Ang pasko sa Pilipinas ay napakasaya
Lahat ay nagdidiwang maski walang pera
Mga batang nagkakaroling
Simbang gabi
Masaganang salo salo
Pinakamahaba ang selebrasyon ng pasko sa PilipinasAng pasko ay napakasaya sa Pilipinas. Pinakamahabang pagdiriwang ng pasko ang isiniselebreyt sa Pinas. Mula Septyembre hanggang Disyembre. Septyembre pa lang ay nagpapatugtog na nang mga awiting pampasko ang mga estasyon nang radyo at telebisyon. At ang mga naglalakihang department stores ay maagang ginagayakan ng pampaskong dekorasyon. Pag sapit nang ika labinlima nang Disyembre ay nagsisimbang gabi ang karamihan sa mga tao. Hindi alintana ang paggising nang madaling araw at ang napakalamig na simoy nang hangin makasimba lang at pagkatapos ay makakain ng mainit na bibingka, puto bumbong at iba pang kakanin. Ang mga bata ay nagkakaroling sa bahay bahay para sa barya. Ang lahat ng bahay ay may nakasabit na parol at ang gabi ay lubhang napakaliwanag at kaaya aya. At pag dating nang noche buena ay sama samang nagsasalo ang buong pamilya sa isang magarbong handaan kung saan nagbibigayan ng kanya kanyang regalo. Wala nang mas sasaya pa sa pagdiriwang nang pasko sa Pilipinas. MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT.
Ang Pasko Ay Sumapit - Mabuhay Singers
Tags: Philippines, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas Kong Mahal, Filipinos Unite!!!, Pasko, Ang Pasko Ay Sumapit, Simbang Gabi, Caroling, Masaya, Maluwalhati, Magmahalan, Magkaisa, Pagibig Sa Bayan
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
National Identity/National Pride/Proudly Filipino