong si Sam na lately ay medyo naging kontrobersiyal at sabi'y hindi raw marunong umarte.

"No, it's not true! Mahusay si Sam, ang ganda ng rehistro niya sa screen at bumagay ang role at costume sa kanya. Makikita ninyo ito kapag napanood na ninyo ang movie.

"Mabait siya at walang reklamo kahit alam naming nahihirapan siya doon sa mga fight scenes niya," pagtatanggol ng aktor sa kanyang leading lady.

JILLIAN WARD. Kumusta naman ang sidekick niya sa pelikula na si Jillian Ward? May eksena raw na umiyak nang umiyak si Jillian kaya pinagamitan na niya ng double.

"May isang eksena kasing naka-harness siya. Noong una, okey lang sa kanya pero nang itinaas na siya, natakot na siya kaya umiyak nang umiyak. Pinabigyan na namin ng double dahil ayaw naming ma-trauma ang bata sa height.

"Pero pagdating sa acting, mahusay si Jillian at bibong-bibo siya kaya tuwang-tuwa sa kanya ang mga kasama naming artista at ang production staff," saad ni Senator Bong.

SK CHAIRMAN. Shifting to another topic, nagpasalamat si Senator Bong dahil nanalo bilang SK Chairman ng Bacoor, Cavite, ang anak niyang si Jolo Revilla.

Hindi ba mahirap kay Jolo na nag-aartista, nag-aaral, at gampanan ang tungkulin as SK Chairman?

"Ang napansin ko kay Jolo, gusto niyang sundan ang aking yapak," sabi niya.

"Kaya niyang pagsabay-sabayin 'yon. Basta ang advice ko sa kanya, matuto lang siyang mag-manage ng time niya. Si Jolo kasi, bukod sa mabait, matiyaga 'yan sa lahat ng mga ginagawa niya."

RENEWAL OF VOWS. Tuloy ba ang renewal of vows nila ng wife niyang si Representative Lani Mercado sa kanilang silver wedding anniversary sa May 28, 2011, sa unang pinagkasalan nila sa isang church sa Glendale, California?

"Pinaghahandaan nga namin 'yon, pero mukhang magagahol na kami sa panahon. Gusto kasi namin kasama lahat ng mga anak at apo namin. Iimbitahin din sana ang mga naging ninong at ninang namin noong church wedding dito.

"Napag-usapan nga namin ng GMA Network na igagawa kami ng isang special coverage ng wedding anniversary namin.

"Kung hindi matutuloy sa Glendale, baka ituloy na rin namin ang balak na i-celebrate ito sa Europe. Kung makakakuha kami ng permit, baka sa Vatican na kami magpakasal ulit ni Lani."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers