Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Saturday, April 10, 2010
NAKAKALITO
NAKAKALITO! Ito ang nadarama nang mga botante sa Pinas ngayon na isang buwan na lamang at eleksyon na. Suriin natin ang mga kwalipikasyon nang mga kandidato para magkaroon tayo nang inteligenteng basehan sa pagboto.
1. De Los Reyes- Walang kapaga pagasang manalo. Lumilitaw na panggulo na lamang.
2. Villar- Maraming ibinabato na issues sa kanya katulad nang C-5 road at over spending sa pangangampanya. Pero sa tingin ko, siya ang may pinakamalaking pagasa sa pagangat nang bansa dahil sa karanasan niya na lehitimong mahirap na naging bilyonario. Malawak na rin ang karanasan niya bilang Speaker of the House at Senate President. Magiging one on one ang laban nila ni Aquino sa pagka presidente.
3. Estrada- Nahatulan na siya nang pandarambong at pinatawad lang. Kung nagnakaw siya nuon, magnanakaw pa lalo siya kung siya ang muling mauupo.
4. Villanueva- Sa lahat nang kandidato ngayon ay siya ang may pinakamalinis na kalooban bilang isang lingkod nang Diyos, pero katulad din nuong 2006 ay hindi rin siya mananalo ngayon.
5. Aquino - Ang pinakamabigat na katunggali ni Villar sa pagka Pangulo. Walang karanasan katulad nang kanyang ina nuon. Bago namatay si dating Pangulong Cory ay ni hindi nababanggit ang pangalan niya na seryosong kandidato. Walang matibay na pruweba na magiging magaling na Pangulo kung walang makabuluhang naipakita nuong siya ay kongresista at senador. Magaaral pa siya sa pamamahala katulad nang ina niya nuon.
6. Gordon - Isa ring kalidad na kandiato at me pruweba na sa Subic na napaunlad niya nuong umalis ang mga Amerikano. Subalit nasa ilalim din siya nang surveys at malabong manalo.
7. Teodoro - Maaaring siya ang pinakakwalipikadong kandidato dahil dating bar topnotcher pero nasa ilalim din nang survey at apektado nang kanyang relasyon sa kasalukuyang nanunungkulan.
8. Madrigal- Tumakbo lang para patuloy na sirain ang kandidatura ni Villar. Hindi seryosong kandidato at kulelat sa survey.
Sa makatuwid ang ating pagpipilian ay sa pagitan ni Villar at Aquino na lamang. Katulad nga nang sinabi ko ay wala pang pruweba si Aquino kundi ang maging anak ni Ninoy at Cory samantalang si Villar ay napatunayan na ang tamang pormula sa pagahon sa kahirapan. Wala namang malinis na politiko. Lahat ay nababahiran nang maling pananaw nang Filipino sa politika sa bansa. Si Ramos ay hindi busilak na malinis pero napaangat niya ang ekonomiya nang Pilipinas. Ang kailangan natin ay katulad niya na paaangatin din ang Pilipinas at iaahon sa kahirapan ang mga Pilipino na hindi talamakang magungurakot katulad nang kasalukuyang nakaupo. Kaya ang iboboto ko eh si VILLAR.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Check...Villar din ako.
ReplyDeleteHi Glampinoy,
ReplyDeleteAko ay naniniwala na ang poder (power) ay hindi namamana katulad nang mga hari at reyna nuong unang panahon. Ito ay pinaghihirapan at ipinupundar. Ano na ang nagawa at naipundar ni Noynoy para pagkatiwalaan siya nang mga Pilipino para ihalal siya bilang pangulo. Baka maulit na naman ang kultura nang apat na oras na brownouts araw araw dahil sa kawalan nang kaalaman at ekspiriyensa ni Noynoy. Mahal ko si Cory dahil siya ang naging dahilan nang pagkakapatalsik kay Marcos at pagbawi nang demokrasya sa Pilipinas, pero hindi siya naging effective na presidente nuon dahil ang nasa isip niya ay puot at galit sa mga Marcoses kaya hindi niya itinuloy ang magagandang proyekto ni Marcos na nakasalang na sa plano nang gobyerno at si Ramos nga ang nakinabang nang lahat nang magagandang planong ito. Baka pag si Noynoy na ang nakaupo ay ibasura na lang niya ang mga plano nang gobyernong Arroyo lalo na sa larangan nang ekonomiya at maghirap na naman tayo habang pinagaaralan pa lang niya ang kalakaran sa gobyerno. Salamat sa dalaw at komento. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
si gordon ang iboboto ko kahit na sa survey ay di sya nasa top 5. wala sya sa survey kasi wala syang pambayad sa ads katulad ni manny villar.
ReplyDeletekahit anong mangyari sya ang iboboto ko dahil may prinsipyo ako.
http://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded#!
Hi Snappy Sparrow,
ReplyDeleteI respect your viewpoint on this matter. Thanks for your visit and comments. God bless.