Thursday, January 14, 2010

Mga Awiting Paborito Ko Nuong Bata Pa Ako





Marami akong mga awiting naging makabuluhan sa aking buhay nuong bata pa ako. Ito ang ilan sa kanila.



Smoke Gets In Your Eyes - The Platters




April Love - Pat Boone



Again - Rickey Nelson



A Certain Smile - Johnny Mathis



Ito po ang mga awiting nagbigay nang kulay at kahulugan sa buhay ko nuong ako ay bata pa. Maraming malulungkot na pangyayari sa aking buhay na aking naaalala kapag naririnig ko ang mga awiting ito. Maraming salamat po sa pakikibahagi ninyo sa pagbalik tanaw ko sa aking nakaraaan.



Tags: The Platters, Smoke Gets In Your Eyes, Pat Boone, April Love , Ricky Nelson, Again, Johnny Mathis, A Certain Smile

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Kultura/Filipinos Unite/Philippines

Wednesday, January 6, 2010

All Time Favorite Songs Ko (2nd Batch)






Nasabi ko na nuong nakaraang post ang aking all time favorites, pero marami iyon. Kaya eto ang second batch nang aking all time favorites. Sana ay magustuhan ninyo.


It Might Be You - Stephen Bishop




You - The Carpenters




No More Lonely Nights - Paul Mc Cartney



The Cruel War - Peter, Paul and Mary





Sana ay nagustuhan ninyo ang 2nd batch nang aking all time favorite songs.




Tags: 2nd Batch Nang Favorite Songs Ko, Stephen Bishop, It Might Be You, The Carpenters, You, Paul Mc Cartney, No More Lonely Nights, Peter Paul & Mary, The Cruel War

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Komentaryo/Kultura/Sining

Saturday, January 2, 2010

Mga All Time Favorites Kong Kanta







Nasabi ko na sa inyo ang mga paborito kong love songs nuong panahong nanliligaw pa ako at ngayon nama'y isisiwalat ko ang mga all time favorite kong mga kanta. Dahil all time ang mga ito ay medyo marami rin sila. Ang ilan sa mga all time favorite kong mga kanta ay:


You're Still The One - Shania Twain



Weekend in New England - Barry Manilow



Don't Give Up On Us - David Soul



Aubrey - Bread



Ang mga awiting ito ang mga unang batch ng mga all time favorite songs ko. Masyadong makahulugan at espesyal sa akin ang mga kantang ito.



Tags: All Time Favorite Songs, Shania Twain, You're Still The One, Barry Manilow, Weekend in New England, David Soul, Don't Give Up On Us, Bread, Aubrey, Mga Makahulugang Kanta


Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Komentaryo/Kultura/Filipino

Monday, December 28, 2009

Malungkot Na Awitin (Para Sa Broken Hearted)





Nakakatawa pero nuong binata pa ako at nagsisimulang manligaw ay palaging busted ako, huhuhu. Kasi ba naman ay napakabaduy ko nuon at masyadong sentimental. Dinadaan ko sa pagsulat nang mga tulang tila love notes at korning love letters. Usong uso nuon ang mga jam sesions at parties pero ako ay hindi umaattend sa mga iyon. Ang peborit kong pastime eh magbasa nang libro at sumulat nang mga korning tula. Kaya palagi akong malungkot at naisip ko nuon na parang imposible na yatang me magkagusto sa akin. Hindi naman ako pangit kaya lang masyado akong mahiyain at torpe at hindi marunong dumiskarte sa chikababes, lol. Kaya marami akong malulungkot na awiting associated sa mga lonely and cold nights ko lalo na yung Christmas na first busted ako, huhuhu. Ito ang ilan sa mga awiting iyon.



No One Can Break A Heart Like You - Dave Clark Five



Everybody Knows - Dave Clark Five



Traces of Love




Don't Sleep In The Subway - Petula Clark




Tags: Malungkot Na Awitin, No One Can Break A Heart Like You, Everybody Knows, Dave Clark Five, Traces of Love, Don't Sleep In The Subway, Petula Clark, Philippines, Filipinos Unite!!!, Proudly Filipino, Baduy, Torpe, Nerd

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Komentaryong Filipino/Kultura/Samu't Sari

