Wednesday, July 20, 2011

Jolina Magdangal and Mark Escueta torn between church and garden weddings




"Ako yung pinakamakulit. Pero si Mark, hindi naman siya yung tipong, 'O, sige, ikaw na ang bahala diyan.' Talagang tinatanong ko sa kanya minsan. Makulit akong magtanong sa kanya. Hindi pwedeng ako lang, ano rin yung gusto mo. Gusto ko pareho kaming kumportable," says Jolina Magdangal about wedding plans with husband-to-be Mark Escueta.

Jolina Magdangal and Mark Escueta torn between church and garden weddings


Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ni Jolina Magdangal sa kanyang musician boyfriend na si Mark Escueta.

Excited ngang ibinahagi mismo ng bride-to-be ang ginagawa niyang paghahanda para sa kanilang kasal sa interview ng In The Limelight na ipinalabas sa GMA News TV Channel 11 noong Martes, July 19.

Pabirong sabi nga ni Jolina, mahirap daw palang mag-ala-wedding planner para sa kanyang dream wedding.

"Ang dami palang kinu-consider pag ganun. Parang nahihilo ako palagi, nama-migraine.

"Sa ngayon, ang inaasikaso ko lang talaga yung mga license. Me mga ganun pa pala!" natatawang sabi ng actress-singer.

WEDDING THIS YEAR. June 5, 2011 nang gulatin nina Jolina at Mark ang lahat nang isapubliko nila sa programang Party Pilipinas na sila'y engaged na. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ngayon, wala pang definite wedding date, pero plano nila na ngayong taon na magpakasal.

"Meron pa rin kasi akong iba pang inaayus-ayos. So, hindi pa talaga namin napagdedesisyunan kung anong date.

"Pero gusto sana namin talaga this year," sabi ni Jolina.

Torn between garden at church wedding din daw sina Jolens at Mark.

"Garden, kailangan mong tingnan ang mga possibilities, may ulan, di ba? May mga takong ang girls, may mga ganun, e.

"Pagka naman church, one year pala ang booking."

MOTIF & GUESTS. Pagdating naman sa wedding motif, type daw ni Jolina ang girlie-girlie theme.

"Pero gusto ko girlie. Si Ate Reg [Regine Velasquez], red e, di ba?

"Ako naman, medyo dun ako sa medyo pastel side, pumi-peach na pumi-pink, ganun.

"Ayoko sana ng puting-puti, sana lang. Off-white or beige, ganyan," sabi ni Jolina.

Sa mga bisita at entourage, mukhang pinag-iisipan pang mabuti ni Jolina ang mga iimbitahin for her special day.

"Basta lahat, sinusulat ko muna lahat siyempre. Basta lahat nandoon. Lahat ng nakasama ko.

"Hindi pa nga yun tapos, e. Basta naka-groupings yun."

Kahit mas mabusisi raw si Jolina sa wedding preparations kaysa sa kanyang soon-to-be-husband na si Mark, hinihingi pa rin daw niya ang opinyon nito.

Sunday, July 17, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Jennifer Lopez splits from Marc Anthony



"We have decided to end our marriage. This was a very difficult decision. We have come to an amicable conclusion on all matters," said Jennifer Lopez and Marc Anthony in a joint statement.

Jennifer Lopez splits from Marc Anthony


Jennifer Lopez and Marc Anthony have split after seven years of marriage.

The couple—who have three-year-old twins, Max and Emme, together—have decided to call time on their relationship after they both agreed on the "difficult decision."

In a statement released to People magazine, Jennifer and Marc—who wed in June 2004—said: "We have decided to end our marriage. This was a very difficult decision. We have come to an amicable conclusion on all matters.

"It is a painful time for all involved and we appreciate the respect of our privacy at this time."

Jennifer—who has been married twice before—recently spoke of her contentment in her personal life as wife and mother.

The 41-year-old beauty said: "I'm in a really happy, good place now, and when you have babies, you feel a different kind of love [compared] to anything you've experienced—deeper, more profound.

"No matter how much experience you have in love, you're always learning new things about it; you're always going to have questions you can never fully answer. I'm probably the happiest I've ever been in my life and my husband and my babies have everything to do with that."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sunday, July 10, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Marian Rivera ignores Sam Pinto's statement about her; gets a "gag order" not to answer issue with Heart Evangelista



PEP was able to interview Marian Rivera on the set of Amaya in Pagsanjan, Laguna yesterday. We tried to get her reaction on the latest issues about her, but the Primetime Queen of GMA-7 opted not to dwell on these.

Marian Rivera ignores Sam Pinto's statement about her; gets a "gag order" not to answer issue with Heart Evangelista


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Amaya sa kanilang location sa Pagsanjan, Laguna kahapon, July 8.

Kasama namin ang PEPsters na winners ng PEP promo na ang premyo ay ang makabisita sa taping ng pinagbibidahang epicserye ni Marian Rivera.

Kasalukuyang nagri-rehearse si Marian ng eksenang kukunan sa kanya nang dumating kami sa location.

Pagkatapos ng ilang scenes ay pinagbigyan na agad ang PEPsters na makipag-picture taking with her, at kasunod na rin nito ang maikling panayam ng PEP kay Marian.

Kapansin-pansin ang parang sugat sa mukha ni Marian kaya tinanong namin siya agad kung saan niya ito nakuha.

"Dito sa set. May kumagat na isang insekto. Tapos medyo nagkaano [namantal] na.

"Medyo kasi maarte yung skin ko. Medyo nag-rash.

"Pero okay na 'yan compared no'ng isang araw," sabi ng Primetime Queen ng GMA-7.

May maayos namang waiting at resting area si Marian sa set. Pero pag take na talaga, like everybody else, kailangan niyang suungin ang maputik na daan at mga insektong gumagapang at lumilipad-lipad sa set.

Nahihirapan ba siya sa Amaya?

"Siguro no'ng una bilang naging isang uripon (alipin) ako dito—binubugbog, nahubadan... Alam mo yun? Yung may mga eksenang gano'n? Tapos, putik...

"Pero ayos lang 'yan. Mild land 'yan.

"Halos naman lahat napagdaanan ko din naman lahat, so sanay na.

"Tsaka lahat naman napuputikan, walang kaso sa akin 'yan."

MOVIE WITH AGA. Lumabas sa PEP Alerts ang balitang gagawa raw ng pelikula si Marian kasama si Aga Muhlach. Iko-co produce daw ito ng Regal Films at GMA Films, at posibleng masimulan ang shooting sa September.

Pero ayon kay Marian, "Siguro ayaw ko munang magsalita tungkol diyan kasi, unang-una, hindi pa nailalatag sa akin 'yan.

"Nasabi kung nasabi. Pero hangga't hindi ka kinakausap, wala ka sa presscon, wala kang script, e, hindi pa sigurado 'yan."

Pero kung sakaling matuloy?

"Siyempre thankful ako kasi Aga Muhlach 'yan.

"Tsaka di pa kami nagmi-meet ever. Tsaka di ko pa siya nakikita, ever," sabi ng aktres.


MARIAN VS. DINGDONG. Come Metro Manila Film Festival sa December, magkakatapat ang movie nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Friday, July 8, 2011

Dayalogs- Special Rylie Edition

Sa hindi nakaalala sa birthday ko- braaaaaaak, hehehe, joke lang, love ko kayong lahat



Huwag mong sabihing nakalimutan mong birthday ko ngayon



Ako si Supergirl. Bubugbugin ko ang hindi nakaalala sa birthday ko, joke lang, hehehe.



Thanks sa lahat nang nakaalala at bumati sa birthday ko, love ko kayong lahat



Teka ha, iluluto ko pa itong handa ko sa birthday ko



Libreng rides sa lahat nang nakaalala sa birthday ko, care of Tito Mel, hehehe



Wow, isina shopping na ako ni Mommy nang regalo niya sa birthday ko



Regalo ito sa akin nang tita ko, sarap higaan



Ito naman regalo sa akin ni EJ, galing sa garden ni Mommy



Paborito kong basahin yung libro ni Dr. Seuss



Sarap nang matamis na ginawa sa akin ni Mommy



Kasama ko si Mommy at EJ dito, nagaway kami ni EJ kaya nakasimangot ako dito



Family photo namin, kamukha ko si Mommy at kamukha naman ni EJ si Daddy



Tyinu tutoran ko si EJ habang giniginaw siya,malamig kasi nuon



Magbe bake kami nang cake ni Mommy



Ang ganda ganda nang anak ko nakakagiggil
Si Mommy naman, nagsasabi nang tutuo, hehehe



Tinuturuan ko si EJ dito nang spelling



Tinutulungan ko dito si Daddy sa paggawa nang.... ano nga ba yung ginagawa namin?



Ang daming magagandang bulaklak sa garden ni Mommy,
makapitas nga




Handa ko ito sa birthday ko, kain na kayo


Happy Birthday Rylie. You have come a long way since you were a baby. Now you are a pretty missy exploring the world through a rose colored glass. May you have many more blessed and abundant birthdays to come. May the Lord grant you all of the secret desires in your heart. God bless you always.

