Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Wednesday, December 9, 2009
Kundiman
Nuong bata pa ako ay para akong hinihele palagi sa tunog ng ating katutubong kundiman. Sikat na rin nuon ang mga banyagang mangaawit ngunit ang karaniwang tinatangkilik ng mga Pinoy ay ang makalangit na himig ng kundiman. Sa radyo ay madalas pumailanglang ang mga walang kamatayang mga awiting ito habang ang mga tao ay abala sa kani kanilang gawain. Ang mga sikat nuon ay sina Ruben Tagalog, Larry Miranda, Sylvia La Torre, Cenon Lagman, Mabuhay Singers, Cely Bautista, at iba pa. Palagi ko silang nadidinig sa mga programa ni Eddie Ilarde, Paeng Yabut, at iba pa. Tunghayan natin ang isang awitin ng prinsipe ng kundiman- si Ruben Tagalog
Ang Dalagang Filipina (Kundiman) - Ruben Tagalog
Tags: Filipinas, Komentaryo, Filipino, Pinoy, Kundiman, Ruben Tagalog, Sariling Musika, Philippines, Nationalism, Filipino Culture, Filipino Tradition, Filipino History, Musikang Pinoy, Pagkakaisa
Posted by: Mel Alarilla
Philippines
Filipino Culture/Filipino History/Filipino Pride
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
may kundiman pa kaya ngayon? pinapalabas pa ba kaya ang kundiman sa ch7?
ReplyDelete