Thursday, March 31, 2011

A Repost From Manila Bulletin



Arum gets Donaire back

MANILA, Philippines - Nonito Donaire rightfully belongs to Top Rank, and not with Golden Boy Boy Promotions (GBP).

Arbitrator Daniel Weinstein has ruled that Top Rank holds promotional rights over Donaire, a fast-rising world bantamweight champion who thought his contract with Bob Arum had already lapsed and he was free to sign with GBP.

GBP had made an announcement last March 16 saying the Los Angeles-based outfit has acquired Donaire, a claim that Arum immediately disputed during a recent trip in the country. Arum said his company continues to have a live contract with the 27-year-old holder of the World Boxing Council and World Boxing Organization 118-lb titles.

Weinstein's ruling should now pave the way for Top Rank to promote Donaire's next fight, tentatively set for May 28.

Topnotch lawyer Daniel Petrocelli, representing Top Rank, said: "We are pleased with Judge Weinstein's carefully considered decision.

Top Rank hopes it can put the lawyers and legal fight behind it and return to doing what it does best - promoting the most talented boxers and the most entertaining boxing matches in the world today."

In 2007, both Top Rank and GBP had an agreement that would allow Weinstein to intervene in their disputes after the two outfits fought over Manny Pacquiao.

Arum said that while Top Rank did not live up to the nine-fight pact with Donaire after signing him up in June 2008, Arum said there is a clause in their contract that would automatically extend it in the event the boxer is unable to fight because of medical reasons.

Arum said Donaire was twice prevented from fighting owing to injuries during the last three years, resulting in him getting only seven fights during the three-year period.

During a talk with reporters last week when Arum paid a visit to Pacquiao's training camp in Baguio, Arum said Donaire's wife, Rachel, should be blamed for all the brouhaha they're all in. Arum said that Top Rank has all the fighters Donaire need to become a superstar like Pacquiao.

Fighting under the Top Rank banner are Yuriorkis Gamboa, Juan Manuel Lopez and Guillermo Rigondeaux, while GBP only has the bantamweights.

"After he beats them, what's next for him?" Arum asked reporters, referring to the bantamweights that GBP has under contract.

Reposted From Manila Bulletin

Wednesday, March 30, 2011

A Repost From Glenda Villena of OMG! Philippine News Blog

Aga Muhlach now officially a ‘Kapatid’

Aga Muhlach (Jacqueline Timola, NPPA Images)

Aga Muhlach (Jacqueline Timola, NPPA Images)

TV5 has formally welcomed Aga Muhlach as its newest and certified Kapatid.

The contract signing was held on Wednesday, March 30, at TV5's corporate office at the Marajo Towers, Bonifacio Global City, Taguig City. A press conference at Anabelle's restaurant along Tomas Morato, Quezon City immediately followed to formally launch Aga as a Kapatid to members of the press.

Aga signed a three-year, non-exclusive contract with TV5. During the press conference, Aga revealed that he already has three programs line up. One of the projects may start in June, second may be in August or September and one may be launched next year. TV5 Head of Creative and Entertainment Production Perci Intalan added that Aga will apppear in an international franchise reality show.

TV5 had recently bought the rights to produce the local version of "The Amazing Race."

Reposted From Glenda Villena of OMG! Philippine News Blog

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Marian Rivera begins shooting for Panday 2 with Senator Bong Revilla

Nagsimula na ngayong araw, March 30, si Marian Rivera ng shooting niya sa Panday (Ikalawang Aklat). Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng co-star niyang si Senator Bong Revilla.

"Napakainit ng pagtanggap sa akin dito. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ko ito dahil sa dami ng schedule ko," bulalas ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Masaya naman si Senator Bong na siya mismo ang nag-welcome kay Marian nang dumating ang aktres sa set ng pelikula sa Baras, Rizal.

Sabi ng actor-politician, "Malaki ang pasasalamat ko na tinanggap ito ni Marian dahil tingin namin, hindi ito kumpleto kung wala siya. Siya lang ang nababagay sa role na ibinigay sa kanya sa Panday."

Gagampanan ni Marian ang papel ng isang dragon na isinumpa bilang tao.

Nilinaw ni Marian na wala na sa kanya yung napabalitang tampuhan nila ni Senator Bong noon. May haka-haka kasing nag-aalangan itong tanggapin ang Panday 2.

"Wala na yun. Dito na nga ako, e. Tapos na yun," sabi niya.

"Na-touch lang ako kay Kuya Bong. Nung nagkita kami ni Ate Lani [Mercado, Bong's wife], ipinakita ni Ate Lani sa akin ang text niya [Bong] na tanggapin ko na raw ito dahil hindi daw niya ako pababayaan dito. Heto nga, alagang-alaga ako dito," kuwento pa ni Marian.

Ang isa pang ikinatuwa ng aktres, halos mga kasamahan din daw niya sa Amaya ang nakakasama niya sa Panday. Ang Amaya ang upcoming epicserye ni Marian sa GMA-7.


"Nandito si Sheena [Halili], dito rin si Kuya Mon [Confiado], at pati mga crew—sila rin. Kasi si Direk Mac [Alejandre] din ang direktor namin kaya kampante na ako dito," saad niya.

DINGDONG-KRIS MOVIE. Ikinuwento rin ni Marian sa PEP na natuloy na ang meeting ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes kay Kris Aquino. Mukhang matutuloy na raw ang project na pagsasamahan ng dalawa at iku-co-produce nila.

Hindi pa raw alam ni Marian kung kailan ito sisimulan, pero sana matuloy na raw ito dahil matagal na raw itong pinaplano nina Dingdong at Kris.