Monday, July 4, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Two househelps accuse Maricel Soriano of maltreatment; actress remains mum



Actress Maricel Soriano is now caught in a controversy after two of her former househelps accuse her of maltreament.

"Kailangan naming lumaban. Para sa hustisya namin. Trauma na ho 'to. Hindi ako makatulog sa gabi kasi naririnig ko ang mura niya," says May Cachuela, one of the househelps.

Two househelps accuse Maricel Soriano of maltreatment; actress remains mum


Tinalakay sa The Buzz kahapon, July 3, ang tungkol sa reklamo ng dalawang kasambahay dati ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Inaakusahan ng dalawang kasambahay na sina May Cachuela, 22, at Camille Acojedo, 18, si Maricel ng pagmamaltrato diumano sa kanila.

Kumalat ang isyu na ito nang dumulog sa tanggapan ng radio commentator na si Mon Tulfo ang mga dating kasambahay ni Maricel, na diumano'y dumanas ng verbal at physical abuse mula raw sa kanilang amo.

Kuwento ng radio commentator sa The Buzz, "May tumawag sa amin, yung ate ni May na taga-Zambales, na binugbog daw yung kanyang kapatid ni Maricel Soriano.

"Itong staff ko, sinabi na patakbuhin mo sa barangay. Kinaumagahan, sinundo ng assistant ko, pina-medical, tapos sinumbong sa barangay."

Noong July 1, Friday, nakapanayam ng The Buzz ang dalawang kasambahay na nagrereklamo.

Isang Inday Castillo raw ang nag-recruit sa kanila para maging kasambahay ni Maricel. Personal assistant daw ng aktres si Inday.

Noong June 18 lang daw sila namasukan sa pamamahay ng aktres sa Rockwell City, Makati, kunsaan nakatira rin ang anak ni Marya na si Sebastien kasama ang dalawa pang kasambahay.

Ayon kay Camille, "Noong una po, okay naman po. Kasi po si Ma'am, kapag may bisita, mabait po talaga siya."

MARICEL'S "WORDS." Ang mga masasamang salita raw na ibinabato sa kanila ng aktres ang unang nakaapekto sa dalawang kasambahay.

Kuwento ni May, "Unang pasok ko po do'n, laging mura ang naabot. Laging mura kahit may ipapaabot lang ho siya, magmumura siya.

"Si Ma'am ho, ayaw ho niya ng konting mangatwiran kami. Gusto niya ho, lagi ho siyang tama, siya lagi ang pakikinggan."

Sabi naman ni Camille, "Naranasan ko lang ho kay Ma'am talaga, yung pagmumura niya. Kasi po, hindi po talaga namin masikmura yung mura niya.

"Talagang ipapamukha niya pa kung gaano kalutong. Parang pinapakain niya po sa amin ang mura niya."

Dagdag pa ni Camille, may time daw na hindi sila nakakain sa oras.

Aniya, "Kakaasikaso po sa kanya kaya hindi po kami makakain sa oras. Sa sorang pag-aasikaso, sobrang pag-aano ng bahay niya. Minsan po, hindi namin alam, hindi pa po pala kami kumakain."

Ayon naman kay May, na hindi na napigilan ang umiyak, "Kasi doorbell siya nang doorbell. Hindi na ako masyadong kumakain kasi doorbell siya nang doorbell, tawag siya nang tawag."

THE JUNE 29 INCIDENT. Pero ang talagang naging dahilan daw ng pag-alis nila sa poder ng aktres ay ang nangyari noong June 29, Miyerkules.

Ayon sa kuwento ni May, "May recording daw ho siya. So, nag-aayos po kami ng gamit niya. Ako ang taga-ayos ng bag niya.

"May inaayos ho siya na mga ano, mga kulay yellow. Hindi ko ho alam na bitbit ho no'ng isang katulong namin.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Saturday, July 2, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Dingdong Dantes on Marian Rivera's rift with Heart Evangelista: "Dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado."



"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa't isa. Sa lahat ng pagkakataon, we alawys help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," says Dingdong Dantes about the latest controversy involving girlfriend Marian Rivera.

Dingdong Dantes on Marian Rivera's rift with Heart Evangelista: "Dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado."


Marami ang interesadong malaman kung ano ang saloobin ni Dingdong Dantes sa bagong isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Ito ay may kaugnayan sa alitan ni Marian at ng kanyang co-star sa pelikulang Temptation Island na si Heart Evangelista.

Matatandaang pumutok ang kontrobersiya na kinumpronta diumano ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco si Marian sa airport pagkagaling nila ng shooting sa Ilocos Norte. (CLICK HERE to read related story.)

