Sunday, July 10, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Marian Rivera ignores Sam Pinto's statement about her; gets a "gag order" not to answer issue with Heart Evangelista



PEP was able to interview Marian Rivera on the set of Amaya in Pagsanjan, Laguna yesterday. We tried to get her reaction on the latest issues about her, but the Primetime Queen of GMA-7 opted not to dwell on these.

Marian Rivera ignores Sam Pinto's statement about her; gets a "gag order" not to answer issue with Heart Evangelista


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Amaya sa kanilang location sa Pagsanjan, Laguna kahapon, July 8.

Kasama namin ang PEPsters na winners ng PEP promo na ang premyo ay ang makabisita sa taping ng pinagbibidahang epicserye ni Marian Rivera.

Kasalukuyang nagri-rehearse si Marian ng eksenang kukunan sa kanya nang dumating kami sa location.

Pagkatapos ng ilang scenes ay pinagbigyan na agad ang PEPsters na makipag-picture taking with her, at kasunod na rin nito ang maikling panayam ng PEP kay Marian.

Kapansin-pansin ang parang sugat sa mukha ni Marian kaya tinanong namin siya agad kung saan niya ito nakuha.

"Dito sa set. May kumagat na isang insekto. Tapos medyo nagkaano [namantal] na.

"Medyo kasi maarte yung skin ko. Medyo nag-rash.

"Pero okay na 'yan compared no'ng isang araw," sabi ng Primetime Queen ng GMA-7.

May maayos namang waiting at resting area si Marian sa set. Pero pag take na talaga, like everybody else, kailangan niyang suungin ang maputik na daan at mga insektong gumagapang at lumilipad-lipad sa set.

Nahihirapan ba siya sa Amaya?

"Siguro no'ng una bilang naging isang uripon (alipin) ako dito—binubugbog, nahubadan... Alam mo yun? Yung may mga eksenang gano'n? Tapos, putik...

"Pero ayos lang 'yan. Mild land 'yan.

"Halos naman lahat napagdaanan ko din naman lahat, so sanay na.

"Tsaka lahat naman napuputikan, walang kaso sa akin 'yan."

MOVIE WITH AGA. Lumabas sa PEP Alerts ang balitang gagawa raw ng pelikula si Marian kasama si Aga Muhlach. Iko-co produce daw ito ng Regal Films at GMA Films, at posibleng masimulan ang shooting sa September.

Pero ayon kay Marian, "Siguro ayaw ko munang magsalita tungkol diyan kasi, unang-una, hindi pa nailalatag sa akin 'yan.

"Nasabi kung nasabi. Pero hangga't hindi ka kinakausap, wala ka sa presscon, wala kang script, e, hindi pa sigurado 'yan."

Pero kung sakaling matuloy?

"Siyempre thankful ako kasi Aga Muhlach 'yan.

"Tsaka di pa kami nagmi-meet ever. Tsaka di ko pa siya nakikita, ever," sabi ng aktres.


MARIAN VS. DINGDONG. Come Metro Manila Film Festival sa December, magkakatapat ang movie nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers