Thursday, March 24, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Kris Aquino's The Price is Right to change airing schedule

Mawawala na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang The Price is Right ni Kris Aquino.



Ang balitang ito ang kinumpirma ng source ng PEP ngayong araw, March 24.



Noong simula pa lang ng linggong ito ay umiikot na ang usap-usapan na magiging once a week na lang ang game show ni Kris, na napapanood bago ang TV Patrol. Mababa raw kasi ang ratings nito.



Ayon pa sa usap-usapan, nagalit raw si Kris nang ipaalam sa kanya ang pagbabagong ito.



Sa kumpirmasyon na ipinadala ni Kane Choa, PR director sa ABS-CBN, sinabi nitong hindi tuluyang mawawala sa ere ang The Price is Right, at lilipat lang ito sa Sabado.



Ang remake ng Mula sa Puso raw ang papalit sa weekday primetime schedule ng game show.



Ito ang buong pahayag ni Kane, na ipinadala sa PEP sa pamamagitan ng text message:



"Kris Aquino announced yesterday on The Price is Right that the game show will air every Saturday. We had a presscon earlier for Mula sa Puso... We announced that [it] will air 6 p.m. before TV Patrol."



Inaabangan naman ng PEP kung totoo ang balitang nagalit umano ang TV host at actress sa pagbago ng araw at time slot ng kanyang game show.

Bago ang The Price is Right, naging host na si Kris ng ilang game show, tulad ng Game KNB?, Kapamilya Deal or No Deal, at Pinoy Bingo Night. Lahat ng ito ay ipinalabas sa weekdays.

Naging host si Kris ng Game KNB? mula 2001 hanggang 2007. Naka-tatlong season naman ang Kapamilya Deal or No Deal mula 2006 hanggang 2009. March to June 2009 naman ang airing run ng Pinoy Bingo Night.

Samantala, noong February 5 nag-premiere ang The Price is Right.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

2 comments:

  1. Wala na talaga akong alam sa buhay ni Kris ah. Sa last na alam ko papahiwalay na sila ni papa James hehe.

    ReplyDelete
  2. Hi Kim,
    Hay naku hindi na magbabago si Tetay, hehehe. Sandali lang at may kasama na namang bago yan. Napipigilan lang nang mga kapatid habang presidente pa si Noynoy. Thanks for your visit and comments. God bless you always.

    ReplyDelete

Followers