Naglabas na ng kanyang pahayag si Marian sa presscon ng Temptation Island noong June 24. (CLICK HERE to read related story.)

Dito niya inihayag na nagulat siya sa nangyari sa airport, dahil ang buong akala raw niya ay "okay"sila ni Heart pero hindi pala.

Samantala, wala pang naririnig na pahayag mula kay Heart dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes sa isang event sa Makati Shangri-La kamakailan, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marian.

Napag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Definitely napag-usapan namin yun, pero para sa ganung detalye, I don't think nasa posisyon para magsalita 'coz sila yung nandun.

"Ang alam ko lang ay kung ano ang napag-usapan namin ni Marian.

"Ako, kahit na ano ang mangyari, 100 percent nandun lang ako sa tabi niya.

"Basta ang masasabi ko lang, dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado.

"Kung may mali, dapat maituwid yung mali," pahayag ng Kapuso actor.

Para kay Dingdong, ang pagiging bukas ng komunikasyon nila ni Marian—kung saan updated sila sa nangyayari sa bawat isa tulad nga ng nangyaring ito sa girlfriend—ay isa sa higit na nagpapatatag ng relasyon nilang dalawa.

"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa't isa.

"Sa lahat ng pagkakataon, we alawys help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," saad niya.

Kilalang matapang si Marian, pero marami ang nagulat nang mapaiyak ito sa presscon ng Tempatation Island habang inihahayag ang kanyang saloobin sa nangyari sa kanila ni Heart.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Tao lang 'yan, pag medyo may masakit na nangyari, siyempre maaapektuhan ka.

"Posible talaga na magkaroon ng ganyang mga pagkakataon.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Friday, July 1, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Kris Aquino makes a stand on the controversial Reproductive Health Bill



Kris Aquino says that she is definitely pro-life. But the TV host-actress and mother of two boys, Josh and Bimby, believes that people should be given enough information and choices when it comes to family planning.

Kris Aquino makes a stand on the controversial Reproductive Health Bill

Demai Sunio-Granali


Last June 28, Wednesday, Kris TV presented a live episode featuring the top five winners of Pilipinas Got Talent Season 2.

It included the tap-dancing duo Happy Feet, who bagged second place next to grand winner Marcelito Pomoy.

Brothers Ramonito and Lordito Mata, together with their elder sister Maricel, shared to Kris Aquino and her audience the story of their impoverished life in Lidona, Bukidnon.

There are nine children in their family. Maricel and Ramonito are fifth and sixth respectively, and Lordito is the youngest.

Both their parents are currently unemployed and the family is basically surviving through financial aid from an older sibling who is working in Hong Kong as a domestic helper.

Most of them never went to college or even finished high school due to lack of money.

Maricel and Ramonito were even forced to work at an early age as a sales lady and a vegetable porter just to aid the family's financial struggles.

"Ito na yung argument natin sa simbahan tungkol sa reproductive health, pag-usapan na natin," Kris blurted on air, noting how their family suffered poverty simply because there are too many kids to support financially.

RH BILL. In a sit-down interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) and other members of the press right after the show's live airing, Kris further explained why she is for the approval of the controversial Reproductive Health bill.

"Yung kwento na lang ni Happy Feet kanina, na nine kids tapos patigil-tigil sa pag-aaral. Hindi makapag-college yung isa dahil kulang sa pondo or hindi makapag-vocational man [lang].

"Reality 'yan, e. And that's because hindi mo binigyan ng adequate knowledge at choice yung couple kung ano'ng gusto nilang gawin," Kris pointed out.

She added, "Definitely, I'm sure pinalaki kaming lahat na pro-life.

"But all of us, my sisters, all have two kids each.

"It's your choice, e, whether natural birth control or if its pills, condom or whatever artificial means.

"Napansin n'yo na mas yung may means in life, or mas nakapag-aral ang mas responsible?

"Kasi alam n'yo kung ano yung responsibility involved with having a big family," she said, emphasizing the importance of family planning.

According to her, unless the anti-RH supporters could find a better solution than the RH bill, then they should stop debating the issue.

"Ako, feeling ko lang yun na we keep debating the issue. But then, rather than debating the issue, [let's] look at real people and what they're going through."

She also made a bold statement towards the members of the Catholic church and other anti-RH enthusiasts who are calling for the resignation of her brother, President Noynoy Aquino.

"That's one thing na I feel bago ka humingi ng resignation, sana yung church na 'yan may feeding program. Sana yung church na 'yan may scholarship program, di ba?

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Followers