Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Monday, December 28, 2009
Malungkot Na Awitin (Para Sa Broken Hearted)
Nakakatawa pero nuong binata pa ako at nagsisimulang manligaw ay palaging busted ako, huhuhu. Kasi ba naman ay napakabaduy ko nuon at masyadong sentimental. Dinadaan ko sa pagsulat nang mga tulang tila love notes at korning love letters. Usong uso nuon ang mga jam sesions at parties pero ako ay hindi umaattend sa mga iyon. Ang peborit kong pastime eh magbasa nang libro at sumulat nang mga korning tula. Kaya palagi akong malungkot at naisip ko nuon na parang imposible na yatang me magkagusto sa akin. Hindi naman ako pangit kaya lang masyado akong mahiyain at torpe at hindi marunong dumiskarte sa chikababes, lol. Kaya marami akong malulungkot na awiting associated sa mga lonely and cold nights ko lalo na yung Christmas na first busted ako, huhuhu. Ito ang ilan sa mga awiting iyon.
No One Can Break A Heart Like You - Dave Clark Five
Everybody Knows - Dave Clark Five
Traces of Love
Don't Sleep In The Subway - Petula Clark
Tags: Malungkot Na Awitin, No One Can Break A Heart Like You, Everybody Knows, Dave Clark Five, Traces of Love, Don't Sleep In The Subway, Petula Clark, Philippines, Filipinos Unite!!!, Proudly Filipino, Baduy, Torpe, Nerd
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Komentaryong Filipino/Kultura/Samu't Sari
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naku parang naabutan ko ang uso sa panahon nyo, kasi nung panahon ko din, mga elementary to highschool, uso pa ang loveletters nun at uso din ang magsenti senti.. ang dami ko nga din mga scratch papers nun, kasi di rin ako pinapansin ng mga crush ko nun lol kaya may playlist din ako ng mga sad songs haha..
ReplyDeletethanks for sharing.. nakakaaliw itong blog na to.. love it
Hi Bambie dear,
ReplyDeleteWala namang panahon ang pagiging senti. Nagkataon lang siguro na pareho tayong senti kaya nga madalas akong busted nuon, hehehe, torpedo kasi ako sa panliligaw, puro tingin lang at dighay, lol. Thanks for coming over and for your welcome comments. I really appreciate that. God bless you all always.