Monday, March 28, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Toni Gonzaga does not mind if Ai-Ai delas Alas is crowned 2010 Box-Office Queen

Maraming mga tagahanga nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ang nag-react nang lumabas ang balitang sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla na raw ang Box-Office Kings at si Ai-Ai delas Alas naman daw ang Box-Office Queen ng 2010. Ito ay para sa tagumpay diumano ng mga pelikulang Si Panday at Si Enteng Kabisote nina Vic at Senator Bong, at Ang Tanging Ina N'yong Lahat ni Ai-Ai.

Pero pinabulaanan ito ng pamunuan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI), ang organisasyong namamahagi ng taunang Box-Office Awards. Ayon sa kanila, hindi pa sila nagsasagawa ng botohan kung sino ang tatanghaling Box-Office King and Queen. (CLICK HERE to read related story.)

Sina John Lloyd at Toni ang mga bida sa pelikulang My Amnesia Girl, na ayon sa kanilang mga tagahanga ay higit na kumita kumpara raw sa mga pelikula nina Vic, Senator Bong, at Ai-Ai.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa set ng Happy, Yipee, Yehey! noong nakaraang linggo, hiningan namin siya ng reaksiyon sa posibilidad na hindi nga siya ang tanghaling Box-Office Queen.

May balita kasing pina-block na raw ng mga taga-Guillermo sa sked ni Ai-Ai ang May 8, ang araw kung kailan gaganapin ang awards night ng Box-Office Awards.

Ayon kay Toni, "Si Ate Ai-Ai naman talaga ang Box-Office Queen, hindi naman kailangan talagang kuwestyunin yun. Kahit sino naman talaga, hindi magpoprotesta dun.

"Ako, naiintindihan ko yung ibang mga fans na gusto nila yung idol nila yung makatanggap ng ganyang prestige, ng ganung karangalan. Other than that, me and my family, we're really happy sa magandang resulta ng My Amnesia Girl.

"We're not expecting anything beyond that. Kung ibibigay sa akin ang mga ganyang bagay, ibibigay, at kung hindi naman, I'm still thankful that I was given a chance to do a movie na kumita talaga. Hindi tayo nagpo-focus sa mga bagay na nakaka-stress sa atin.

"Magaan na ang loob ko sa ganyang mga pangyayari," patuloy niya. "It will not make an artist less of a person kung wala talagang ganun. Actually, yung ganyang mga recognition, it will inspire you to be better para galingan mo pa lalo ang craft mo."

Ang isa pang issue ay ang magulo raw na ruling ng GMMSFI pagdating sa cut-off ng Metro Manila Film Festival entries, gaya ng mga pelikula nina Vic, Senator Bong, at Ai-Ai.

Bagamat noong nakaraang taon nagbukas sa mga sinehan ang kanilang mga pelikula, umabot ngayong taon ang pagpapalabas nito kaya hindi matukoy kung saang taon ang kabuuang kita ng mga ito.

Ano ang masasabi ni Toni rito?

"Hindi ko alam... Actually, hindi ko na rin inalam 'yan," sagot niya. "May mga lumalapit nga sa akin, sinasabi sa akin 'yan.

"Sa akin naman, ayoko nang isipin 'yan kasi tapos na 'yan. Last year pa ang My Amnesia Girl, ayoko nang balikan. Ang importante, pinanood siya ng tao. Yun naman ang pinakamasarap na natatanggap ng isang artista—yung maramdaman mo na pinanood siya ng mga tao."

BELO ENDORSER? Isa rin sa isyung pinupukol kay Toni sa ngayon ay ang pag-alis nito sa beauty clinic na Faces and Curves at ang pagbati niya kay Dra. Vicki Belo ng "I love you."

Hudyat daw ito ng pagiging bagong endorser niya ng Belo Medical Group. Dahil dito, naparatangan si Toni na wala siyang utang na loob.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ako, hindi na ako nahe-hurt sa ganyang mga paratang, kasi siyempre andito tayo sa industriyang ito, na yung ganyang mga bagay, malaki. Pero sa katotohanan naman, sa totoong buhay, hindi naman talaga. Hindi na rin siguro ako magbibigay ng opinyon tungkol sa bagay na 'yan kasi alam ko naman ang totoo, alam ko ang lahat.

"Ako, I'm always thankful and grateful sa Faces kasi mula nang mawala ako sa Belo, they offered me to be part of their family, and I'm really happy sa mga services nila. Pero siguro, there would come a time, you will venture out, you will grow.

"I'm also going back to my original family. Ever since I was at GMA, I was always Belo, tapos kinuha ako ng Faces. Sabi ko, sige. Nagpaalam naman ako sa Belo at pinayagan naman nila ako.

"Hindi naman nila ako sinasabihan ng walang utang na loob. Actually, Belo had all the right to say those things. Kasi nagsisimula pa lang ako sa Eat Bulaga!, bago pa lang ako, kinuha na nila ako, wala pa ako sa kahit na anong shows, kinuha na nila ako," paliwanag ng ngayo'y ABS-CBN talent.

Lumabas din ang balita na hindi raw nagpaalam si Toni sa management ng Faces and Curves nang bumalik ito sa Belo. Nilinaw sa PEP.ph ng TV host-actress na wala siyang kontrata sa Faces.

"Yung pagbati ko ng 'I love you, Dra. Vicki Belo,' first time uli ako nagpa-thank you after I signed the contract [with Belo].

"Wala akong kontrata sa Faces and Curves, it's more of a mutual understanding on both parties. Siyempre minsan gusto mo rin naman i-legalize ang lahat. Sa Belo, may contract ako," paliwanag ni Toni.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers