Thursday, August 18, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Nora Aunor reunites with ex-husband Christopher de Leon and son Ian de Leon in TV5 mini-series



"Ako naman hanggang ngayon, ayoko ng tinatawag akong 'Superstar' ako, e. Basta ang sa akin, yung makagawa ng, at least, kahit paano, naaalala nila yung mga pelikula na ginawa ko na makabuluhan," says Nora Aunor on being remembered by her fans even after long absence from showbiz.

Nora Aunor reunites with ex-husband Christopher de Leon and son Ian de Leon in TV5 mini-series


Sa story conference ng gagawing mini-series ni Nora Aunor sa TV5 na may pamagat na Sa Ngalan ng Ina, sinabi ng main director nito na si Mario O'Hara (second unit director si Jon Red) na mistulang reunion ng classic movie niyang Tatlong Taong Walang Diyos ang muling pagsasama ng Superstar at ang dalawa nitong leading men sa pelikula—sina Christopher de Leon at Bembol Roco.

Ang Tatlong Taong Walang Diyos ay ang 1976 movie ni O'Hara, kunsaan nagwagi ng dalawang Best Actress awards si Nora (Famas at Gawad Urian nung 1977).

Itinuturing ding isang classic movie ang Tatlong Taong Walang Diyos ng mga kritiko dahil sa maayos na pagkakalahad ng istorya nito, magandang cinematography, wastong mga detalye tungkol sa Japanese Occupation ng Pilipinas, at makinis na direksiyon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 58-year-old Superstar kaninang hapon, August 16, sa Max's Roces kunsaan ginawa ang storycon, sinabi nitong masayang-masaya siya sa muling pagsasama nila ng mga co-star niya sa classic O'Hara wartime drama.

"Talagang masayang-masayang-masaya," sambit ni Nora.

"Masayang-masaya ako sa lahat-lahat. 'Tsaka siyempre ngayon lang uli kami magkakasama ni Boyet [Christopher], tapos kasama ko pa si Mario, si Bembol, at tapos makakasama ko pa si Osang [Rosanna Roces]."

Pero nakadagdag pa sa kasiyahan ni Nora ang pagkakasama rin sa cast ng Sa Ngalan ng Ina ng anak nila ni Boyet na si Ian de Leon.

"Kasi si Ian noon, nung ginagawa namin yung Tatlong Taong Walang Diyos, baby pa talaga 'yan.

"Ngayon, tingnan mo naman, mas matangkad pa sa daddy niya."

Mistula ngang family affair na rin ang proyekto niyang ito sa Kapatid network dahil nandun nga silang tatlo—sina Nora, Boyet, at Ian.

"Noon, baby lang si Ian. Ngayon katrabaho na namin ni Boyet!" natatawang sabi pa ni Ate Guy.

NEW GENERATION OF ACTORS. Mula nang umuwi si Ate Guy sa Pilipinas, may mga artista nang nagpahayag ng kagustuhan nilang makatrabaho siya.

Mga artistang malaki ang paghanga sa husay ni Nora sa pagganap at yung mga gusto lang talagang makasama o makaeksena siya dahil siya nga ang itinuturing na nag-iisang Superstar.

Ilan pa sa mga artistang ito ay mga kabataan o yung mga bagong nakikilala ngayon.

Hiningi ng PEP ang reaksiyon ni Nora tungkol dito.

"Ang sarap sa pakiramdam nun, di ba? Biro mo ang daming kabataan ngayon at ganyan ang ida-dialogue nila... Wow!

"Sa akin, para bang karangalan ko yun. Na ganun ang sinasabi ng mga kabataang artista natin, na alam kong magagaling din sila na umarte.

"Kung pupuwede nga lang sana, lahat yun, makasama ko talaga, e," saad pa niya.

FANS' LOYALTY THEN AND NOW. Obserbasyon ng mga nakasubaybay sa ebolusyon ng local na showbiz, hindi na maaaring maulit ang tinaguriang "Noramania" na nangyari noong late 1960s hanggang early '70s. Iba raw kasi ang loyalty ng fans noong araw sa loyalty ng fans ngayon.

Tinanong ng PEP si Nora kung sang-ayon siya sa ganitong obserbasyon.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers