Si Charice ang kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ang "Lupang Hinirang," sa laban nina Manny Pacquiao at Shane Mosley noong Linggo, May 8, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ang Pambansang Kamao ang nagwagi pagkatapos ng 12-round fight nila ni Mosley.
Ano ang pakiramdam ni Charice habang inaawit niya ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa harap ng libu-libong tao sa loob ng MGM Grand at sa milyun-milyong nanonood sa pay-per-view television?
"Talagang kailangang nasa tamang tiyempo at talagang dapat focused talaga, so kinakabahan ako.
"Actually, nag-rehearse ako kanina, pero talagang may timer ako. Kasi, di ba, alam natin na naging issue na rin 'yan before?" sabi niya.
Ang tinutukoy ni Charice ay ang pagbatikos ng National Historical Institute sa mga kumakanta ng "Lupang Hinirang" sa mga laban ni Pacquiao.
Patuloy ng singer, "Gusto ko lang na para walang issue and all that, gusto ko na...
"Alam ko naman na... I mean, nobody's perfect, na walang makaka-perfect talaga nun.
"Pero gusto ko na sundin lang yung patakaran."
Ang StarStruck V First Prince na si Enzo Pineda ang nag-interview sa Pinay international singing sensation sa Las Vegas mismo.
Ipinalabas ang taped interview kay Charice kahapon, May 8, sa Showbiz Central.
Ano ang ginawang paghahanda ni Charice?
"Parang nililibang ko yung sarili ko before ng performance," sagot niya.
"Kasi yung mga ganitong event, talagang ano, e, sira ako diyan, e.
"Kasi talagang pag kinabahan ako, talagang nandun yung tanggalin ko yung balat ko dito [daliri sa kamay], balat doon...
"So, kailangan talaga yung pino-focus ko yung sarili ko sa iba, sa ibang bagay.
"Minsan naglalaro ako."
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
I'm proud of Charice when she sung the National Anthem during Pacquiao-Mosley fight. She performs very nice because she do the normal rhythm of the Pambansang awit.
ReplyDeleteHi Thunderbird Casino,
ReplyDeleteYes, Charice sang the national anthem correctly and was lauded by the National Historical Commission for that. Thanks for your visit and comments. God bless.