Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Monday, December 14, 2009
SM At Jollibee- Mga Simbolo Ng Makabagong Filipino
Ang SM at Jollibee- sila ngayon ang mga simbolo ng makabagong Filipino. Dati rati ang simbolo nang nakarating ka sa Kamaynilaan ay ang makunan ka nang litrato sa Luneta o Rizal Park. Ngayon, ang lahat nang bagong salta sa Kamaynilaan galing probinsiya ay nagpapakuha ng litrato sa harap ng SM o sa Jollibee. Binago ng SM ang kulturang Filipino. Ito na ang pinakapaboritong pasyalan ng lahat ng Filipino. Bakit nga hindi eh malamig dito at komportable at nandun na lahat ng pangangailangan mo. Pinatay din ng SM ang mangisa ngisang sinehan na siyang uso nuon hanggang dekada sisenta. Bakit nga ba pupunta sa iisang sinehan kung makakapamili ka ng iba't ibang palabas sa napakaraming sinehan sa SM. SM din ang pinakapaboritong pasyalan ng mga bata at kabataan. Ang Jollibee naman ang nagpataob sa mga higanteng foreign fast food chains sa Pilipinas. Talagang kahanga hanga ang mga nakamit na tagumpay nang dalawang kumpanyang Filipinong ito.
SM Mall of Asia TV Ad
Jollibee TV Ad - Sarah Geronimo and Sam Milby
Tags: SM, Jollibee, Simbolo, Bagong Filipino, Kamaynilaan, Kulturang Filipino, Pinakapaboritong Pasyalan, Malamig at Komportable, Dekada Sisenta, Sarah Geronimo, Sam Milby
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Kultura/Tradisyon/Makabagong Filipino
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
you're so right! buti na lang naabutan ko pa mga sine sine nun, ngayon mga sarado na. Lahat nasa SM na.. na-schock nga ako nung pag-uwi ko sa province namin, may bagong sm kasi, pagpasok ko, ang daming tao, parang may concert pero wala naman, naglalakd lakad lang sila sa loob.
ReplyDelete