Maaaring entry rin ang pelikula nina Dingdong at Kris sa 2011 Metro Manila Film Festival (MMFF). Okay lang ba kay Marian na magtapat sila ni Dingdong sa darating na filmfest?

"Ay, okay lang yun. Mas masaya pa yun!" sagot ni Marian.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Tuesday, March 29, 2011

A Repost From Ellen Tordesillas of Vera Files

CHR condemns ‘Willing Willie’ for child abuse

AP Photo/Aaron Favila


The Commission on Human Rights today strongly condemned the controversial March 12,2011 episode of "Willing Willie," saying it constituted child abuse.

In a statement, Chairperson Loretta Ann Rosales and Commissioner for Children Ma. Victoria Cardona said they will investigate the incident and recommend proper legal actions against those responsible for what they described as "an exploitation of the child's innocence and demeans his inherent dignity for entertainment's sake."

CHR said the "multiple pressures exerted on Jan-Jan by the TV program's host, audience, and his parents to perform a humiliating act in exchange for ten thousand pesos constitute child abuse as defined in Section 10 of R.A. No. 7610 or "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act."

The law provides that "any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child's development ..shall suffer the penalty of prision mayor in its minimum period."

"The willingness of Jan-Jan's parents to expose him, both in private and public, to a humiliating and degrading situation is child abuse. The Commission is also deeply alarmed that the abuse suffered by Jan-Jan was seen on national television and that its videos are being repeatedly watched by the public, including children," CHR said..

The Commission said they will investigate this incident in order to identify the person/s liable and to recommend proper legal actions against them.

The statement further said, "The Commission will also issue recommendations to relevant private, especially TV5, and public agencies in order to prevent similar incidents from happening again."

They called on relevant government offices such as the Movie and Television Review and Classification Board, the Department of Social Welfare and Development, and the Department of Justice to undertake the appropriate actions to address this incidence of child abuse and to provide the necessary relief to Jan-Jan.

Reposted From Ellen Tordesillas of Vera Files

Monday, March 28, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Toni Gonzaga does not mind if Ai-Ai delas Alas is crowned 2010 Box-Office Queen

Maraming mga tagahanga nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga ang nag-react nang lumabas ang balitang sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla na raw ang Box-Office Kings at si Ai-Ai delas Alas naman daw ang Box-Office Queen ng 2010. Ito ay para sa tagumpay diumano ng mga pelikulang Si Panday at Si Enteng Kabisote nina Vic at Senator Bong, at Ang Tanging Ina N'yong Lahat ni Ai-Ai.

Pero pinabulaanan ito ng pamunuan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI), ang organisasyong namamahagi ng taunang Box-Office Awards. Ayon sa kanila, hindi pa sila nagsasagawa ng botohan kung sino ang tatanghaling Box-Office King and Queen. (CLICK HERE to read related story.)

Sina John Lloyd at Toni ang mga bida sa pelikulang My Amnesia Girl, na ayon sa kanilang mga tagahanga ay higit na kumita kumpara raw sa mga pelikula nina Vic, Senator Bong, at Ai-Ai.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa set ng Happy, Yipee, Yehey! noong nakaraang linggo, hiningan namin siya ng reaksiyon sa posibilidad na hindi nga siya ang tanghaling Box-Office Queen.

May balita kasing pina-block na raw ng mga taga-Guillermo sa sked ni Ai-Ai ang May 8, ang araw kung kailan gaganapin ang awards night ng Box-Office Awards.

Ayon kay Toni, "Si Ate Ai-Ai naman talaga ang Box-Office Queen, hindi naman kailangan talagang kuwestyunin yun. Kahit sino naman talaga, hindi magpoprotesta dun.

"Ako, naiintindihan ko yung ibang mga fans na gusto nila yung idol nila yung makatanggap ng ganyang prestige, ng ganung karangalan. Other than that, me and my family, we're really happy sa magandang resulta ng My Amnesia Girl.

"We're not expecting anything beyond that. Kung ibibigay sa akin ang mga ganyang bagay, ibibigay, at kung hindi naman, I'm still thankful that I was given a chance to do a movie na kumita talaga. Hindi tayo nagpo-focus sa mga bagay na nakaka-stress sa atin.

"Magaan na ang loob ko sa ganyang mga pangyayari," patuloy niya. "It will not make an artist less of a person kung wala talagang ganun. Actually, yung ganyang mga recognition, it will inspire you to be better para galingan mo pa lalo ang craft mo."

Ang isa pang issue ay ang magulo raw na ruling ng GMMSFI pagdating sa cut-off ng Metro Manila Film Festival entries, gaya ng mga pelikula nina Vic, Senator Bong, at Ai-Ai.

Bagamat noong nakaraang taon nagbukas sa mga sinehan ang kanilang mga pelikula, umabot ngayong taon ang pagpapalabas nito kaya hindi matukoy kung saang taon ang kabuuang kita ng mga ito.

Ano ang masasabi ni Toni rito?

"Hindi ko alam... Actually, hindi ko na rin inalam 'yan," sagot niya. "May mga lumalapit nga sa akin, sinasabi sa akin 'yan.

"Sa akin naman, ayoko nang isipin 'yan kasi tapos na 'yan. Last year pa ang My Amnesia Girl, ayoko nang balikan. Ang importante, pinanood siya ng tao. Yun naman ang pinakamasarap na natatanggap ng isang artista—yung maramdaman mo na pinanood siya ng mga tao."

BELO ENDORSER? Isa rin sa isyung pinupukol kay Toni sa ngayon ay ang pag-alis nito sa beauty clinic na Faces and Curves at ang pagbati niya kay Dra. Vicki Belo ng "I love you."

Hudyat daw ito ng pagiging bagong endorser niya ng Belo Medical Group. Dahil dito, naparatangan si Toni na wala siyang utang na loob.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Ako, hindi na ako nahe-hurt sa ganyang mga paratang, kasi siyempre andito tayo sa industriyang ito, na yung ganyang mga bagay, malaki. Pero sa katotohanan naman, sa totoong buhay, hindi naman talaga. Hindi na rin siguro ako magbibigay ng opinyon tungkol sa bagay na 'yan kasi alam ko naman ang totoo, alam ko ang lahat.

"Ako, I'm always thankful and grateful sa Faces kasi mula nang mawala ako sa Belo, they offered me to be part of their family, and I'm really happy sa mga services nila. Pero siguro, there would come a time, you will venture out, you will grow.

"I'm also going back to my original family. Ever since I was at GMA, I was always Belo, tapos kinuha ako ng Faces. Sabi ko, sige. Nagpaalam naman ako sa Belo at pinayagan naman nila ako.

"Hindi naman nila ako sinasabihan ng walang utang na loob. Actually, Belo had all the right to say those things. Kasi nagsisimula pa lang ako sa Eat Bulaga!, bago pa lang ako, kinuha na nila ako, wala pa ako sa kahit na anong shows, kinuha na nila ako," paliwanag ng ngayo'y ABS-CBN talent.

Lumabas din ang balita na hindi raw nagpaalam si Toni sa management ng Faces and Curves nang bumalik ito sa Belo. Nilinaw sa PEP.ph ng TV host-actress na wala siyang kontrata sa Faces.

"Yung pagbati ko ng 'I love you, Dra. Vicki Belo,' first time uli ako nagpa-thank you after I signed the contract [with Belo].

"Wala akong kontrata sa Faces and Curves, it's more of a mutual understanding on both parties. Siyempre minsan gusto mo rin naman i-legalize ang lahat. Sa Belo, may contract ako," paliwanag ni Toni.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sunday, March 27, 2011

A Repost From Gorgy Rula of PEP (GMA News.TV)



PEP: Aljur Abrenica not courting Kylie Padilla

Ipinagdiwang ni Aljur Abrenica ang kanyang 21st birthday ngayong Huwebes, March 24. Balak daw ng kanyang ama na si Alfonso Abrenica Jr. na magkaroon ng konting handaan at mini-concert sa kanilang bar na Ichiban sa resort nito sa Batangas sa gabi.

"May mga ibang malalapit na kaibigan lang ang imbitado, pero bahala na ang daddy ko dun. Siguro kung marami ang darating, hindi lang mini-concert yun, baka marami na ang sasali," kuwento ng young actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

SPECIAL FRIEND. Isa raw sa espesyal kay Aljur na iimbitahin niya ay si Kylie Padilla, na patuloy pa ring nali-link sa kanya.

Kahit anong kulit namin kung ano na talaga ang namamagitan sa kanila ni Kylie, consistent pa rin ang sagot ni Aljur na "friends" lang daw talaga sila.

Pero aminado naman ang young actor na iba na ang closeness nila dahil madalas nga silang magkasama.

"Si Kylie kasi napalapit na sa akin at special siya sa akin. Special siyang kaibigan na, oo, totoo, lumalabas kami, nagkakasama kami, kumakain kami sa labas. Kumbaga, mas nag-e-enjoy lang kami ngayon sa company sa isa't isa," pahayag nito.

Minsan ay dumadalaw daw siya kay Kylie. Nagkakilala na raw sila ng ama nito na si Robin Padilla nang naimbitahan siya sa birthday party ng action star. Mabait naman daw ito sa kanya, pero hindi raw niya masabi kung boto ba ito sa kanya. Mabuting si Robin na lang daw ang tanungin.

May mga ilan pang kuwentong nakarating sa amin at nilinaw ng PEP kay Aljur kung totoo ba ito.

Sa mall show ng katatapos na primetime series ni Aljur na Machete sa SM Marilao, may nakakita raw kay Kylie na nandun. Ang duda ng karamihan ay kasama niya ito, pero hindi lang nagpakita sa mga kasamahan ni Aljur.

"Wala po," tanggi ni Aljur. "Wala naman, pag trabaho talaga, hindi kami nagkikita ni Kakay [tawag niya kay Kylie]. Pag trabaho kasi, busy din siya. May mga workshop siya, nagdyi- gym pa siya, may mga lessons siyang pinag-aaralan siyempre. Nagma- martial [arts] din siya... Yung mga trabaho namin, pag trabaho, walang sumasama."

Itinatanggi rin ng young actor na nanliligaw siya kay Kylie. Pero aminado siyang isa ito sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

"Basta, masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, sa mga blessings na dumarating," pakli nito.

Pero in love ba siyang ngayon?

"Hindi ko masabing in love talaga, e, pero tingnan natn. Hindi ko masabi talaga, e. Sasabihin ko naman sa inyo," sagot ni Aljur.

"Inspired, oo! Yun ang tama, inspired ako," dagdag pa nito.

Isa ba si Kylie sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya?

"Isa na rin siya sa nagbibigay inspirasyon sa akin ngayon," mabilis na sagot ni Aljur.

BELA PADILLA. Ang isa pang conflict sa kuwentong ito, inamin din ni Bela Padilla na crush niya si Aljur.

Nakausap ng PEP si Bela sa Thanksgiving mass para sa Machete na ginanap sa Studio 1 ng GMA 7 nitong Miyerkules, March 23. Tinanong namin si Bela sa isyung na-develop na raw ito sa leading man niya sa Machete.

"Actually, hindi ko alam, e. Na kay Aljur 'yan. Hahaha!" tawa niya. "Hindi ko alam, nakikita ko naman sa kanya mabait siya. Parang yung traits na hinahanap ko naman sa isang guy, na kay Aljur naman. Nagkakasundo naman kami.

"Let's see. Masyadong maiksi yung eight weeks para may ma-develop, parang maiksi sa akin. Gusto ko mga one year akong liligawan!" tawa niya ulit.

Dagdag niya, "Hindi mo naman madi-deny na sobra talagang guwapo ni Aljur at ang ganda-ganda ng katawan niya. Kahit sino naman magkaka-crush sa kanya. Oo, crush ko si Aljur, pero hangang dun lang yun. Hahaha!"

Ipinarating namin kay Aljur ang pag-amin ni Bela na crush siya at matagal bago ito nakasagot.

"Umamin si Bela?" tanong sa amin ni Aljur. "Naging crush ko rin naman siya at nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na crush niya rin pala ako," dagdag niyang sagot na parang nahihiya pa dahil namumula na ito.

"Kumbaga, nai-enjoy namin yung company ng isa't isa. Sa totoo lang, basta may mga sikreto kami. Hahaha! Dahil dun, yung friendship namin, mas lumalim pa talaga.

"Si Bela sobrang tapat, totoong tao, honest siya. Nagpapasalamat ako sa kanya, thankful ako kay Bela, kasi yung tiwala niya sa akin, nandun, e, yung binigay niya sa akin."

Hindi na na ibinahagi ni Aljur sa amin kung ano yung secret nila ni Bela. Ayaw din kaming sagutin kung si Kylie—na kamag-anak ni Bela—ang sinasabi nilang "secret"? - Gorgy Rula, PEP

Reposted From Gorgy Rula of PEP (GMA News.TV)

Saturday, March 26, 2011

A Repost From PEP (GMA News.TV)


PEP: Lovi Poe talks about dating again

Naging kapansin-pansin ang outfit ni Lovi Poe sa press preview cum press conference ng Captain Barbell sa Cinema 2 ng SM The Block nitong Huwebes ng gabi, March 24. Bukod-tanging siya lang kasi ang hindi naka-gown, pero medyo daring ang kanyang almost see-through blue dress.

"I love this dress and I love the girl who actually made this dress for me," sabi ni Lovi nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Ang nag-design ng kanyang kasuotan ay si Charina Sarte.

Sa question-and-answer portion during the presscon proper ay nasabi ni Lovi na her dress means she's "open and can date anyone."

Nang tanungin naman namin siya sa naturang statement, natatawang tila may pag-iwas na ito sa pag-elaborate ng naging statement niya.

"Sinabi ko ba yun? I don't know what to say. I'll just smile na lang. I don't know what to say. It started lang sa dress ko, biglang.... I don't know!" natatawa niyang sabi.

Sa seryosohang tanong, free na ba siya to date anyone?

"I don't know what to say. All I can say is that I'm young and I just want to enjoy life. So, I'm just here to enjoy. I don't wanna say anything.

"I don't wanna answer because when you guys asked me if I'm in a relationship, I never answered yes or no. So, I'll do the same thing. So, yun, bahala na kayo. It's up to you guys," medyo hindi malinaw na sagot ng 22-year-old actress.

Masaya ba siya ngayon?

"You know, I'm definitely happy with all the things that's happening in my life. My career is doing great. I have these really good people around me. So, I can't ask for anything more. I mean, I can't complain naman."

Dagdag niya, "I think, it's really good to love yourself first. I think it's time for me to love myself."

Natawa naman si Lovi nang sabihin sa kanya na posibleng mas masaya ang mommy niya ngayong minamahal niya ang kanyang sarili.

"Of course, my mom is really happy for me with what's happening, what's going on with my life now. I mean, it seldom happens to a lot of people, and I'm just...for me to be blessed.

"Yun ang itinuro sa akin ng mommy ko, na kailangan mong ma-appreciate ang lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa 'yo. I'm working a lot now, enjoy myself more," sabi ni Lovi.

Nangangahulugan ba ito na wala munang lovelife para sa kanya?

"You know, I don't say it. I'm just here to enjoy, and nothing first," sagot niya.

Pero is she dating?

"About dating, I don't know. Pero, yeah, I just actually... I'll be working lang talaga now. I cannot say I will not do this or not, trabaho lang talaga, kasi nag-e-enjoy talaga 'ko.

"Sunud-sunod din ang trabaho ko ngayon, ayoko namang pakawalan pa. Wala na akong time mag-isip. Wala na akong time sa ibang tao. So, trabaho lang."

May naging trauma ba sa kanya ang past relationship niya?
"No naman, it's just training—training to more crazy things to come!" sabi niya.

Pero agad ding binawi ni Lovi ang kanyang sinabi. "Just joking. Crazy naman because you can be crazy naman when you're happy."

Ang huling relasyon ni Lovi, sa pagkakaalam ng publiko, ay kay Ronald Singson, na nag-resign na bilang miyembro ng Kongreso matapos itong ma-convict ng Hongkong court sa drug case laban sa kaniya. Si Ronald ay nahulihan ng drugs pagpasok nito sa Hongkong at ngayon ay nakakulong duon.

Ngayong nasabi ni Lovi na she's open to going out on dates, posibleng marami ang mag-apply. Nakahanda na ba siya?

"I don't know. For sure, walang mag-a-apply. I don't feel it talaga. Hindi naman ako ligawin. Hindi naman talaga ako ligawin," sabi niya.

TEMPTATION ISLAND. Natutuwa naman si Lovi na muling bumalik si Heart Evangelista bilang isa sa cast ng remake ng pelikulang Temptation Island.

"I'm very happy. I'm very happy that she's part again of Temptation Island because Heart and I are really close. We're really good friends and it's actually fun working with good friends, masaya talaga," sabi niya.

Yung dapat na role ni Heart na inayawan nito ay napunta na kay Lovi, kung kaya't nagpalit na sila ng characters.

"Yeah, yeah. I think, she's not comfortable with the scene. It's fine naman with me because I love to do something different. "

Ilang parts pa lang daw ng original Temptation Island ang napapanood ni Lovi, pero excited na raw siya to shoot the movie.

Makakasama nina Lovi at Heart sa Temptation Island sina Marian Rivera, Solenn Heussaff, Rufa Mae Quinto, Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Tom Rodriguez, at John Lapus. - Rose Garcia, PEP

Reposted From PEP Thru GMA News.TV

Friday, March 25, 2011

A Repost From Karen A. Pagsolingan of PEP (GMA News.TV)

PEP: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo break up

Almost a year after actor Dennis Trillo declared his love for actress Jennylyn Mercado, the handsome couple have parted ways.

Popoy Caritativo, Dennis's manager, confirmed the news when PEP (Philippine Entertainment Portal) rang him at 10:04 Thursday night, March 24. He said, "Sa mga mag-boyfriend at mag-girlfriend, maaari namang mangyari talaga na maghiwalay, di ba?"

But he refused to elaborate, saying, "Hindi magsasalita yun si Dennis. Kahit nuon naman, di ba? Napaka-ungentleman naman kasi sa guy na magkwento, di ba?" Popoy is referring to Dennis's past controversial romances with beauty queen Carlene Aguilar (with whom he has a son) and sexy star Cristine Reyes.

Meantime, PEP contributor Roldan Castro has sent several messages to Jennlyn's manager, Becky Aguila, asking for confirmation about the parting of ways of the two stars who captured the public's imagination a year back when they, both single parents with sons with past partners, fell in love with each other. The messages were sent last night and this morning.

The information that the two have already been separated for weeks now comes from someone who is a friend to both stars and who believes there is no reason for the public not to know that the two are now free to be with other partners. The source adds, however, that whether one, or both, of the stars will want to get back together is up in the air.

A "SMALL AND MABABAW" FIGHT. The source says that a terrible fight several weeks back led to the breakup. The fight started as "small and mababaw," the source adds, but it apparently brought out the worst in both stars, who ended up hurling hurtful words at each other before angrily stomping out of each other's lives.

The initial information coming in also says that the fight that spelled the end for the relationship had to do with Dennis being "may pagka-seloso" and Jennlyn being "may pagka-immature."

In a jealous fit, Dennis is said to have cursed and humiliated Jen. According to the PEP source, the actor/singer seems to have had a long-standing issue with Patrick Garcia, the father of Jen's only son, still being a presence in Jen's life.

The PEP source explains that Dennis—although Jen has credited him publicly with making her reconciliation with Patrick possible—resented the continuing connection between the two. In the source's words: "Ang panghihiram ng bata is a big isyu pala with him."

On Jen's part, during the fight the 23-year-old StarStruck "first female survivor" was also losing her temper badly, cursing him, and fighting back. At one point, Jen is said to have physically hit the 29-year-old award-winning actor.

The same initial information also says that the actor, already heated up by the actress's behavior at the start of the fight, retaliated by cursing her some more, shouting at her to get out of the house, and making certain she got out the door.

According to the PEP source, the words he let loose on her were such "that anyone hearing it would have crumbled. Sakit sobra."

This morning, PEP associate editor Erwin Santiago followed up Popoy Caritativo with calls and text messages to get his client's reaction to the statements made by the PEP source. At press time, Popoy has not responded.

JENNYLYN'S STATEMENT. Today (Friday, March 25), at 12:30 in the afternoon, PEP contributor Roldan Castro received this text message from Becky Aguila, Jen's manager. The "final official statement" goes [published as is]:

"Yes, it's true. Jen nd dennis broke off last mar 5. It is unfortunate but it can happen to anyone. Jen is heartbroken but she knows she has to move on, not only for herself but also for jazz's [her son] sake. She could use ol d support nd understanding she needs. She's still trying to cope up wid d pain she is going thru and needs time alone. She's hoping to work at d soonest possible time as this will help her forget." - Karen A. Pagsolingan, PEP

Reposted From Karen A. Pagsolingan of PEP (GMA News.TV)

Thursday, March 24, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Kris Aquino's The Price is Right to change airing schedule

Mawawala na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang The Price is Right ni Kris Aquino.



Ang balitang ito ang kinumpirma ng source ng PEP ngayong araw, March 24.



Noong simula pa lang ng linggong ito ay umiikot na ang usap-usapan na magiging once a week na lang ang game show ni Kris, na napapanood bago ang TV Patrol. Mababa raw kasi ang ratings nito.



Ayon pa sa usap-usapan, nagalit raw si Kris nang ipaalam sa kanya ang pagbabagong ito.



Sa kumpirmasyon na ipinadala ni Kane Choa, PR director sa ABS-CBN, sinabi nitong hindi tuluyang mawawala sa ere ang The Price is Right, at lilipat lang ito sa Sabado.



Ang remake ng Mula sa Puso raw ang papalit sa weekday primetime schedule ng game show.



Ito ang buong pahayag ni Kane, na ipinadala sa PEP sa pamamagitan ng text message:



"Kris Aquino announced yesterday on The Price is Right that the game show will air every Saturday. We had a presscon earlier for Mula sa Puso... We announced that [it] will air 6 p.m. before TV Patrol."



Inaabangan naman ng PEP kung totoo ang balitang nagalit umano ang TV host at actress sa pagbago ng araw at time slot ng kanyang game show.

Bago ang The Price is Right, naging host na si Kris ng ilang game show, tulad ng Game KNB?, Kapamilya Deal or No Deal, at Pinoy Bingo Night. Lahat ng ito ay ipinalabas sa weekdays.

Naging host si Kris ng Game KNB? mula 2001 hanggang 2007. Naka-tatlong season naman ang Kapamilya Deal or No Deal mula 2006 hanggang 2009. March to June 2009 naman ang airing run ng Pinoy Bingo Night.

Samantala, noong February 5 nag-premiere ang The Price is Right.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Wednesday, March 23, 2011

A Repost From Chuck Smith

Rising comedian Tomas Gonzales found dead

Tomas Gonzales II (Courtesy of GMA Network)

Tomas Gonzales II (Courtesy of GMA Network)

Stand-up comedian Tomas Gonzales II was found dead in his room Monday night.

According to a report from "24 Oras" aired on Tuesday, March 22, Tomas died of a heart attack.

Tomas got his break as a mainstay in the GMA-7 primetime series "Beauty Queen," as Zuleyka Mamaril, the feisty personal assistant of the Rivases (Katrina Halili and Maggie Wilson). He was also part of the regular cast of the weekly show "Comedy Bar" also on GMA-7 until his death.

Tomas was supposed to have a show at The Library Bar on Tuesday but the scheduled program was turned into a tribute and benefit show for the stand-up comedian.

His remains lie in state at the Galang Memorial Homes in Makati City.

Reposted From Chuck Smith

Tuesday, March 22, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Liezl

Queenie


Kylie

Liezl Sicangco wants daughters Queenie and Kylie Padilla to return to Muslim faith

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 22, ng text message mula kay Liezl Sicangco na may kahilingan para sa kanyang dalawang anak na sina Queenie at Kylie Padilla.

Nasa Australia si Liezl samantalang parehong nasa Pilipinas ngayon ang mga anak nila ng dati niyang asawa na si Robin Padilla.

Ayon kay Liezl, "Gusto ko lang sana iparating sa dalawa kong anak, Kylie at Queenie, na bumalik na sila sa pagka-Muslim. Sa nakikita ko kasi, hindi nakakabuti sa mga anak ko ang pag-aartista kung di rin naman sila nakakasunod sa kagustuhan ng Panginoong Allah.

"Inaamin ko hindi po ako perfect na tao, bumalik lang ang faith ko two months ago. Mahirap po talaga na wala ang Panginoon sa buhay ng tao. Sana magtuluy-tuloy na ang aking pananampalataya. God willing..."

Ayaw naman nang magsalita ni Liezl kung ano ang mga reklamo nito sa mga nakikita niya sa dalawa niyang dalagang anak dahil baka isipin pa raw ni Robin na nakikigulo siya sa promo ng pelikula nila ni Mariel Rodriguez na Tum, My Pledge of Love.

Kaya raw nagpadala si Liezl ng ganung text message dahil nag-aalala na siya sa nakikita sa mga anak niya.

"Mabuti pa dati nung Muslim sila, hindi ko nakikitang naka-mini-skirt sila. Hindi ko na kasi nagustuhan ang ayos nila ngayon," bahagi ng pahayag ni Leizel nang nakausap namin siya sa telepono.

Matagal na raw niyang hindi nakakausap si Kylie, pero si Queenie ay madalas naman daw tumatawag sa kanya.

Aware din daw si Liezl sa pagkaka-link ni Kylie kay Aljur Abrenica. Wala naman daw siyang tutol kung tatanggap na ng manliligaw ang anak dahil 18 na raw ito.

Pero sana raw ay huwag naman masyadong magmamadali si Kylie dahil bata pa ito.

Sana raw ay makausap din daw niya ito para mapayuhan naman niya pagdating sa pagtanggap ng manliligaw.

Ang inaalala lang ni Liezl ay parang ang laki na raw ng ipinagbago ng ayos ng mga dalaga niya.

Dahil daw sa mga trahedyang nangyayari, sana raw ay magbalik-loob na ang dalawang anak niya at hindi iyung mga nababalitaan niya at nakikita sa TV.

Hindi pa nakausap ng PEP si Kylie, pero ipinarating namin sa manager niyang si Betchay Vidanes ang pahayag ni Liezl. Naintindihan naman daw niya ang ipinag-aalala ni Liezl kaya kakausapin daw niya si Kylie.

Napapabalita na rin kasing madalas na nakikitang magkasama sina Kylie at Aljur, pero ganun pa rin naman ang sagot nila—na magkaibigan lang daw talaga sila.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Monday, March 21, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Heart Evangelista's rest house in Cavite razed by fire

Naging emosyonal si Heart Evangelista nang malaman niyang nasunog ang rest house nila sa Carmona, Cavite noong Sabado, March 19.

Kasalukuyang nasa Bacolod si Heart para sa mall show ng cast ng Dwarfina nang matanggap niya ang balitang nasunog ang kanilang bahay sa Cavite.

Bagamat naging emosyonal siya sa backstage ay hindi niya ito pinahalata nang tumuntong na siya sa stage.

Sa airport pabalik ng Maynila, hindi na naitago ni Heart ang kanyang pagkabalisa.

Sinubukan ng Showbiz Central na kunin ang panig ni Heart subalit pinili niya munang huwag magsalita tungkol sa insidente.

May official statement naman na ipinahatid ang ina at manager ni Heart na si Mrs. Cecilia Ongpauco sa Showbiz Central.

