Thursday, June 9, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Dennis Trillo reveals his biggest sin in the past: "Yung  nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."



"Palagay ko, ano, magpapakatotoo na ako, 'no—lahat naman tayo rito, makasalanan. So, hindi ako magbubuhat ng sariling bangko. Pero lahat tayo makasalanan. Iba-ibang level yun ng kasalanan," says Dennis Trillo.

Dennis Trillo reveals his biggest sin in the past: "Yung nagkaroon ako ng anak sa pagkabinata na hindi ko naamin agad."

Rose Garcia

Rating

Pagkatapos ng fantasy primetime series na Dwarfina ay balik na naman sa afternoon block ng GMA-7 si Dennis Trillo. Ito ay sa pamamagitan ng Sinner or Saint, kung saan kasama niya sina Bianca King, Polo Ravales, at ang nagbabalik-Kapuso na si Alessandra de Rossi.

Marami na rin ginawang afternoon series si Dennis. Hindi ba niya nami-miss ang primetime?

"Puwede...pero maganda rin po minsan ang mapunta ka ng pang-hapon," sagot ng aktor.

"Iba ang manonood ng pang-hapon, iba rin ang manonood ng primetime.

"Iba ang tipo ng proyektong ipinapalabas sa pang-hapon kaya maganda rin na maka-reach out ka sa mga manonood ngayon.

"Para pagbalik mo ng primetime, lalo pang madagdagan, mahakot mo ang mga viewers mo."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng Sinner or Saint kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Si Dennis ay isang aktor na hindi takot tumanggap ng iba't ibang klase ng roles at mag-experiment.

"Dati pa naman, kahit bigyan mo ako ng kahit anong role, mas kakaiba, mas okay sa akin," sabi niya.

Patunay nga nito ang cross-dressing role niya sa debut film niyang Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (2004), na nagpanalo sa kanyang ng acting trophies sa iba't ibang award-giving bodies.

Although napakarami nang drama series na nagawa ni Dennis, marami pa rin daw bagong mapapanood sa kanya sa Sinner or Saint, na dating Sentensiyada ang title.

Kuwento niya, "Noong una ko pa lang nabasa ang script, unang pagkabasa na pagkabasa ko sa ending, sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Sentensiyada pa ang title noon, hindi pa Sinner or Saint.

"Sabi ko, mukhang matsa-challenge ako nang husto.

"Kumbaga, itong drama na ito, mabigat na drama at marami siyang puwedeng magawa.

"Hindi lang siya basta drama, maraming anggulo na puwedeng paglaruan.

"Hindi lang din ako typical na mabait."

SINNER OR SAINT? Tinanong naman ng PEP si Dennis kung ano siya sa serye—sinner or saint?

"'Yun ang kailangan nilang malaman dito. Pero palagay ko, pareho kasi...pareho, e," sagot niya.

In real life, sinner or saint ba siya?

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

No comments:

Post a Comment

Followers