Noynoy Aquino, leader of the pack
Manny Villar- Strong second, trying to catch up
Erap Estrada- Last try for the presidency
Gibo Teodoro- Unsung Hero- Suffering from fallout
from association with PGMA
Malapit na po ang eleksyon at katulad nang mga nakaraang eleksyon ay lumilipad na naman sa paligid ang batuhan nang putik o black propaganda. Suriin natin ang mga black propaganda na ito.
1. Noynoy Aquino-
a) Dumaan daw sa psychiatric test sa Ateneo de Manila- Napatunayan naman na huwad ang pirma nang naglabas kuno nang psychiatric test na ito. Obviously black propaganda lamang ito.
b) Nakinabang daw ang mga Aquino sa pagkakagawa nang SCTEX- Walang matibay na pruweba na nakinabang nga sila dito at walang kinalaman si Noynoy sa pagkakaapruba nang proyektong ito.
c) Hacienda Luisita Massacre at Hindi Pagkakasama nang Hacienda Luisita sa CARP - Wala ring matibay na pruweba na sangkot si Noynoy sa massacre nang magsasaka sa Hacienda Luisita at sa hindi pagkakasama nang Hacienda Luisita sa CARP.
2. Manny Villar-
a) Nakinabang daw at inimpluwensiyahan ni Manny Villar ang SLEX para dumaan sa kanyang mga subdivision nuong siya ay Senate president pa- Wala ring matibay na ebidensiya sa paratang na ito. Ang nagpapatupad nang paggawa nang SLEX ay ang DPWH na nasa sangay nang ehekutibo at walang kapangyarihan si Villar na diktahan ang mga tauhan nito. Hindi lang si Villar ang nakinabang sa SLEX extension na ito kundi si Mike Velarde nang El Shaddai at Henry Sy nang SM na ang mga lupain ay dinaanan din nang nasabing road extension.
b) Napakalaki na daw nang nagagastos ni Manny Villar sa kampanyang ito at siguradong babawiin niya ang nagastos niya kapag siya ay nahalal nang pangulo. - Ito ay haka haka lamang at walang matibay na basehan. Sabi niya ay gusto niyang wakasan ang kahirapan nang mga mahihirap at duon siya huhusgahan nang mga tao kapag siya ay nahalal na pangulo.
c) Siya raw ang tunay na manok nang mga Arroyo at binabansagan pa siyang Villaroyo- Wala ring basehan ang paratang na ito.
3. Joseph Erap Estrada- Ang kampanya ay nakukulapulan nang puro kasinungalingan at pagpapanggap. Sabi sa TV ad niya na anim na taon daw siyang binusalan samantalang sinintensiyahan siyang guilty nang Sandiganbayan sa krimen na plunder at pinatawad lang ni PGMA. Itinatanggi niya ang lahat nang akusasyon sa kanya at pinagtulungan lang daw siya nang mayayamang negosyante sa Makati at mga elitista. Nakakatakot na ang kanyang kampanya ay punong puno nang pagkukunwari. Tatapusin lang niya ang hindi niya nakuha nung presidente pa siya.
4. Gibo Teodoro-
Ang pinakamatalino at magaling sa mga kandidato subalit siya ay nakukulapulan nang masamang imahe nang kanyang tagapagtaguyod na si PGMA. Nagkakawatak watak na ang Lakas-Kampi at sumasanib na ang mga lokal na opisyal sa Liberal o Nacionalista parties.
Sa kaduluhan ay malamang sa hindi na ito ay magiging two cornered fight sa pagitan ni Noynoy Aquino at Manny Villar pero nakakalamang si Aquino kay Villar nang malaking puntos. Ang tanging hatak ni Aquino ay ang hatak nang pangalan nang kanyang mga magulang na sina Ninoy at Cory at kapatid na si Kris. Wala pa siyang pruweba na magiging isang mahusay na pangulo. Mediocre ang kanyang performance sa Kongreso at sa Senado at bumango lang ang kanyang pangalan nung mamatay si Cory Aquino. IKAW SINO ANG IBOBOTO MO?
mel, sana panoorin mo to:
ReplyDeletehttp://www.youtube.com/watch?v=AimivBp0MU4&feature=player_embedded#!
sya ang iboboto ko dahil sa mga nasabi nya sa video na yan :)
Hi Photochism,
ReplyDeleteNapanuod ko na yung video na nilagyan mo nang link. Okay naman si Gordon although hindi ko nagustuhan ang kanyang overbearing manners sa mga Senate investigations na dinadaluhan niya. Ang dating niya ay mayabang at nagmamarunong at parang tinatakot palagi ang resource person. Katulad din siya nila Enrile, Mirriam Santiago, Jamby Madrigal at iba pang nagga grand standing na mga senador. Nakakatakot din ang kamay na bakal na pamamaraan nila ni Bayani Fernando. Pero qualified din siyang maging presidente kaysa kay Noynoy o kay Erap na nuno na yata sa kasinungalingan katulad ni PGMA. Salamat sa dalaw at komento. Ginagalang ko ang paninindigan mo tungkol sa isyung ito. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Kuya kasy Gordon ako hahaha..
ReplyDeleteHi Rose,
ReplyDeleteOkay lang yun. Lahat naman ay may kanya kanyang pambato. Good luck na lang sa lahat nang kandidato. Salamat sa dalaw. God bless you all always.