Tuesday, October 18, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Anne Curtis cries upon receiving Gold Record Award for debut album AnneBisyosa


Anne Curtis cries upon receiving Gold Record Award for debut album <em>AnneBisyosa</em>


Anne Curtis received her Gold Record Award for the album, AnneBisyosa, which sold 10,000 units in less than a month. "Hawak ko na yung award ko, 'di pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon," says the actress who shed tears upon her receiving her award last Sunday on ASAP Rocks.

Sinasabing taon ni Anne Curtis ang 2011 dahil sa mga tagumpay na tinatamo niya hindi lang sa kanyang acting career kundi pati na rin sa kanyang singing career.

Naging blockbuster ang pelikulang No Other Woman kunsaan bida si Anne kasama sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Lagpas P210 milyong piso na rin ang kinita ng nasabing pelikula kunsaan gumanap bilang mistress or "other woman" si Anne.

(CLICK HERE to read related article)

Matagal nang pangarap ni Anne na magkaroon ng sariling solo album. Nagpe-perform siya ng mga awitin sa Showtime, lalo na ang kanyang signature piece na "Alone." Binigyan rin siya ng pagkakataon ng ABS-CBN na kumanta ng "Sukob Na," ang theme song ng rainy season Station ID ng Kapamilya Network.


Fourteen years nang talent si Anne sa Viva Entertainment, Inc., at inamin niya sa kanyang previous interview na talagang hiniling niya sa management na ipag-produce siya ng album.

"It's a dream come true!" sabi pa ni Anne tungkol sa kanyang album. Noong September 23, nagkaroon si Anne ng mall show upang i-launch ang kanyang 8-track album na pinamagatang AnneBisyosa.


Noong Linggo, October 16, sa ASAP Rocks, matapos ang production song number ni Anne ay sinurpresa siya ng Viva Records para bigyan siya ng Gold Record Award. Umabot na sa 10,000 units ng AnneBisyosa album ang nabenta in less than a month.

Maluha-luhang tinanggap ni Anne ang kanyang Gold Record Award. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha sa kagalakan. Ani Anne, "Maraming salamat sa Viva Records dahil after 14 years ko sa showbiz binigyan nila ako pagkakataon na magkaroon ng sariling album. Heto, may mailalagay na akong ganitong Gold Record Award sa bahay ko."


Nang tanungin ng PEP si Anne tungkol sa natamo niyang Gold Record Award, agad siyang nagpasalamat sa lahat ng sumoporta sa kanyang album. "Nabigla ako, pero sobra akong happy, thank you po sa lahat ng bumili ng album ko."

Sinabi pa ni Anne na ang Viva ang magpapasya kung magkakaroon siya ng pangalawang album.



AnneBisyosa TRACK LISTING.

1. Tinamaan Ako
2. Alone
3. Total Eclipse of the Heart (feat. Sarah Geronimo)
4. Mouth
5. Bizarre Love Triangle
6. Girls Just Wanna Have Fun
7. Too Many Walls


Bonus Track:
8. GSM Blue Jingle

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers