Thursday, July 1, 2010

A Repost From Patricia Bermudez-Hizon Of Yahoo! Southeast Asia

James Yap breaks his silence

By Patricia Bermudez-Hizon – July 1st, 2010
Email Facebook Twitter Print
600jamesyap_patricia

The Score by Patricia Bermudez-Hizon
Special to Yahoo! Southeast Asia

James Yap has remained mum about his marital woes, even after his wife, Kris Aquino, went on national television and aired their dirty laundry. But today, he released a statement which says a lot about his character, and reveals his intention of keeping the family intact.

“Kilala niyo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko din itong lahat na issues na naglalabasan siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-aayos in private. Ever since naman, never niyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris.

“Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.

“Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

“Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino.

“May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

“At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

“Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat.

“Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.

“Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.

“Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito.”

Photo of James Yap at book reading courtesy of Patricia Hizon.

+++
A 10-year sportscasting veteran, Patricia Bermudez-Hizon is the first and only female basketball anchor in the Philippines covering the PBA and the PBL. She’s worked the sidelines as a courtside reporter since 2002, but her trade has also allowed her to cover the Olympic Games, Asian Games and South East Asian Games doing commentary for swimming, diving, beach and indoor volleyball, gymnastics, equestrian, judo, wushu, karate, taekwondo, cycling and other disciplines. She shares her thoughts, insights, experience and other privileged information as an insider, a fan, and a wannabe athlete and adventure seeker with Yahoo! Philippines. You can e-mail her at patricia_thescore@yahoo.com

Reposted From Patrcia Bermudez-Hizon Of Yahoo! Southeast Asia

6 comments:

  1. Hayyyy ang showbiz talaga nakakasira ng pamilya. Iwan ko rin ky chris she is tackless at hindi nag iisip minsa. Dapat ba naman i expose andg dirty laundry. Thats the prize of marrying a celebrity. Thanks for the post Sir Mel

    ReplyDelete
  2. Hi Shy,
    Tama ka duon. Mahilig si Kris Aquino na iladlad ang kanyang baho sa publiko. Dapat maging private na lamang ang private affairs niya. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete
  3. But in fairness to Kris, Kahit madami na syang kinasangkutan na not so good issue, tinatangkilik pa din sya,maybe somehow some people see her as tactless but also an honest woman. Not everyone in showbiz can confess on Philippine television katulad ng ginagawa ni kris.To James naman, Go James, Fight for your family.

    ReplyDelete
  4. Hi Yen,
    How right you are. Maski na ano pa mang pagka taklesa niya ay tinitingala pa rin at iginagalang si Kris nang masang Pilipino dahil sa paglalahad niya nang kung anong nasa puso niya. Kaya lang we should always use moderation in what we say or do as we are liable to step on other people's toes. Magkakasundo rin sila ni James. Masyado lang sigurong overwhelming ang character ni Kris para kay James na kung minsan nabibigatan siya dito. Thanks for your visit and comments. God bless you always.

    ReplyDelete
  5. I think it's Kris who has the problem. James is the 3rd man in her life at nagpakasal pa sila pero sa hiwalayan din mauuwi. Dati tinutukan din sya ng baril ni Joey Marquez. Ang daming naka-live in ni Joey pero sya lang ang natutukan ng baril. hmmm...I am so intrigued how Kris Aquino is as a wife.

    ReplyDelete
  6. Hi Rossel,
    Very overwhelming kasi ang personality ni Kris kaya siguro nalulunod si James kaya pumapalag din. Wala nang bukang bibig si Kris kung hindi maghamon nang hiwalayan. Nung napika na si James at sinabing hiwalay kung hiwalay ay nasaktan ang ego ni Kris at ibinando nga sa buong Pinas na hiwalay na sila finally ni James. Pero si James ay gustong magkabalikan pa rin sila. Sana hindi na lang inihahayag ni Kris ang lahat nang problema niya sa publiko para wala siyang natatapakang tao. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers