Sunday, June 26, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."



"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.



Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

"Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako," saad ni Marian.

Kung sinasabi niyang walang away na nangyari sa pagitan nila ni Heart, bakit may ganung insidente sa airport? Nagkaroon ba sila ng pagtatalo ni Heart?

"Walang away na nangyari, yun talaga ang totoo," diin ni Marian.

"Siguro misunderstanding ng magkaibigan.

"Pero sa nangyari do'n sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Monday, June 20, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Mo Twister has learned his lessons after pouring emotions on Twitter



"Maybe I can give advice na lang to the other celebrities to not use the Internet so much as your medium of frustration kasi it will always backfire, regardless kung ano ba yung intensions mo o kung ano ang mga sinasabi mo," says Mo Twister.

Mo Twister has learned his lessons after pouring emotions on Twitter


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mo Twister during gap ng hinu-host niyang showbiz talk show sa TV5, ang Paparazzi, kahapon, June 19.

Dahil Father's Day nga rin kahapon ay kaagad tinanong ng PEP kay Mo kung paano niya ginunita ang espesyal na araw na ito kahit magkalayo sila ni Moira, anak niya sa dating aktres na si Bunny Paras na naninirahan na ngayon sa Amerika.

"The best I can do is to make a phone call. Tinatawagan ko ang daughter ko kanina pero naka-off ang cellphone niya.

"Pero okay lang dahil bukas [one day ahead ang Pilipinas sa Amerika] pa naman ang Father's Day sa kanila, so I'll call her tomorrow," sabi ni Mo.

Ano ang most memorable Father's Day para sa kanya?

"That would be yung first Father's Day na nakita ko yung daughter ko after how many years... mga seven years na hindi ko siya nakita.

"Walang contact, walang phone number, walang address.

"Siguro she was nine years old na nung nagkita kami ulit.

"Siguro that was my most memorable Father's Day.

"You know, nagpapasalamat naman ako sa Diyos na yung dad ko naman is still alive.

"So, nakausap ko siya kanina. Exchange of greetings lang."

FINANCIAL SUPPORT FOR MOIRA. Hanggang ngayon ay iniintriga pa rin si Mo tungkol sa umano'y hindi niya pagbibigay ng financial support kay Moira.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Siguro one day when you can interview my daughter, she can answer that," sagot niya.

"It's something naman that I don't want to talk about.

"I've been supporting her for years and years now.

"And even if legally, si Bunny decided to legally make her husband the father of Moira, so parang legally I'm no longer the father of Moira, but it's still not gonna take away the love I have for my daughter as well as the support that I have for her.

"It's difficult to go through the process ng isang family na may legality na ganito.

"You know, I'm not gonna tell you the amount or anything like that.

"It's just that it's something that I've been doing for many, many years now."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Saturday, June 18, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

<strong>(UPDATED)</strong> Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud


Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

Pero mabilis naman daw naayos ng dalawa ang gusot na ito bago pa man sila bumalik ng Maynila.

Nang akala ng lahat ay okey na sina Marian at Heart, lumaki uli ang isyu dahil sa nangyaring insidente sa airport.

Ayon pa sa ilang sources, may kasama pa raw bodyguards ang ina ni Mrs. Ongpauco bilang "proteksiyon" kay Heart. Hindi matukoy kung ilan eksakto ang bilang ng bodyguards; may nagsasabing walo at meron namang apat daw.

Nang makarating ang insidenteng ito sa fans ni Marian ay hindi nila ito nagustuhan.

Ayon sa mga forum sites, bukod sa masasakit na salita raw na binitiwan ng ina ni Heart ay pinagmukha pa raw "kriminal" si Marian dahil nagsama pa ito ng bodyguards.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Tuesday, June 14, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Jennylyn Mercado to her biological mother: "Kung hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang anak, irespeto mo na lang ako bilang tao."