Wednesday, December 23, 2009

Lumang Tugtugin- Ikalawang Yugto

Ruben Tagalog- Hari ng Kundiman



Sylvia la Torre - Prinsesa ng Kundiman


Atang dela Rama - Reyna ng Kundiman


Isinaplaka ni Atang dela Rama



Matapos mailahad ko ang mga paboritong banyagang mangaawit ng aking ina at ako ay nais ko namang itampok ang mga paborito kong musikang kundiman na naging tanyag hindi lamang dito sa atin kundi sa ibang bansa rin. Ang mga sikat na mangaawit nuong panahon na iyon ay sina Atang dela Rama, Ruben Tagalog, Larry Miranda, Sylvia la Torre, Cenon Lagman, Cely Bautista, Mabuhay Singers at marami pang iba. Hayaan ninyong itampok ko sa lathalang ito ang ilan sa mga paborito kong kanta.

Lawiswis Kawayan - Philippine Folk Dance



Carinosa - Philippine Folk Dance



Tinikling - Philippine Folk Dance





Tags: Filipino Folk Dance, Kundiman, Ruben Tagalog, Mabuhay Singers, Atang dela Rama, Sylvia la Torre, Lawiswis Kawayan, Carinosa, Tinikling, Philippines, Filipinos Unite!!!, Proudly Filipino

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Philippines/Filipino Culture/Proudly Filipino

Sunday, December 20, 2009

Lumang Tugtugin






Mga lumang tugtugin na natutunan ko pa sa aking ina. Nuong bata pa ako ay nahilig na ako sa musika dahil sa impluwensiya ng aking ina. Marami siyang paboritong mangaawit. Pero ang pinakapaborito niya ay si Patti Page. Naaalala ko pa kapag ako ay inaawitan niya ng mga kanta ni Patti Page katulad ng Mocking Bird Hill, I Went To Your Wedding, Changing Partners at Tennessee Waltz. Sa murang idad ay mayroon na rin akong naging mga paboritong mangaawit. Kasama na dito sina Nat King Cole, The Platters, Elvis Presley, Pat Boone, Neil Sedaka at Paul Anka. Hayaan nyong paringgan ko kayo ng ilang awiting naging parte na nang murang buhay ko nuon. Sa artikulong ito nahalatang matanda na ako, hehehe, lol. Pero batang bata pa ang puso ko, lol.



Mocking Bird Hill - Patti Page


Que Sera Sera - Doris Day




Twilight Time - The Platters



Tags: Lumang Tugtugin, Mga Awiting Walang Kamatayan, Patti Page, Doris Day, The Platters, Nat King Cole, Pat Boone, Neil Sedaka, Paul Anka, Elvis Presley, Matanda, Pusong Bata

Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Filipinas/Filipinos Unite/Proudly Filipino

Monday, December 14, 2009

SM At Jollibee- Mga Simbolo Ng Makabagong Filipino







Ang SM at Jollibee- sila ngayon ang mga simbolo ng makabagong Filipino. Dati rati ang simbolo nang nakarating ka sa Kamaynilaan ay ang makunan ka nang litrato sa Luneta o Rizal Park. Ngayon, ang lahat nang bagong salta sa Kamaynilaan galing probinsiya ay nagpapakuha ng litrato sa harap ng SM o sa Jollibee. Binago ng SM ang kulturang Filipino. Ito na ang pinakapaboritong pasyalan ng lahat ng Filipino. Bakit nga hindi eh malamig dito at komportable at nandun na lahat ng pangangailangan mo. Pinatay din ng SM ang mangisa ngisang sinehan na siyang uso nuon hanggang dekada sisenta. Bakit nga ba pupunta sa iisang sinehan kung makakapamili ka ng iba't ibang palabas sa napakaraming sinehan sa SM. SM din ang pinakapaboritong pasyalan ng mga bata at kabataan. Ang Jollibee naman ang nagpataob sa mga higanteng foreign fast food chains sa Pilipinas. Talagang kahanga hanga ang mga nakamit na tagumpay nang dalawang kumpanyang Filipinong ito.


SM Mall of Asia TV Ad



Jollibee TV Ad - Sarah Geronimo and Sam Milby




Tags: SM, Jollibee, Simbolo, Bagong Filipino, Kamaynilaan, Kulturang Filipino, Pinakapaboritong Pasyalan, Malamig at Komportable, Dekada Sisenta, Sarah Geronimo, Sam Milby


Posted by: Mel Avila Alarilla
Philippines
Kultura/Tradisyon/Makabagong Filipino

Followers