Narito ang nilalaman nito:

"Thanks to all the loyal fans of Heart for their unfailing support in these trying times. We are proud that Heart was able to show how, despite what happened, she could still be professional enough to finish her work while our home was on fire."

Sa pamamagitan naman ng Twitter ay pinuri niya ang kanyang ama dahil sa pagliligtas nito sa kanilang mga aso.

Aniya, "My father has the biggest heart. He saved all 12 dogs instead of getting his things. We may not have it all, but together we will have it all."

Samantala, tuloy na si Heart bilang isa sa cast members ng remake ng Temptation Island, taliwas sa nabalitang tuluyan na siyang nag-backout sa pelikula. Siya ang gaganap sa role noon ni Dina Bonnevie.

Makakasama niya rito sina Marian Rivera (sa role ni Azenith Briones), Lovi Poe (sa role ni Jennifer Cortez), Solenn Heussaff (sa role ni Bambi Arambulo), at Rufa Mae Quinto (sa papel noon ni Deborah Sun). Kasama rin sa cast si John "Sweet" Lapus.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Sunday, March 20, 2011

A Repost From AFP



Philippine military rocked by new 'torture' video

The Philippine military was rocked Sunday by a fresh "torture" video purporting to show troops abusing trainees as it moved to cleanse its ranks of rogue soldiers.

The 14-minute video uploaded on Youtube showed soldiers beating a group of young recruits using ropes and sticks as loud screams could be heard in the background.

The military admitted the video was taken during an "escape and evasion" training exercise three years ago in eastern Bicol region, but stressed the painful hazing had already been outlawed and was a "thing of the past."

"The escape and evasion exercise used to be part of the military training wherein the 'captive soldiers' are subjected to simulated physical pains endured during their captivity," said regional army spokesman Major Harold Cabunoc.

The video, he said, was allegedly uploaded by a group which is a known front for communist guerrillas.

He said trainers who acted as opposing forces were only authorised to threaten the trainees with force but not subject them to real harm.

In most cases, he said, the trainees were only blindfolded as they were made to listen to their colleagues faking torture screams in a bid to scare them.

"In the so-called torture video posted in the Internet, some trainers were seen beating the captives with ropes and small sticks," he admitted.

"This is unacceptable because undue harm is already inflicted on the soldier."

He said the training was later scrapped because it proved to be "counter-productive."

The video came a month after military authorities launched an investigation into a purported video of Marines beating up four captives as they moaned in pain in a coconut grove somewhere in the southern Philippines.

In the video, which was widely circulated on Facebook, the troops could be seen kicking the men in the head and back as they lay defenceless, blindfolded and with their hands tied behind their backs.

One soldier could be heard saying: "Let's butcher these sons of bitches elsewhere, we might have trouble carrying them."

Reposted From AFP

Friday, March 18, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Valerie Concepcion gives her all in love scene with Richard Gomez

Maituturing na "very daring" ang love scene nina Valerie Concepcion at Richard Gomez sa trailer ng bagong dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa presscon ng naturang dramserye sa Teatrino Greenhills kagabi, March 15, sabi ni Valerie tungkol sa kanyang character, "I'm playing the role of Violet. Ako ang star ng network nina Mr. D, si Sir Ipe [Phillip Salvador] at Mr. Richard Gomez. At dahil ako ang star, kabit ako ni Mr. Gomez. Yun ang sikreto kung bakit ako naging star ng network.

"But then, there's no other way for a star but to fall down. So, palaos na ako at ang papalit sa puwesto ko, si Carla [Humphries]. So, kaming dalawa yung palaging may showdown dito, kaming dalawa yung palaging naglalabanan ng stardom. So, fun, exciting, challenging."

Ayon kay Valerie, "bigay-todo" siya sa love scene nila ni Goma (palayaw ni Richard).

"Siyempre, Richard Gomez 'yan, di ba? So, binigay-todo ko talaga. E, kasi, nakuhanan na namin. So, talagang todo-todo, walang inhibition!

"Pati sila Direk Jon Red, nagulat. Sabi ni Ate Ruffa [Gutierrez], papasa ba 'yan sa MTRCB?' Gano'n ang reaction niya. Super kissing scene, as in super sexy ng love scene namin!" saad pa ni Valerie.

Sabi pa ni Valerie, nang tanggapin niya ang soap ay hindi naman daw siya na-brief masyado na super-sexy pala ang gagawin niya.

Pero sabi niya, "Noong nandoon na, siyempre tinanggap ko ang project na ito at ngayon na lang din ako magso-soap after ng hosting. So, feeling ko, marami akong dapat i-catch up when it comes to acting kaya I'm giving my all."

Malaking bagay ba na si Richard ang ka-love scene niya kaya siya pumayag na gawin ang naturang eksena?

"Yes!" natatawa niyang pag-amin. "Kasi actually, from the very start naman, yun naman ang sinabi na character ko, na meron akong love scene, kissing scene kay Richard Gomez. So, noong malaman ko yun, yung manager ko, pumayag. 'O, sige, Richard Gomez 'yan.'

"E, ako naman, basta may trabaho tayo, di ba? Choosy pa ba naman ako, e, Richard Gomez na yun!"

SWITCHING CHANNELS. Identified si Valerie bilang isang Kapamilya star. Kaya marami ang nagulat na gumagawa na siya ng primetime soap sa Kapatid network. Pero nilinaw ni Valerie na hindi siya exclusive star ng TV5.

"Actually, I'm gonna do a soap in ABS. Freelancer po ako," banggit niya.

Paano niya nagawang magpalipat-lipat ng network gayong mahigpit ngayon ang ibang networks sa pagpapahiram ng kanilang talents?

