Wednesday, August 4, 2010

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Mark Anthony Fernandez apologizes to ex-girlfriend Claudine Barretto for past mistakes

Mark Anthony Fernandez apologizes to ex-girlfriend Claudine Barretto for past mistakes
Slideshow: Showbiz Photos

Hindi makapaniwala si Mark Anthony Fernandez na natuloy na sa wakas ang muling paghaharap nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto. Ilang weeks kasing inaabangan ang one-on-one interview nila sa Showbiz Central, at natupad kahapon, August 1. (CLICK HERE to read related story.)

Sa kuwento ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal), habang papunta raw siya sa studio ay wala siyang nararamdamang kaba dahil naka-concentrate siya sa pagmamaneho. Pero noong papalapit na siya ay doon siya nakaramadam ng matinding kabog sa dibdib.

"Gano'n pala 'yon talaga," nakangiting sabi ni Mark. "Hindi mo masasabi talaga ang mararamdaman mo. Akala ko parang okey lang. Interview lang naman ito. Ano ang ikakakaba ko, di ba?

"Pero noong dumating na ako sa studio, pinagpawisan na ako. Parang nanlalambot ako. Pero normal na reaction lang daw 'yon ng utak at katawan natin, lalo na kung yung kaba mo, e, tinatago mo. Kaya nag-relax muna ako at nagpalamig muna before ako umakyat sa stage. Nakatulong yung nakita ko ang mga fans namin ni Claudine. Yung may mga edad na. It somehow helped to ease me kasi alam ko na may support group na nasa audience."

THE CLOSURE. Ayon kay Mark, noong matapos ang interview ni Claudine sa kanya ay nag-usap pa raw sila. Naganap na ang closure na matagal nang dapat na nangyari sa kanila.

"Bilang lalake, inaamin ko na kasalanan ko ang lahat nang nangyari sa amin ni Claudine," sabi ni Mark. "Masyado tayong reckless noon. Dala kasi ng kabataan. We didn't know any better kasi. But I like to thank Claudine for being so understanding during those times. Alam ko na nadadamay siya sa pagiging magulo ko kaya I asked for her forgiveness.

"I know that I gave her so much pain lalo na noong bigla akong nawala na lang. Ayoko na kasi siyang madamay pa sa mga pinagdadaanan ko. But she said nga na I have nothing to say sorry about at wala akong naging kasalanan sa kanya. May rason nga raw ang lahat ng nangyari sa buhay namin. I really appreciate what she said and sana nga this will be a start of a new friendship sa aming dalawa."

Isa raw sa mga naituro sa kanya ni Claudine ay ang hilig nito sa pagbabasa ng libro. To this day daw ay ginagawa pa rin ito ni Mark.

"Noon kasi, hindi ako mahilig sa mga ganyan. Lakwatsa lang ang alam kong gawin noon!" tawa ni Mark. "Pero si Claudine, para siyang teacher. May mga pinapabasa siya sa akin na mga books niya. Naiinis pa ako noon, pero binabasa ko pa rin kahit papa'no.

"Hindi ko alam na isa 'yon sa mga dadalhin ko up to now. I am reading many books now, mostly about religion and mga philosophical books. Siguro nga, dala-dala ko pa yung itinuro sa akin na 'yon ni Claudine. I'd like to thank her for teaching me that. Masarap talaga ang magbasa."

Dagdag ng 31-year-old actor, "I am so happy na napatawad na ako ni Claudine. I am forever sorry sa mga nagawa ko sa kanya noon, and just lately, yung mga naging usap-usapan na hindi maganda. We've fixed everything, and this is a new chapter sa buhay namin."

Excited na rin si Mark na makatrabaho si Claudine. May gagawin silang isang episode sa drama anthology ni Claudine, at sana raw ay matuloy na rin ang movie na gagawin nila for Viva Films and GMA Films.

"Hinihintay na lang namin ang script for the episode," banggit ni Mark. "Gusto kasi nila ay very special ang episode na 'yon para sa muling pagsama namin sa TV. Dapat lang naman kasi dahil isang mahusay na aktres si Claudine and she only deserves the best."

THANK YOU. Nagpapasalamat naman si Mark sa mister ni Claudine na si Raymart Santiago at sa kanyang misis na si Melissa Fernandez para sa pagpayag nilang matuloy ang one-on-one interview.

"Kay Raymart, I like to thank him sa kanyang understanding. Mabait na tao si Raymart, and he is so lucky to have Claudine bilang asawa niya. And, of course, sa misis kong si Melissa. She knows na kailangan ko nang gawin ito para maklaro na ang lahat. I love her for being so supportive sa akin at sa career ko.

"At maraming salamat sa Showbiz Central for making it all happen. Alam ko na maraming kinabahan na baka may mag-backout sa amin. But it never happened, di ba? Itinuloy namin ito para ipakita namin na panahon na para simulan ang bagong yugto sa buhay namin," saad ng magaling na aktor.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

6 comments:

  1. Oh that's good to know, mas may peace of mind na sila ngayon with the closure of the past and opening a new friendship.. Sowi Kuya, can'tbloghop these days, fully book ang Nanay na alalay hehehe..

    ReplyDelete
  2. Hi Rose,
    Okay lang Rose, naiintindihan ko naman. Mabuti nga at nagkaroon na nang closure ang paghihiwalay nila para pareho na silang may peace of mind. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete
  3. Mark is humble enough to admit his inadequacies noon and it was good that he asked for forgiveness. sana nga tumino na sya

    ReplyDelete
  4. Hi Imelda,
    I believe that Mark has learned his lessons and is determined to lead a straight life now. His being humble and the fact that he asked forgiveness from Claudine are testament to that change. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete
  5. I love Mark Anthony hahahha.. he is so cute and Im glad to know that they patched things up already, at least there is a closure to whatever happened to their relationship in previous. Tagal na yun ah?

    ReplyDelete
  6. Hi Umma,
    OO nga. Mabuti nagkaroon na rin sila nang proper closure. Ngayon, pareho na silang makakatulog nang mahimbing, although I heard na nagkakailangan pa sila sa set nang TV drama na Claudine. Thanks for the post. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers