iGMA: Eugene on ‘Comedy Queen’ tag: 'Ok na po akong tawagin bilang artista'
08/10/2010 | 05:53 PM
Sa dami ng kanyang mga projects ngayon, kinikilala na si Ms. Eugene Domingo bilang Kapuso Comedy Queen. Ano kaya ang kanyang reaction dito?Isa sa mga pinaka-busy at nag-e-evolve na artista sa showbiz ngayon si Eugene Domingo. May dalawa siyang shows sa Kapuso Network ngayon, ang Wachamakulit at Comedy Bar.
Malapit na rin lumabas ang kanyang movie, ang Mamarazzi. And on Saturday ay magsisimula na ang kanyang bagong show sa GMA, ang Jejemom, kung saan isang bagong Eugene na naman ang mapapanood ng kanyang mga fans.
How does she keep her characters fresh?
“Importante na makausap ko 'yung creative team," Eugene said. “Itatanong ko kung ano yung itsura nung character kung saan papunta, kung ano’ng istorya, kung sinu-sino’ng mga kasama. Minsan kasi yung excitement nanggagaling sa looks, at saka dun sa combination ng mga artistang kasama mo. In other words, pakialamera ako," biro niya.
Kitang-kita naman na effective ang kanyang pagiging very hands-on sa kanyang mga projects. Sa dami ng kanyang mga projects sa GMA ngayon, siya na ang tinatawag na Kapuso Comedy Queen. Ano kaya ang kanyang reaksiyon tungkol dito?
“Una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa mga title," sagot ni Eugene. “Pero sasabihin ko po, mula sa aking puso, okay na po akong tawagin bilang artista."
Dagdag niya, “Ako po ay isang artista and I am blessed that I am a working actor, and that I am given a chance to do different roles and different types of work bilang artista."
Samantala, wala naman daw siyang intensyon na makipaglaban sa kanyang mga kapwa comedienne sa industriya.
“Hindi po ako mahilig makipaglaban. Ang hilig ko ay makipag-collaborate. Uso pa ba ‘yun, pakikipaglaban?" pahayag niya.
Siguro dahil sa kanyang pananaw na ito kaya tuloy-tuloy pa rin ang pasok ng mga projects kay Eugene. Kasama na dito ang kanyang napipintong pagbalik sa role na naging malaking bahagi ng kanyang pagsikat bilang isang box-office hit comedienne.
“Sa susunod na taon, magki-Kimmy Dora na kami," she revealed.
Very thankful naman siya sa lahat ng nakukuha niyang mga projects ngayon.
“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusugal, lalong-lalo na dito sa GMA na binibigyan ako ng iba’t-ibang klase ng palabas. At ako naman ay nangangako sa abot ng aking makakaya ay magampanan ko ang ibinibigay sa aking trabaho," Eugene said. - Karen de Castro, iGMA.tv
No comments:
Post a Comment