Paliwanag ni Valerie, "Actually, kasi po, yung role ko rito [Mga Nagbabagang Bulaklak], ang alam ko, sandali lang. It's like for a month lang kaya pinayagan po ako ng ABS.

"Wala rin naman po akong network contract sa ABS. Pero courtesy lang din po, nagpapaalam kami ng mga projects na tatanggapin namin dito sa TV5. And, of course, I'm thankful naman sa ABS dahil pinayagan po nila ko rito."

Hindi naman masabi ni Valerie kung ano at sino ang iba pang makakasama niya sa primetime series na ginagawa niya sa ABS-CBN. Bawal pa raw sabihin at minsan nga raw ay nawarningan na siya.

"Noong twineet ko kung sino ang mga kasama ko, napagalitan ako. Hindi raw po puwede!" natatawa niyang kuwento.

BACK AS WILLIE'S CO-HOST? Nilinaw naman ni Valerie ang usap-usapan na makakasama na siyang muli ni Willie Revillame bilang co-host sa programa nitong Willing Willie kaya nakikita na siya sa Kapatid network ngayon. Dating magkasama ang dalawa sa defunct ABS-CBN noontime show na Wowowee.

"Wala naman pong talagang usapan na nalilipat," sabi niya. "There's rumor kasi siguro, parehong natatanong, but there wasn't really na...umabot sa negosasyon or formal talaga."

Pero may offer ba siya?

"Hindi rin naman po...hindi ko nga rin po alam. Pero feeling ko, haka-haka lang din po," sagot niya.

Personally, naghihintay rin ba siya ng offer from Willie?

"No naman po. Hindi naman po ako nag-e-expect na kukunin ako sa Willing Willie or anything," ani Valerie.

Kung sakaling kunin siya sa Willing Willie bilang co-host, papayag ba siya?

"Manager pa rin naman po yung nag-aano ng career path ko. Sa ngayon po, medyo drama po ang tinatahak natin.

"Pero ako, personally, siyempre trabaho po 'yan, may anak po ako. So, okay ako. Okay ako...

"Pero siguro, ang mga dapat ko rin i-consider... I don't know, kasi hindi ko rin naman alam kung gusto ako ni Kuya Willie. Parang ako naman ang nag-offer ng sarili ko, di ba?" sabi niya.

Ayon kay Valerie, wala pang pagkakataon na magkita sila ni Willie simula nang mawala ito sa ABS-CBN.

"I'm texting him, pero hindi siya nagre-reply. I don't know if I have the right number kasi nagpalit daw po ng number."

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Thursday, March 17, 2011

A Repost From Manila Bulletin


Martinez overshadows Pacquiao

MANILA, Philippines - Even though Manny Pacquiao had another sterling year in 2010, the Boxing Writers Association of America (BWAA) said the year simply belonged to Sergio Martinez of Argentina.

Martinez, like Pacquiao, lit up the ring with fistic fireworks, beating Kelly Pavlik and Paul Williams, a win that saw Williams falling like a tree, unconscious, after being struck to the jaw with a Martinez left.

The Gensan hitman scored landmark wins over Joshua Clottey and Antonio Margarito but these were not enough to earn the nod of BWAA.

This is the first time that Martinez will be receiving the coveted award, while Pacquiao has been accorded the distinction three times (2006, 2008 and 2009) by the BWAA.

As a consolation to Pacquiao, the beloved Freddie Roach, was named the recipient of the Trainer of the Year for the third straight time and fifth overall.

The BWAA is holding its annual banquet in Las Vegas on May 6, the eve of Pacquiao's welterweight title clash with Shane Mosley at the MGM Grand.

Despite Martinez's impressive run, the major publications and other sites that maintain pound-for-pound rankings, continue to list Pacquiao as the world's best on the strength of his victories over marquee names through the years.

Reposted From Manila Bulletin

Wednesday, March 16, 2011

A Repost From SPOT



Azkals' "sluggish" game due to sub-zero weather, analysts say

Post-match discussion on Studio 23


Football analysts said the sub-zero temperature in Ulan Bator, which got as low as minus 12 degrees Celsius, played a factor in the Azkals' "sluggish" game yesterday where they lost to Mongolia, 1-2.

ABS-CBN News quoted Miriam Benitez, three-time Most Valuable Player in the UAAP women's football tournament, as saying, "In the first half, you saw that they were sluggish. In the second half, I think Mongolia also started to slow down... The Azkals were moving but not as fast as the way we saw them in Bacolod." The Philippine team beat Mongolia, 2-0, when they played last month in the first leg of the Asian Football Confederation Challenge Cup qualifier at the Panaad Stadium in Bacolod.

Kaya Football Club's Rudy del Rosario and UAAP men's football defender Paolo Buendia noted that the Azkals got better in the second half, reports ABS-CBN News. Del Rosario said, "We were attacking more (and) we had more chances in goals. Some decisions they made weren't the best (ones) but still, we got the results we wanted."

Azkals defender Aly Borromeo told Inquirer.net, "Definitely the conditions took a toll on us... Our reaction time was a split second later." Meanwhile, Azkals Coach Hans Michael Weiss said, "The performance of the team should also be judged based on the harsh conditions here. It's difficult when there's a 50-degree difference in the weather you are used to playing in."

Team manager Dan Palami told Inquirer.net, "We would have wanted to win the game but to have survived under these extreme conditions, we should congratulate our boys. We must now focus on the group stage in Myanmar." Because of the Azkals' 3-2 goal aggregate, the total score of the two matches against Mongolia, they will move on to the qualifying tournament in Myanmar that starts March 21.

Aly Borromeo and Phil and James Younghusband talk to 24 Oras after the match.

Reposted From SPOT



Followers