Tuesday, March 22, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Liezl

Queenie


Kylie

Liezl Sicangco wants daughters Queenie and Kylie Padilla to return to Muslim faith

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 22, ng text message mula kay Liezl Sicangco na may kahilingan para sa kanyang dalawang anak na sina Queenie at Kylie Padilla.

Nasa Australia si Liezl samantalang parehong nasa Pilipinas ngayon ang mga anak nila ng dati niyang asawa na si Robin Padilla.

Ayon kay Liezl, "Gusto ko lang sana iparating sa dalawa kong anak, Kylie at Queenie, na bumalik na sila sa pagka-Muslim. Sa nakikita ko kasi, hindi nakakabuti sa mga anak ko ang pag-aartista kung di rin naman sila nakakasunod sa kagustuhan ng Panginoong Allah.

"Inaamin ko hindi po ako perfect na tao, bumalik lang ang faith ko two months ago. Mahirap po talaga na wala ang Panginoon sa buhay ng tao. Sana magtuluy-tuloy na ang aking pananampalataya. God willing..."

Ayaw naman nang magsalita ni Liezl kung ano ang mga reklamo nito sa mga nakikita niya sa dalawa niyang dalagang anak dahil baka isipin pa raw ni Robin na nakikigulo siya sa promo ng pelikula nila ni Mariel Rodriguez na Tum, My Pledge of Love.

Kaya raw nagpadala si Liezl ng ganung text message dahil nag-aalala na siya sa nakikita sa mga anak niya.

"Mabuti pa dati nung Muslim sila, hindi ko nakikitang naka-mini-skirt sila. Hindi ko na kasi nagustuhan ang ayos nila ngayon," bahagi ng pahayag ni Leizel nang nakausap namin siya sa telepono.

Matagal na raw niyang hindi nakakausap si Kylie, pero si Queenie ay madalas naman daw tumatawag sa kanya.

Aware din daw si Liezl sa pagkaka-link ni Kylie kay Aljur Abrenica. Wala naman daw siyang tutol kung tatanggap na ng manliligaw ang anak dahil 18 na raw ito.

Pero sana raw ay huwag naman masyadong magmamadali si Kylie dahil bata pa ito.

Sana raw ay makausap din daw niya ito para mapayuhan naman niya pagdating sa pagtanggap ng manliligaw.

Ang inaalala lang ni Liezl ay parang ang laki na raw ng ipinagbago ng ayos ng mga dalaga niya.

Dahil daw sa mga trahedyang nangyayari, sana raw ay magbalik-loob na ang dalawang anak niya at hindi iyung mga nababalitaan niya at nakikita sa TV.

Hindi pa nakausap ng PEP si Kylie, pero ipinarating namin sa manager niyang si Betchay Vidanes ang pahayag ni Liezl. Naintindihan naman daw niya ang ipinag-aalala ni Liezl kaya kakausapin daw niya si Kylie.

Napapabalita na rin kasing madalas na nakikitang magkasama sina Kylie at Aljur, pero ganun pa rin naman ang sagot nila—na magkaibigan lang daw talaga sila.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

  1. I could feel sa concern ni Liezl para sa kanyang mga anak. Ang showbiz kasi pag hinde ka matatag sa paniwala mo sa Diyos talagang lalamunin ka.

    ReplyDelete
  2. Hi Kim,
    Tama ka duon dahil masalimuot ang mundo nang showbiz at wala namang masyadong panahon si Robin sa mga dalaga niya dahil kakakasal lang niya. Magaganda at makikinis ang kutis nang dalawang dalaga nila na hindi mapipigilan na maging lapitin sa lahat nang bubuyog sa showbiz. Thanks for your visit and comments. God bless you always.

    ReplyDelete

Followers