"Bakit kailangan niya akong sirain? Kasi kung mahal mo yung anak mo at kung totoo ka bilang isang ina, hindi mo gagawin yun, e, hindi mo sasaktan yung anak mo, hindi mo sasabihang sinungaling. Aalagaan mo... Unang-una, hindi mo siya iiwan, hindi mo siya ide-deny. So, anong klaseng ina yung gumagawa ng mga ganung bagay?" says Jennylyn Mercado about her biological mother Jinkee.

Jennylyn Mercado to her biological mother: "Kung hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang anak, irespeto mo na lang ako bilang tao."

Rommel Gonzales

Rating

"Siyempre, kung ikaw bilang isang ina, kung mahal mo yung anak mo, hindi mo gagawin yun.

"Hindi mo siya kayang sirain, hindi mo siya kayang pagsabihan ng hindi magagandang salita."

Ito ang reaksiyon ni Jennylyn Mercado sa mga naging pahayag ng kanyang biological mother na si Jinkee sa panayam nito sa programang The Buzz noong nakaraang Linggo, June 5. (CLICK HERE to read related story.)

Inilabas naman ni Jennylyn ang kanyang saloobin sa taped interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, June 12.

Sinagot din ni Jennylyn ang iba pang mga alegasyon ng kanyang tunay na ina.

COMMUNICATION GAP. Una na rito na hindi raw totoong hindi nakikipag-communicate si Jinkee kay Jennylyn all throughout her daughter's childhood, na pinadadalhan pa raw ni Jinkee ng pera si Jennylyn.

"Ang masasabi ko diyan is that's a lie!" marring sabi ni Jennylyn.

"Kasi ang communication namin, recently lang, e. It started January this year.

"Grade Four ako nung huli ko siyang nakita at hindi niya ako ipinakilala bilang isang anak dun sa asawa niya.

"Simula Grade Four ako until last year of December, wala kami kahit isang communication.

"Walang kahit anong padala, walang kahit anong pagtanggap bilang isang anak, walang ganun.

"In fact, hindi pa alam ng family niya na may anak siya hanggang ngayon.

"So, I think kaya siya nagre-react ng ganyan dahil nalaman na ng family niya na, 'Oh, may anak siya!'

"So, parang protection na lang for herself yun."

Sa interview ng The Buzz kay Jinkee ay hindi ito humarap sa kamera, at tanging likuran lamang niya ang ipinakita.

Ano naman ang masasabi ni Jennylyn sa mga ipinakita ni Jinkee na palitan daw nila ng text messages at mga resibo ng cash remittances para sa kanya?

"Isa lang naman yung resibo ng cash remittance," sabi ng Kapuso star.

"Birthday gift niya yun for me, kasi sabi niya 'What do you want ba for your birthday?'

"Sabi ko, 'No, wala, wala akong gusto.'

"Sabi niya, 'O sige, I'll send you money na lang, ikaw na bahalang bumili.'

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Thursday, June 9, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Dennis Trillo reveals his biggest sin in the past: "Yung  nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."



"Palagay ko, ano, magpapakatotoo na ako, 'no—lahat naman tayo rito, makasalanan. So, hindi ako magbubuhat ng sariling bangko. Pero lahat tayo makasalanan. Iba-ibang level yun ng kasalanan," says Dennis Trillo.

Dennis Trillo reveals his biggest sin in the past: "Yung nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."

Rose Garcia

Rating

Pagkatapos ng fantasy primetime series na Dwarfina ay balik na naman sa afternoon block ng GMA-7 si Dennis Trillo. Ito ay sa pamamagitan ng Sinner or Saint, kung saan kasama niya sina Bianca King, Polo Ravales, at ang nagbabalik-Kapuso na si Alessandra de Rossi.

Marami na rin ginawang afternoon series si Dennis. Hindi ba niya nami-miss ang primetime?

"Puwede...pero maganda rin po minsan ang mapunta ka ng pang-hapon," sagot ng aktor.

"Iba ang manonood ng pang-hapon, iba rin ang manonood ng primetime.

"Iba ang tipo ng proyektong ipinapalabas sa pang-hapon kaya maganda rin na maka-reach out ka sa mga manonood ngayon.

"Para pagbalik mo ng primetime, lalo pang madagdagan, mahakot mo ang mga viewers mo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Sinner or Saint kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Si Dennis ay isang aktor na hindi takot tumanggap ng iba't ibang klase ng roles at mag-experiment.

"Dati pa naman, kahit bigyan mo ako ng kahit anong role, mas kakaiba, mas okay sa akin," sabi niya.

Patunay nga nito ang cross-dressing role niya sa debut film niyang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004), na nagpanalo sa kanyang ng acting trophies sa iba't ibang award-giving bodies.

Although napakarami nang drama series na nagawa ni Dennis, marami pa rin daw bagong mapapanood sa kanya sa Sinner or Saint, na dating Sentensiyada ang title.

Kuwento niya, "Noong una ko pa lang nabasa ang script, unang pagkabasa na pagkabasa ko sa ending, sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Sentensiyada pa ang title noon, hindi pa Sinner or Saint.

"Sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Kumbaga, itong drama na ito, mabigat na drama at marami siyang puwedeng magawa.

"Hindi lang siya basta drama, maraming anggulo na puwedeng paglaruan.

"Hindi lang din ako typical na mabait."

SINNER OR SAINT? Tinanong naman ng PEP si Dennis kung ano siya sa serye—sinner or saint?

"'Yun ang kailangan nilang malaman dito. Pero palagay ko, pareho kasi...pareho, e," sagot niya.

In real life, sinner or saint ba siya?

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Monday, June 6, 2011

A Repost From Melo Balingit and Rose Garcia of PEP

Jolina Magdangal and Mark Escueta are now engaged!



Rivermaya drummer Mark Escueta: "Noong mga nakaraang linggo, dumating na po ang pinakamasayang araw sa buhay ko. At ang simula ng bagong bahagi ng buhay namin ni Jolina. Kaya sa unang pagkakataon, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang akin pong magiging butihing...butihing maybahay. Ang tanging anghel na dumating sa buhay ko. Ang akin pong magiging asawa—si Jolina Magdangal."

Jolina Magdangal and Mark Escueta are now engaged!

Rose Garcia

Rating

Kasabay ng selebrasyon para sa 21st anniversary sa showbiz ni Jolina Magdangal sa Party Pilipinas kahapon, June 5, ay ang announcement ng wedding proposal sa kanya ng boyfriend niyang si Mark Escueta.

Ilang linggo na ang nakararaan mula nang mag-propose ang drummer ng bandang Rivermaya kay Jolina, pero kahapon lang nila ito ipinaalam sa publiko.

Pero sa Facebook account nina Jolina, 32, at Mark, 35, hindi napigilan ng dalawa na magpahayag ng kanilang kaligayahan nang mag-post sila noong May 21 na posible pala na makaramdam ng ganoong happiness.

Although, walang binanggit na anumang dahilan o bagay na tinutukoy nila tungkol sa happiness na yun.

FUTURE WIFE. Sa Party Pilipinas, pagkatapos kumanta ni Jolina kasama ang kanyang loyal fans at co-hosts sa show na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, Rachelle Ann Go, at Kyla, pati na ang mga kaibigan niya simula pa sa Ang TV days na sila Roselle Nava at Jan Marini, ay lumabas na sa stage si Mark.

Dito na inihayag ni Mark na si Jolina ang kanyang magiging "butihing maybahay."

"Bago ang lahat, gusto kong magpasalamat kay Tito Jun at Tita Paulette [Jolina's parents] dahil trinato nila akong part of the family. Maraming-maraming salamat po.

"Siyempre, sa parents ko rin, maraming-maraming salamat.

"Bago ang lahat, gusto kong mag-congratulate sa 'yo [Jolina]. Talagang hindi po biro ang tumagal ng 21 years.

"Lalo na ang mga fans niya. Alam n'yo kung bakit. Alam n'yo kung bakit tumagal si Jolina ng 21 years.

"Congratulations, mahal. Alam mo na ako ang pinaka-proud sa 'yo sa lahat.

"Alam ko na ang episode natin ngayon sa Party Pilipinas ay tungkol sa mga movies.

"Yung tunay na pag-ibig pala ay hindi lang nangyayari sa mga pelikula.

"At noong mga nakaraang linggo, dumating na po ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

"At ang simula ng bagong bahagi ng buhay namin ni Jolina.

"Kaya sa unang pagkakataon, gusto ko pong ipakilala sa inyo ang akin pong magiging butihing...butihing maybahay.

"Ang tanging anghel na dumating sa buhay ko.

"Ang akin pong magiging asawa—si Jolina Magdangal."

Dito ay hindi na napigilan ng mga tao sa loob ng studio—hosts, staff, at audience—na maging emosyunal dahil sa mga binitiwang salita ni Mark.

Kitang-kita rin sa mukha ni Mark at sa kanyang mga pahayag kung gaano niya ipinagmamalaki at kung gaano niya kamahal ang girlfriend.

Reposted From Melo Balingit and Rose Garcia of PEP

Sunday, June 5, 2011

A Repost From Nerisa Almo of PEP

Kris Aquino clarifies rumor linking her to Senator Chiz Escudero; "dedma" on James Yap-Marie Digby rumored romance



Kris Aquino is clueless as to why she's being linked to Senator Chiz Escudero, who is rumored to have split up from his wife Christine Elizabeth "Tintin" Flores.
The TV host said on her Twitter account, "We've been linked for no reason that I can think of- didn't see him thru out campaign last yr, only saw him June 9, 2010 in PNoy's Batasan Proclamation."

Kris Aquino clarifies rumor linking her to Senator Chiz Escudero; "dedma" on James Yap-Marie Digby rumored romance

Nerisa Almo

Rating

Walang ideya ang TV host-actress na si Kris Aquino kung paano at saan nagsimula ang isyu na nagli-link sa kanya ngayon kay Senator Chiz Escudero.

Kaya naman sa kanyang Twitter account noong Martes, May 31, nilinaw ito ni Kris.

Ito ay matapos siyang tanungin tungkol dito ng ilang miyembro ng media na dumalaw sa music video shoot ng "Love Moves in Mysterious Ways," na kasama sa kanyang music album na My Heart's Journey.

Sa unang Twitter post nito, sinabi ni Kris: "Done w/ our shoot. Can I jump the gun? TV Patrol was plugging my clarification abt Sen Chiz & myself- overtime so puro teaser, no answer."

Pagkatapos ay sinundan niya ito ng: "We've been linked for no reason that I can think of- didn't see him thru out campaign last yr, only saw him June 9, 2010 in PNoy's Batasan Proclamation."

Si PNoy ay ang kapatid ni Kris na si President Noynoy Aquino.

Sa sumunod na Twitter post ni Kris, sinabi niya na wala siyang ideya sa mga bali-balita tungkol sa paghihiwalay umano ni Senator Escudero at ng asawa nito of 10 years na si Christine Elizabeth "Tintin" Flores.

Sabi ni Kris, "I have no 1st hand knowledge abt his personal life & wouldn't dare intrude- but he did agree to tape w/ me as my 1st guest for my new talk show- our sked is June 13-14. That's it- pancit."

Nakatakdang mag-taping ang grupo ng Today With Kris Aquino sa Sorsogon dalawang linggo mula ngayon para sa guest appearance ni Senador Escudero sa programa.

NO COMMENT ON JAMES YAP'S LOVELIFE. Samantala, sa panayam naman ng SNN kay Kris, na ipinalabas noong Martes din, iniwasan ng TV host ang magbigay ng anumang pahayag tungkol sa mga balitang may kaugnayan sa dati niyang asawa na si James Yap.

Usap-usapan kasi kamakailan na ang bagong nililigawan daw ni James ay ang dating YouTube Sensation na si Marie Digby, na minsan na ring na-link kay Sam Milby.

Ayon kay Kris, "Doon, dedma talaga ako. Kung kay PNoy dedma, mas dedma diyan!

"Kasi, let him [James] have his privacy. The very fact na we're hiwalay already gives him some measure of privacy that he didn't have when we were married."

Reposted From Nerisa Almo of PEP

Friday, June 3, 2011

A Repost From Rose Garcia of PEP



PEP: Aljur Abrenica on Kylie Padilla: 'Lumalabas kami, pero walang commitment'

Pagkatapos ng Machete, pahinga muna si Aljur Abrenica sa paggawa ng teleserye hangga't hinihintay pa niya ang kasunod na project niya sa GMA-7.

Pero dalawang pelikula ang tinatapos ngayon ng Kapuso actor—ang Temptation Island at Ang Panday 2.

In fact, babalik si Aljur sa Laoag, Ilocos Norte para sa pagpapatuloy ng shooting ng Temptation Island doon.

Dagdag pa niya, "Yung sa Panday, nakaka-isang shooting pa lang ako do'n.

"Ngayong wala pa akong show, hindi ko naman pinapalampas ang oras. Hindi ako nagsasayang.

"Kung ano ang puwede kong gawin sa isang araw, ginagawa ko lagi, tulad ng pagdyi-gym. Hindi mawawala yun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur nang aksidente namin siyang makita sa Tomas Morato last Wednesday, June 1.

DRAMA PROJECT. May naririnig na raw siyang next series na gagawin niya, pero hangga't hindi pa sigurado, ayaw muna niyang isipin ito.

Pagkatapos ng Machete, ano ang gusto niyang gawin ngayon kung siya ang mabibigyan ng chance na mamili?

"Ang gusto ko sana, drama.

"Kasi yung The Last Prince, Ilumina, Machete, puro fantasy na.

"Ang gauge ko kasi ng drama, yung sa Dapat Ka Bang Mahalin?" banggit ni Aljur sa afternoon soap nila noon ni Kris.

"Pero kahit ano pa rin naman, kung ano ang ibibigay sa akin ng network.

"Although kung mapagbibigyan ako, gusto ko sana drama muna.

"Yung totoo, na-miss ko yung ganoon, sobra.

"Yun naman talaga ang typical na nangyayari."

Kung babalik siya sa drama, ang original ka-loveteam pa rin ba niyang si Kris ang gusto niyang makapareha?

"Kahit sino naman," sagot ni Aljur.

"Pero open ako for new loveteam para naman makapag-explore ako, marami pa akong makilala, at makita ko kung hanggang saan ako."

KYLIE PADILLA. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ng balita na sina Aljur at Kylie Padilla na.

Pero walang pag-amin at consistent sila pareho na "friends" lang sila tuwing tinatanong ng press tungkol dito.

Diretsahang tinanong muli ng PEP si Aljur: Ano na ba talaga ang status ng closeness nila ni Kylie?

"Magkaibigan lang talaga," mabilis pero nakangiti niyang sagot.

Dinadalaw niya sa taping, dinadalhan ng pagkain, kaibigan lang talaga?

"Kami po ni Kylie, well, minsan binisita ko siya sa set... Matagal na yun. Nasulat nga yun.

"Lumalabas din kami. Kumbaga, lumalabas kami, pero walang commitment.

"At saka, kapag lumalabas kami, palaging marami kami.

"Family ko...madalas kasama ang mommy ko."

So, type ng mommy niya si Kylie?

"Yung mama ko, gusto siya ni Mama. Minsan, siya pa ang nag-iimbita," banggit ni Aljur.

Masasabi ba niyang mag-M.U. o may mutual understanding na sila ni Kylie?

"Hindi, e, hindi talaga," sagot ni Aljur.

"At saka, open ako. Dating...hindi rin kami exclusively dating.

"Magkaibigan lang kami. Kumbaga, kinikilala ko pa rin silang lahat."

Naipakilala na rin daw siya ni Kylie sa ama nitong si Robin Padilla.

"Nailapit na po ako ni Kylie kay Tito Robin. Nagkausap na po kami.

"Mabait po si Tito Robin, very understanding," sabi ng young actor tungkol sa action star.

May mga naglalabasang balita na tila hindi pabor o hindi boto sa kanya si Robin para kay Kylie.

Naramdaman niya ba yun?

"Hindi, e," sagot ni Aljur.

"Noong magkita kami, wala po akong naramdamang ganoong tension."

Pero kung sakali, gusto ba niya makasama si Kylie sa isang project as leading lady?

"Okay, puwede, bakit hindi?" sabi naman ng young actor.

Tinanong namin si Aljur kung nanonood ba siya ng Blusang Itim, ang pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie.

"Oo, minsan, nakakapanood," sagot ng binata.

"Mahusay siya. Magaling siya.

"Nakakagulat kasi hindi ko ine-expect na ganoon siya.

"Alam naman natin na Padilla si Kylie, pero siyempre bago pa lang kaya nakakagulat din.

"Siguro maganda rin na magkasama kami kasi magkakilala na kami." - Rose Garcia, PEP

Reposted From Rose Garcia of PEP

Wednesday, June 1, 2011

A Repost From Noel Orsal of PEP

Robin Padilla and Bea Alonzo talk about their kissing scenes in <em>Guns and Roses</em>


(From left) Robin Padilla, Bea Alonzo and Diether Ocampo topbill ABS-CBN's actionserye Guns and Roses, which will air its pilot episode on June 6.

Robin Padilla and Bea Alonzo talk about their kissing scenes in Guns and Roses

Rating

Starting June 6, Robin Padilla will showcase his acting skills anew for ABS-CBN's upcoming primetime series, Guns and Roses. He acts opposite Bea Alonzo and Diether Ocampo in this show directed by Trina Dayrit and Rechie del Carmen. This actionserye is said to replace Mara Clara.



How does Robin feel about doing a teleserye again with ABS-CBN?

"Ang tagal nga, e. Si Bea [Alonzo] ang tagal kasi bago ako in-approve, e. Tatlong taon na kong kumakatok sa pintuan ng ABS-CBN at sa pag-uusap nga namin ni Ms. Malou Santos, lagi kong ngang sinasabi, sana makabalik na ko at si Bea ang hinihingi ko.

"Ngayon natuloy na at masaya ko dahil nakasama ko hindi lang ang Reyna kundi ang Hari ng ABS-CBN, si Diether Ocampo.

"Masayang-masaya ako at nandito ulit ako sa Kapamilya [Network] at sana hindi sila magsawa na bigyan ako ng ganitong kagandang proyekto."

Some people have observed that Robin is always beside his leading lady, Bea.

"May katotohanan na lagi akong nakangiti, totoo yun," admits Robin. "Lagi akong naka-ngiti dahil pagdating ko ng set, ako si Abel. Si Abel, ang kanyang pagmamahal kay Reign ay abot-langit."

Robin describes his character, Abel, as someone "na may matinding pagmamahal as puso ngunit meron ding matinding paghihiganti."

KISSING SCENES WITH ROBIN. When the lead stars were asked to recall her kissing scenes, Robin himself admitted, "Nag-request ako" while Bea said that she couldn't remember anymore.

Direk Retchie revealed, "Isang take sa bawat anggulo pero feeling ko pelikula ang ginagawa namin kaya ang daming anggulo."

Direk Trina interjected, "Pwera pa yun sa mga requests nila na Take 2, Take 3. Hindi ko na sasabihin kung sino ang nag-request pero mga walong anggulo times take 3, so mga 24."


