Camille Prats on the death of her husband: "I don't understand why I had to lose him at this very early age."
Isang araw pagkatapos pumanaw ng kanyang mister na si Anthony Linsangan, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang aktres na si Camille Prats.
Sumakabilang buhay si Anthony kahapon, September 23, dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31. (CLICK HERE to read related story.)
Sa mismong burol ni Anthony sa Heritage Park sa Taguig City nakausap ng Startalk si Camille. Ipinalabas ang naturang interview kaninang hapon, September 24.
YOUNG WIDOW. Dito ay ipinahayag ng 26-year-old actress ang kanyang saloobin sa pagkamatay ng kanyang asawa.
"Okay naman, medyo... siyempre mahirap.
"Pero siguro, the family, ako, medyo nakita... hindi naman nakita, pero hinanda naman namin ang sarili namin na kung sakali man na dito papunta...
"Pero siyempre, mahirap pa din.
"Hindi ka makapaniwala kasi he's very young. At that time, he was only turning 30."
Ang tinutukoy ni Camille ay magti-thirty years old pa lang noon si Anthony nang ma-diagnose siya na may cancer. Stage 4 na ang cancer ni Anthony nang matuklasan na meron siya nito.
Patuloy pa niya, "So siyempre, parang hindi totoo.
"Kasi parang hindi... it's not possible for someone his age to acquire a disease like that.
"Pero ni-rule out agad yung cancer kasi nga sa edad niya.
"Tapos iyon, so when we found out that it was cancer, siyempre parang hindi ako makapaniwala na parang we had to go through it.
"But of course, we had hope.
"Kaya kami nag-resort to treatment and all those things, kasi nga we had hope that he will get better at kakayanin niya.
"Kasi nga bata pa siya."
DRAWING STRENGTH. Ikinuwento rin ni Camille ang mga pinagdaanan nila nang matuklasan nilang may cancer si Anthony.
"Mga around June, kasi we got married March of last year, so mga June, medyo masakit na yung jaw niya sa left [side].
"Tapos nagkaroon na siya ng parang lymph node or nagkaroon na ng bukol so we had that checked.
"Siguro until mga... from June, we started doing check-ups around June until September.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)