Monday, July 26, 2010

Nakakahiya




Katatapos lang nang unang State of the Nation Address ni Pres. Noynoy Aquino at isa sa kanyang tinalakay ay ang sobra sobrang importasyon nang bigas na nagdulot nang milion miliong toneladang nabulok na bigas sa mga bodega nang NFA. Pinapaliwanag ni Arthur Yap, dating secretary nang Depatment of Agriculture, na ang proseso daw nang importasyon ay dumadaan sa komite at naghugas siya nang kamay sa over importation. Puro kasinungalingan at paghuhugas nang kamay. Nagoover importation sila dahil sa bilyon bilyong pisong kickback na nakukuha nila. Ganun ang kalakaran nang administrasyon ni PGMA, kabulukan at pangungurakot. May kapal pa nang mukha si Mikey Arroyo na magsabing hindi raw ba nakikita nang mga tao ang kilo kilometrong daan na ginawa ni PGMA? Ang dapat niyang ipaliwanag ay kung bakit siya nakaupo bilang kinatawan nang mga security guard sa party list nang kongreso gayong hindi naman siya security guard. NAKAKAHIYA. MGA HIDHID.

4 comments:

  1. mikey if he has delicadeza should not step into congress again. pahinga na siya.

    ReplyDelete
  2. Hi Imelda,
    Napaka arogante at napakayabang nang mukha ni Mikey kapag naiinterview sa TV at sinasabi pang hindi ba nila nakikita ang mga daang ginawa nang aking ina? Ang hindi niya talagang maipaliwanag ay kung bakit siya uupo sa kongreso bilang kinatawan nang mga security guards sa party list system nang kongreso. Abusado na, napakayabang pa. Thanks for your visit and comments. God bless you all always.

    ReplyDelete
  3. Ay nakita ko nga ito at gusto ko siyang batuhin kaya lang basag tv namin pag ginawa ko yun hehehe. Aroganteng-arogante nga itong mga taong ito. Ewan ko din ba kung bakit may mga tao na bumoto pa sa mga ganitong klaseng tao na ito.

    ReplyDelete
  4. Hi Kim,
    Sino ba ang tinutukoy mo si Arthur Yap o si Mikey Arroyo. Palagay ko ang tinutukoy mo ay si Arthur Yap kasi siya yung unang nag react sa mga ibinulgar ni P.Noy tungkol sa nabubulok na bigas sa NFA dahil sa over importation. Sabi nga ni Lito Banayo na bagong head nang NFA ay naliligo sila sa bigas sa lahat nang bodega nang NFA. Nag over importation sina PGMA nuon kasi napakalaki ang kickback sa importation nang bigas. It runs to billions of dollars. Huwag mong batuhin yung TV mo, sayang, lol. Magprint ka na lamang nang picture ni Yap at yung ang batuhin mo, lol. Thanks for your visit and your funny comments. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers