Two househelps accuse Maricel Soriano of maltreatment; actress remains mum
Tinalakay sa The Buzz kahapon, July 3, ang tungkol sa reklamo ng dalawang kasambahay dati ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Inaakusahan ng dalawang kasambahay na sina May Cachuela, 22, at Camille Acojedo, 18, si Maricel ng pagmamaltrato diumano sa kanila.
Kumalat ang isyu na ito nang dumulog sa tanggapan ng radio commentator na si Mon Tulfo ang mga dating kasambahay ni Maricel, na diumano'y dumanas ng verbal at physical abuse mula raw sa kanilang amo.
Kuwento ng radio commentator sa The Buzz, "May tumawag sa amin, yung ate ni May na taga-Zambales, na binugbog daw yung kanyang kapatid ni Maricel Soriano.
"Itong staff ko, sinabi na patakbuhin mo sa barangay. Kinaumagahan, sinundo ng assistant ko, pina-medical, tapos sinumbong sa barangay."
Noong July 1, Friday, nakapanayam ng The Buzz ang dalawang kasambahay na nagrereklamo.
Isang Inday Castillo raw ang nag-recruit sa kanila para maging kasambahay ni Maricel. Personal assistant daw ng aktres si Inday.
Noong June 18 lang daw sila namasukan sa pamamahay ng aktres sa Rockwell City, Makati, kunsaan nakatira rin ang anak ni Marya na si Sebastien kasama ang dalawa pang kasambahay.
Ayon kay Camille, "Noong una po, okay naman po. Kasi po si Ma'am, kapag may bisita, mabait po talaga siya."
MARICEL'S "WORDS." Ang mga masasamang salita raw na ibinabato sa kanila ng aktres ang unang nakaapekto sa dalawang kasambahay.
Kuwento ni May, "Unang pasok ko po do'n, laging mura ang naabot. Laging mura kahit may ipapaabot lang ho siya, magmumura siya.
"Si Ma'am ho, ayaw ho niya ng konting mangatwiran kami. Gusto niya ho, lagi ho siyang tama, siya lagi ang pakikinggan."
Sabi naman ni Camille, "Naranasan ko lang ho kay Ma'am talaga, yung pagmumura niya. Kasi po, hindi po talaga namin masikmura yung mura niya.
"Talagang ipapamukha niya pa kung gaano kalutong. Parang pinapakain niya po sa amin ang mura niya."
Dagdag pa ni Camille, may time daw na hindi sila nakakain sa oras.
Aniya, "Kakaasikaso po sa kanya kaya hindi po kami makakain sa oras. Sa sorang pag-aasikaso, sobrang pag-aano ng bahay niya. Minsan po, hindi namin alam, hindi pa po pala kami kumakain."
Ayon naman kay May, na hindi na napigilan ang umiyak, "Kasi doorbell siya nang doorbell. Hindi na ako masyadong kumakain kasi doorbell siya nang doorbell, tawag siya nang tawag."
THE JUNE 29 INCIDENT. Pero ang talagang naging dahilan daw ng pag-alis nila sa poder ng aktres ay ang nangyari noong June 29, Miyerkules.
Ayon sa kuwento ni May, "May recording daw ho siya. So, nag-aayos po kami ng gamit niya. Ako ang taga-ayos ng bag niya.
"May inaayos ho siya na mga ano, mga kulay yellow. Hindi ko ho alam na bitbit ho no'ng isang katulong namin.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
aawww...kawawa naman ang katulong kung ganun nga. Kaya lang I just hope na sana tutuo ang sinasabi ng katulong,baka naman gusto lang nilang siraan si Maricel.Wala naman kasing ibang nakakaalam kundi sila lang...
ReplyDeleteHi Clarissa,
ReplyDeleteMe mga incidents before na ganito rin ang reklamo nang mga kasambahay ni Maricel. Alam mo kasi ang buhay nang artista ay puno nang frustrations at kung minsan ay very convenient na sa kasambahay niya maibaling ang mga frustrations at angst niya sa buhay. Thanks for your visit and comments. God bless you always.