Friday, December 11, 2009

Paano Ginugunita Ang Pasko Sa Pilipinas?

Ang pasko sa Pilipinas ay napakasaya



Lahat ay nagdidiwang maski walang pera


Mga batang nagkakaroling


Simbang gabi


Masaganang salo salo


Pinakamahaba ang selebrasyon ng pasko sa Pilipinas




Ang pasko ay napakasaya sa Pilipinas. Pinakamahabang pagdiriwang ng pasko ang isiniselebreyt sa Pinas. Mula Septyembre hanggang Disyembre. Septyembre pa lang ay nagpapatugtog na nang mga awiting pampasko ang mga estasyon nang radyo at telebisyon. At ang mga naglalakihang department stores ay maagang ginagayakan ng pampaskong dekorasyon. Pag sapit nang ika labinlima nang Disyembre ay nagsisimbang gabi ang karamihan sa mga tao. Hindi alintana ang paggising nang madaling araw at ang napakalamig na simoy nang hangin makasimba lang at pagkatapos ay makakain ng mainit na bibingka, puto bumbong at iba pang kakanin. Ang mga bata ay nagkakaroling sa bahay bahay para sa barya. Ang lahat ng bahay ay may nakasabit na parol at ang gabi ay lubhang napakaliwanag at kaaya aya. At pag dating nang noche buena ay sama samang nagsasalo ang buong pamilya sa isang magarbong handaan kung saan nagbibigayan ng kanya kanyang regalo. Wala nang mas sasaya pa sa pagdiriwang nang pasko sa Pilipinas. MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT.


Ang Pasko Ay Sumapit - Mabuhay Singers



Tags: Philippines, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas Kong Mahal, Filipinos Unite!!!, Pasko, Ang Pasko Ay Sumapit, Simbang Gabi, Caroling, Masaya, Maluwalhati, Magmahalan, Magkaisa, Pagibig Sa Bayan

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
National Identity/National Pride/Proudly Filipino

8 comments:

  1. cool post sir Mel! Miss ko na tuloy and pasko dyan sa atin. Iba talaga dyan. By the way thanks po sa comment. God Bless po!

    ReplyDelete
  2. Hi Ria,
    Maraming salamat sa pagdalaw mo. Pagingatan mo ang sarili mo at ang anak mo. Ipapanalangin ko ang maluwalhati mong panganganak. Pagpalain kayong lahat ng Diyos.

    ReplyDelete
  3. san nga makapag celebrate kami ng xmas this year.. ay naku, sana maka ipon din, ang mahal mahal kasi ng pamasahe =(

    ReplyDelete
  4. Bongga talaga pasko sa pinas :)

    Kahit bagsak ang ekonomiya, hindi puedeng hindi maghanda tuwing pasko!

    ReplyDelete
  5. Hi Bambie dear,
    Sorry hindi ko agad napansin ang comment mo. Salamat sa komento. Makapagse celebrate ka rin nang pasko sa Pinas. God bless you all always.

    ReplyDelete
  6. Hi Ej Casabuena,
    Talagang masaya at meaningful ang pasko sa Pinas kahit walang pera ang mga tao. Salamat sa dalaw at komento. God bless you always.

    ReplyDelete
  7. Hi fullofmerits,
    Thanks for liking it. God bless.

    ReplyDelete

Followers