Tuesday, March 30, 2010

Mga Sutil At Subersibo

Video Courtesy of ABS-CBN's TV Patrol


Nakakalungkot na makita ang mga estudyante nang PUP na nagsusunog nang kagamitan nang kanilang eskwelahan. Tinututulan nila ang pagtaas nang tuition fee sa 200 pesos per unit mula 12 pesos per unit. Nagtangka pa silang hakutin ang mga gamit nang eskwelahan nang isakay nila ang mga ito sa isang dyip at balak dalhin sa CHED (Commission on Higher Education) para duon sunugin. Dito sila hinuli nang mga pulis at dinala sa presinto. Nangako ang hepe nang CHED na ihihinto muna ang napipintong pagtataas nang matrikula nang PUP. Kahapon ay inurong nang PUP president ang kanyang reklamo laban sa 5 lider estudyante nang PUP na nanguna sa pagsunog nang mga gamit nang eskwela. Naipalabas sa media ang lantarang paghahamon nang 5 lider estudyante na nakuha pang itaas ang mga tikom nilang kamao (clenched fist). Imbes na magpasalamat na binawi nang presidente nang PUP ang reklamo laban sa kanila at napalabas sila sa kulungan ay parang lalo pa silang naghahamon. Ganito rin ang naging eksena sa campus nang PUP nang pumasok sila duon. Nakataas ang mga kamay sa clenched fist. Hindi na nila naisip na sila ay mga iskolar nang bayan at ang pamahalaan ang sumasagot sa dapat ay sila ang nagbabayad sa matrikula nila. MGA SUTIL, MGA SUBERSIBO. KAHIYA HIYA. WALANG DISIPLINA.

2 comments:

  1. buti nga sila 12 pesos lang kada unit ang binabayad, lucky them but of course mga subersibo nga..
    Hay naku talaga naman!

    Maiba ako kuya bago kumulo ulo ko about them hahaha, I am inviting you to peek at my newly renovated kitchen, kAin ka muna para di kumalam yang sikmura mo kakablog hahaha..

    ReplyDelete
  2. Hi Rose,
    Naiinis ako sa mga subersibong yan. Halos libre na nga ang matrikula eh winawasak pa nila yung eskwelahan na nagpapala sa kanila. Mga little reds ang mga iyan na leftist lang ang tama at lahat ay mali. Sige puntahan kita sa iyong kusina. Ang dream ko talaga ay matikman ang iyong laing at Bicol Express sa Donsol bago ako manuod nang mga Butanding, hehehe, lol. Salamat sa dalaw at komento. God bless you all always.

    ReplyDelete

Followers