Wednesday, April 27, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Aiko Melendez on brewing issue with ex-boyfriend Mayor Patrick Meneses: "Hindi ko personality kasing manira."

Tikom pa rin ang bibig ng aktres na si Aiko Melendez sa mainit na isyu kaugnay ng pagpapa-interbyu ng kanyang dating boyfriend at kasalukuyang Bulacan, Bulacan mayor na si Patrick Meneses.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo, Abril 24, sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, ipinakita ng host na si Cristy Fermin kay Mayor Meneses ang palitan ng direct messages o DMs sa pagitan ni Aiko at isang kaibigan niya sa microblogging site na Twitter.

(Ang direct messages ay private messages sa pagitan ng dalawang tao na hindi makikita ng kanilang followers.)

Sa sagutang ito, sangkot umano sina Aiko at ang kanyang kaibigan para magkalat ng isang smear campaign na kumukuwestiyon sa kasarian ng alkalde.

Nang mabasa ang mga pribadong mensahe sa pagitan ng dalawa, nagulat si Mayor Meneses. At dahil dito, siniguro niya na gagawa siya ng legal na aksyon laban sa mga taong sangkot sa isyung ito.

Sabi pa ni Mayor Meneses, "Tinitiyak ko na aabot ito sa korte dahil hindi lang ako ang sinisira diyan, may mga tao rin na sangkot dito." (CLICK HERE to read related article.)

Nagkahiwalay sina Mayor Meneses at dating Quezon City councilor Melendez noong Pebrero 14.

AIKO STILL MUM. Sa kabila nito, nanatiling tahimik si Aiko.

Noong araw na umere ang panayam kay Mayor Meneses, sinabi ng aktres sa kanyang Twitter account na hindi niya ugali ang gumawa ng ganitong isyu para lang mapag-usapan.

Dagdag pa niya, "When I'm at fault will admit it. But when I know that I did nothing, will fight this till the end with dignity."

Halos ganito rin ang nilalaman ng kanyang naging pahayag sa eksklusibong panayam ng SNN na ipinalabas kagabi, April 26.

Aniya, "Alam mo, sa akin, sa punto kong ito, kung ano mang 'yang lumalabas na sira-sira, hindi ko personality kasing manira.

"Kasi, una sa lahat, kung maninira ako ng kapwa ko, bakit nga ako tahimik, di ba? Hindi nga ako nagsasalita, e, so it doesn't make sense na 'yon ang lumalabas."

Sinabi rin ng dating konsehala ng Quezon City na mananatili siyang tahimik hangga't hindi kailangang magsalita.

"Ayaw ko na sigurong mag-comment. Mabuti na sigurong manatili akong tahimik.

"From the very start naman, I've kept my silence and I think sa punto ng buhay kong ito, I'd like to keep it that way hanggang hindi naman talaga kailangang magsalita."

Samantala, bandang alas-dos ng hapon kanina, sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal ng statement si Aiko sa pamamagitan ng kanyang publicist na si Ogie Diaz.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin namin ang kasagutan ng kampo ng aktres.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers