Vilma Santos denies reports that she is not in favor of Jennylyn Mercado, rumored girlfriend of her son Luis Manzano
Katatapos lang mag-taping ni Vilma Santos bilang guest star sa top-rating primetime series ng ABS-CBN na 100 Days To Heaven nang dumating sa Kapitolyo ng Batangas kahapon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang pang movie press.
"Ano ako... tagabantay," kuwento ng Star For All Seasons hinggil sa kanyang role.
"The mere fact na nag-guest ako, malaking bagay sa akin 'yon. Definitely I'm happy.
"At saka honored ako kasi No. 1 ang 100 Days, e. Plus the fact na nandiyan yung kaibigan ko... si Coney Reyes. Best friend ko si Coney."
HORROR MOVIE. Nakapag-first shooting day na rin siya recently para naman sa pelikula nila together ni Kim Chiu na The Healing under Star Cinema.
"Interesting," aniya. "Na-miss ko talaga ang shooting [ng pelikula].
"First scene, kaeksena ko si Martin del Rosario. Two sequences kami.
"Tapos no'ng gabi, ako na lang mag-isa. Siguro natapos 'yong first shooting day namin mga 1:30 in the morning. Pero maganda. Nakaka-excite.
"Ang role ko, nanay ako ni Martin tapos stepdaughter ko si Kim [Chiu].
"Ang tema ng pelikula, tungkol sa mga faith healers.
"Ang mangyayari, naniniwala ako sa mga faith healers so dinala ko ang tatay ko. Tapos biglang gumaling.
"So marami akong kaibigang dinala at ipinagamot. Pero may mga pangyayari at the end of the day, may balik pala 'yan. Hindi mo alam.
"At marami ang mabibiktima kasi ako ang nagdala. Magiging responsibilidad ko silang lahat."
Sa totoong buhay ba ay naniniwala siya sa faith healers?
"Oo. Ginamot na ako ng mga faith healers, e. 'Yong may papel na sinusulatan?"
Anong sakit niya na kanyang ipinagamot sa faith healer?
"No'ng Mayor pa ako ng Lipa, no'ng unang term ko, na-hospital ako for two weeks. Hindi alam kung ano 'yong sakit ko. Lahat na lang ng test okay, e.
"After kong maospital, pagpunta ko rito sa Batangas, may gumamot sa akin. 'Yon ngang isinusulat sa papel tapos itatapal sa 'yo. Tapos hawak 'yong paa mo, tapos may prayers. And I got well.
"Ang ibig ko lang sabihin na-experience ko nang magpagamot din sa faith healer. At dito sa Batangas, maraming ganyan.
"Kaya part ng research ng movie na ito, dito kumuha sa Batangas ng mga experiences ng mga taong napagaling ng faith healers.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)