

Katatapos lang nang unang State of the Nation Address ni Pres. Noynoy Aquino at isa sa kanyang tinalakay ay ang sobra sobrang importasyon nang bigas na nagdulot nang milion miliong toneladang nabulok na bigas sa mga bodega nang NFA. Pinapaliwanag ni Arthur Yap, dating secretary nang Depatment of Agriculture, na ang proseso daw nang importasyon ay dumadaan sa komite at naghugas siya nang kamay sa over importation. Puro kasinungalingan at paghuhugas nang kamay. Nagoover importation sila dahil sa bilyon bilyong pisong kickback na nakukuha nila. Ganun ang kalakaran nang administrasyon ni PGMA, kabulukan at pangungurakot. May kapal pa nang mukha si Mikey Arroyo na magsabing hindi raw ba nakikita nang mga tao ang kilo kilometrong daan na ginawa ni PGMA? Ang dapat niyang ipaliwanag ay kung bakit siya nakaupo bilang kinatawan nang mga security guard sa party list nang kongreso gayong hindi naman siya security guard. NAKAKAHIYA. MGA HIDHID.