Robin said he did not feel any awkwardness while shooting these scenes. "Sa akin po, wala. Isang karangalan yun. Hindi kinakailang ng lalaki yun. Aba, pinapagpasalamat yun!"

For her part, Bea explained, "Nung binabasa ko sa script, nung iniisip ko pa lang kung paano n'yo gagawin, siyempre kinakabahan ka...dumadagundong ang heartbeat ko. Pero nung ginagawa na namin ang eksena, parang hindi na naman kasi hindi mo na maiisip pag nasa loob ka ng eksena. Parang madadala ka na sa eksena."

Did Robin really request for additional kissing scenes? Robin quipped, "Oo, minsan kasi kulang ang emosyon ni Bea."

The actress said with a laugh, "Sana, sinabi mo na lang."

The action star then took it back by saying, "Biro lang ma'am [referring to Bea]."


ISABEL RIVAS' COMEBACK. This teleserye will also mark the return of Ms. Isabel Rivas to the small screen as the mother of Reign (Bea). She told the members of the media during the press con: "Happy ako...kasi hindi ako kontrabida. For a long time in my career, kontrabida ako. I'm very proud kasi fan ako ni Bea, nanood ako ng movies niya, sila ni Lorna [in Sa 'Yo Lamang]. Sabi ko, 'talagang magaling itong bata 'to.' Now, anak ko na siya at starstruck talaga ako nung first taping day. Hindi talaga ako naka-arte, naka-tingin lang ako sa kanya. Eventually, you just learn to love and accept her because she's so beautiful."

She also recalled the time when she and Robin worked together in the past. "I worked with Robin when he was younger. Dati, mamasan niya ako, ngayon naman, mother-in-law na niya ako, kumbaga.

"After so long, five years yata akong hindi nagtrabaho and ito yung pagbabalik ko. Happy ako na hindi naman masyadong mabigat yung role at hindi na kontrabida. Binigyan ako ng ABS-CBN ng pagkakataon na makita naman ang ibang part sa akin na pwede kong gawin."

Bea Alonzo was very flattered by the praise given to her by Ms. Isabel.

"Every scene namin ni Tita Isabel, nararamdaman ko na parang nanay ko siya kasi sobrang kumportable namin sa isa't isa. Feeling ko, kaya nagwo-work ang mga scenes namin. Kasi yung mga scenes namin, yun yung comic relief sa buhay ko dito as Reign. Nae-excite ako pag nakakabasa ako sa script ng magagandang eksena with her. She's very, very professional and she's really nice to work with."

Aside from starring Robin, Bea and Diether, Guns and Roses stars Ejay Falcon, Empress, Pinky Amador, Nanding Josef, Mark Gil, Liza Lorena, Gladys Reyes, Ketchup Eusebio, Ina Feleo, Justin de Leon, Makisig Morales and Pen Medina.


SYNOPSIS. Is love enough to heal wounds? This is the basic premise of ABS-CBN's upcoming teleserye, Guns and Roses.

It tells the story of a man named Abel Marasigan (Robin Padilla) whose past is riddled with pain and anger back when he was still ten years old. Fueled by his revenge, he leaves s family to kill the people behind the death of his father.

As the story continues, he crosses paths with Reign Santana (Bea Alonzo), a woman who had just lost her fiancée in a seemingly incidental shooting. Both lonely hearts intertwine as their stories of broken family and estranged hearts draw them closer together.

However, one man stands between them: agent of law Marcus Aguilar (Diether Ocampo) who is the one responsible for Reign's case. Eventually, he falls in love with Reign even though Abel and Reign for their love no matter how complicated their situation may be.

The show dares to asks viewers: "What choices do we have to make sa ngalan ng pag-ibig? Sometimes the choices are easy, sometimes they're not. But sometimes it can destroy us.

Reposted From Noel Orsal of PEP

Followers