Sunday, August 21, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Dennis Trillo on reports that ex-girlfriend Jennylyn Mercado refuses to work with him: "Baka siya ang tinanggihan ko."


When asked if he has moved on after his breakup with girlfriend Jennylyn Mercado, Dennis Trillo says: "Ayoko na lang pag-usapan 'yan. Ngayon ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang."

Dennis Trillo on reports that ex-girlfriend Jennylyn Mercado refuses to work with him: "Baka siya ang tinanggihan ko."


After mabalita na tinanggihan daw ni Dennis Trillo na makasama sa isang proyekto ang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado, may bulung-bulungan na kahit naman daw ang aktres ay tumanggi rin na makatrabaho uli si Dennis.

Sa tinatakbo ng pangyayari, mukhang di pa talaga handa ang mag-ex na magkita at magkasama sa isang trabaho. Understandable naman daw ang sitwasyon kung saan hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Jen at Dennis.

Sa birthday party ni Mother Lily Monteverde last Friday, August 19, sa Imperial Palace Suites, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis at hiningan namin siya ng reaksyon sa bali-balitang kahit naman daw ang ex niya ay tinanggihan siyang makatrabaho.

"Tinaggihan niya ba ako? Ewan ko, wala akong alam dun. Sa akin naman, walang problema kasi may mga trabaho naman ako. Actually di ko nabalitaan 'yan. May ganyan bang balita? Baka siya ang tinanggihan ko, di ako ang tinanggihan niya," ang pahayag niya.

Napapanood ngayon si Dennis sa afternoon soap na Sinner or Saint, samantalang si Jennylyn naman ay kasama sa cast ng early primetime series na Futbolilits.

Tinanong din namin ang aktor kung nangangahulugan ba na di pa siya bukas makatrabaho ang dating kasintahan? Masasabi ba niya na naka-move on na siya after the breakup?

"Ayoko na lang pag-usapan 'yan. Ngayon ang gusto ko ay maka-partner ang iba. Ayokong ma-stuck sa isang kapareha lang.

"Kailangan mong mag-grow as an actor; di naman puwede na sa isang leading lady ka lang.

"Alam mo, di ko nga naaalala 'yan until binanggit mo sa akin. Masaya ako, sobrang saya ko."

Kahit nga sa bagong pakikipagrelasyon, sa ngayon ay di pa bukas si Dennis, kahit nababalita na nakikita siyang may kasamang iba't-ibang babae.

"Sa ngayon sobrang busy ako, ang dami kong ginagawa. Masaya ako na I'm single, I'm free and I can do whatever I want to do. At the same time, ang dami kong trabaho, everything is perfectly balanced sa career ko, sa buhay ko."

Nang tanungin namin at hingan ng komento sa balitang nagkakamabutihan na sila Jen at Luis Manzano, iwas namang magbigay ng anumang pahayag si Dennis.

"Ayokong mag-comment tungkol diyan."

Ang mga naging girlfriends ni Dennis ay sila Cristine Reyes, Carlene Aguillar (ina ng kanyang anak na si Calix), at ito ngang huli, ay si Jennylyn.

Makahulugan ang sagot sa amin ng aktor nang tanungin namin siya kung anu-ano ba ang natutuhan niya sa pag-ibig at pakikipagrelasyon?

"Wag kang magmadali at kailangang kilalanin mo muna ang magiging karelasyon mo," aniya.

Kinumusta din namin sa aktor ang anak na si Calix at kung okay lang din ba sa kanya kung saka-sakaling mag-showbiz ito gaya ng ibang anak ng mga artista.

"Magpo-four na siya this coming September. May kaunting celebration, lagi namang mayroon, pero sine-celbarte namin yun privately, with the entire family lang.

"Wala pa yun [pag-aartista] sa priorities; ang importante sa akin ay makatapos siya ng pag-aaral. Napapanood niya ako sa TV pero di ko alam kung gusto niyang gayahin yung mga ginagawa ko."

Bukod sa Sinner or Saint ay tinatapos din ni Dennis ang pelikulang My Neighbor's Wife, kung saan makakasama niya si Jake Cuenca, Lovi Poe at Carla Abellana.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers