Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Monday, December 28, 2009
Malungkot Na Awitin (Para Sa Broken Hearted)
Nakakatawa pero nuong binata pa ako at nagsisimulang manligaw ay palaging busted ako, huhuhu. Kasi ba naman ay napakabaduy ko nuon at masyadong sentimental. Dinadaan ko sa pagsulat nang mga tulang tila love notes at korning love letters. Usong uso nuon ang mga jam sesions at parties pero ako ay hindi umaattend sa mga iyon. Ang peborit kong pastime eh magbasa nang libro at sumulat nang mga korning tula. Kaya palagi akong malungkot at naisip ko nuon na parang imposible na yatang me magkagusto sa akin. Hindi naman ako pangit kaya lang masyado akong mahiyain at torpe at hindi marunong dumiskarte sa chikababes, lol. Kaya marami akong malulungkot na awiting associated sa mga lonely and cold nights ko lalo na yung Christmas na first busted ako, huhuhu. Ito ang ilan sa mga awiting iyon.
No One Can Break A Heart Like You - Dave Clark Five
Everybody Knows - Dave Clark Five
Traces of Love
Don't Sleep In The Subway - Petula Clark
Tags: Malungkot Na Awitin, No One Can Break A Heart Like You, Everybody Knows, Dave Clark Five, Traces of Love, Don't Sleep In The Subway, Petula Clark, Philippines, Filipinos Unite!!!, Proudly Filipino, Baduy, Torpe, Nerd
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Komentaryong Filipino/Kultura/Samu't Sari
Wednesday, December 23, 2009
Lumang Tugtugin- Ikalawang Yugto
Ruben Tagalog- Hari ng Kundiman
Sylvia la Torre - Prinsesa ng Kundiman
Atang dela Rama - Reyna ng Kundiman
Isinaplaka ni Atang dela Rama
Matapos mailahad ko ang mga paboritong banyagang mangaawit ng aking ina at ako ay nais ko namang itampok ang mga paborito kong musikang kundiman na naging tanyag hindi lamang dito sa atin kundi sa ibang bansa rin. Ang mga sikat na mangaawit nuong panahon na iyon ay sina Atang dela Rama, Ruben Tagalog, Larry Miranda, Sylvia la Torre, Cenon Lagman, Cely Bautista, Mabuhay Singers at marami pang iba. Hayaan ninyong itampok ko sa lathalang ito ang ilan sa mga paborito kong kanta.
Lawiswis Kawayan - Philippine Folk Dance
Carinosa - Philippine Folk Dance
Tinikling - Philippine Folk Dance
Tags: Filipino Folk Dance, Kundiman, Ruben Tagalog, Mabuhay Singers, Atang dela Rama, Sylvia la Torre, Lawiswis Kawayan, Carinosa, Tinikling, Philippines, Filipinos Unite!!!, Proudly Filipino
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Philippines/Filipino Culture/Proudly Filipino

Sunday, December 20, 2009
Lumang Tugtugin
Mga lumang tugtugin na natutunan ko pa sa aking ina. Nuong bata pa ako ay nahilig na ako sa musika dahil sa impluwensiya ng aking ina. Marami siyang paboritong mangaawit. Pero ang pinakapaborito niya ay si Patti Page. Naaalala ko pa kapag ako ay inaawitan niya ng mga kanta ni Patti Page katulad ng Mocking Bird Hill, I Went To Your Wedding, Changing Partners at Tennessee Waltz. Sa murang idad ay mayroon na rin akong naging mga paboritong mangaawit. Kasama na dito sina Nat King Cole, The Platters, Elvis Presley, Pat Boone, Neil Sedaka at Paul Anka. Hayaan nyong paringgan ko kayo ng ilang awiting naging parte na nang murang buhay ko nuon. Sa artikulong ito nahalatang matanda na ako, hehehe, lol. Pero batang bata pa ang puso ko, lol.
Mocking Bird Hill - Patti Page
Que Sera Sera - Doris Day
Twilight Time - The Platters
Tags: Lumang Tugtugin, Mga Awiting Walang Kamatayan, Patti Page, Doris Day, The Platters, Nat King Cole, Pat Boone, Neil Sedaka, Paul Anka, Elvis Presley, Matanda, Pusong Bata
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Filipinas/Filipinos Unite/Proudly Filipino
Monday, December 14, 2009
SM At Jollibee- Mga Simbolo Ng Makabagong Filipino
Ang SM at Jollibee- sila ngayon ang mga simbolo ng makabagong Filipino. Dati rati ang simbolo nang nakarating ka sa Kamaynilaan ay ang makunan ka nang litrato sa Luneta o Rizal Park. Ngayon, ang lahat nang bagong salta sa Kamaynilaan galing probinsiya ay nagpapakuha ng litrato sa harap ng SM o sa Jollibee. Binago ng SM ang kulturang Filipino. Ito na ang pinakapaboritong pasyalan ng lahat ng Filipino. Bakit nga hindi eh malamig dito at komportable at nandun na lahat ng pangangailangan mo. Pinatay din ng SM ang mangisa ngisang sinehan na siyang uso nuon hanggang dekada sisenta. Bakit nga ba pupunta sa iisang sinehan kung makakapamili ka ng iba't ibang palabas sa napakaraming sinehan sa SM. SM din ang pinakapaboritong pasyalan ng mga bata at kabataan. Ang Jollibee naman ang nagpataob sa mga higanteng foreign fast food chains sa Pilipinas. Talagang kahanga hanga ang mga nakamit na tagumpay nang dalawang kumpanyang Filipinong ito.
SM Mall of Asia TV Ad
Jollibee TV Ad - Sarah Geronimo and Sam Milby
Tags: SM, Jollibee, Simbolo, Bagong Filipino, Kamaynilaan, Kulturang Filipino, Pinakapaboritong Pasyalan, Malamig at Komportable, Dekada Sisenta, Sarah Geronimo, Sam Milby
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Kultura/Tradisyon/Makabagong Filipino
Friday, December 11, 2009
Paano Ginugunita Ang Pasko Sa Pilipinas?
Ang pasko sa Pilipinas ay napakasaya
Lahat ay nagdidiwang maski walang pera
Mga batang nagkakaroling
Simbang gabi
Masaganang salo salo
Pinakamahaba ang selebrasyon ng pasko sa Pilipinas
Ang pasko ay napakasaya sa Pilipinas. Pinakamahabang pagdiriwang ng pasko ang isiniselebreyt sa Pinas. Mula Septyembre hanggang Disyembre. Septyembre pa lang ay nagpapatugtog na nang mga awiting pampasko ang mga estasyon nang radyo at telebisyon. At ang mga naglalakihang department stores ay maagang ginagayakan ng pampaskong dekorasyon. Pag sapit nang ika labinlima nang Disyembre ay nagsisimbang gabi ang karamihan sa mga tao. Hindi alintana ang paggising nang madaling araw at ang napakalamig na simoy nang hangin makasimba lang at pagkatapos ay makakain ng mainit na bibingka, puto bumbong at iba pang kakanin. Ang mga bata ay nagkakaroling sa bahay bahay para sa barya. Ang lahat ng bahay ay may nakasabit na parol at ang gabi ay lubhang napakaliwanag at kaaya aya. At pag dating nang noche buena ay sama samang nagsasalo ang buong pamilya sa isang magarbong handaan kung saan nagbibigayan ng kanya kanyang regalo. Wala nang mas sasaya pa sa pagdiriwang nang pasko sa Pilipinas. MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT.
Ang Pasko Ay Sumapit - Mabuhay Singers
Tags: Philippines, Pilipinas, Pilipino, Pilipinas Kong Mahal, Filipinos Unite!!!, Pasko, Ang Pasko Ay Sumapit, Simbang Gabi, Caroling, Masaya, Maluwalhati, Magmahalan, Magkaisa, Pagibig Sa Bayan
Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
National Identity/National Pride/Proudly Filipino

Wednesday, December 9, 2009
Kundiman
Nuong bata pa ako ay para akong hinihele palagi sa tunog ng ating katutubong kundiman. Sikat na rin nuon ang mga banyagang mangaawit ngunit ang karaniwang tinatangkilik ng mga Pinoy ay ang makalangit na himig ng kundiman. Sa radyo ay madalas pumailanglang ang mga walang kamatayang mga awiting ito habang ang mga tao ay abala sa kani kanilang gawain. Ang mga sikat nuon ay sina Ruben Tagalog, Larry Miranda, Sylvia La Torre, Cenon Lagman, Mabuhay Singers, Cely Bautista, at iba pa. Palagi ko silang nadidinig sa mga programa ni Eddie Ilarde, Paeng Yabut, at iba pa. Tunghayan natin ang isang awitin ng prinsipe ng kundiman- si Ruben Tagalog
Ang Dalagang Filipina (Kundiman) - Ruben Tagalog
Tags: Filipinas, Komentaryo, Filipino, Pinoy, Kundiman, Ruben Tagalog, Sariling Musika, Philippines, Nationalism, Filipino Culture, Filipino Tradition, Filipino History, Musikang Pinoy, Pagkakaisa
Posted by: Mel Alarilla
Philippines
Filipino Culture/Filipino History/Filipino Pride
Labels:
Komentaryo,
Kundiman,
Nationalism,
Philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)