Isa si Meryll Soriano sa masugid na tagasuporta ng indie films. Ilang indie films na rin ang nagawa niya na bawat isa naman ay maipagmamalaki niya.
Last Monday night, July 12, maaga pa lamang ay nasa Cultural Center of the Philippines na si Meryll para sa gala night ng kanyang pelikula na Donor, na in competition sa Cinemalaya film festival this year. Kasama ni Meryll sa pelikulang ito na idinirek ni Mark Meily si Baron Geisler.
When asked about the fulfillment she gets from doing indie films, ang kagustuhang umarte at matuto ang ilan sa mga ibinigay na rason ni Meryll.
"Ako kasi, I really enjoy acting," sambit niya. "At ito talaga ang level na nakaka-act ka. Kumbaga, hindi siya yung parang routine na paggawa ng teleserye. Kumbaga, as an artist, nakaka-experiment ka rin. So, you know, it's a good genre to expose yourself and to discover something. Para rin may balik na may natutunan ka pa. Kasi dito, siyempre medyo may pagka-controversial ang roles, ang mga topic niya. So, mas nakakapag-explore."
Dagdag niya, "Happy ako. Happy ako sa indie."
KIDNEY DONOR. Ginagampanan ni Meryll sa Donor ang papel ng isang kidney donor. Ipinakita sa pelikula ang proseso ng talamak na rin na bentahan ng body organs sa bansa.
Bakit ito ang pinili niyang gawin among other indie films na malamang ay in-offer din sa kanya?
"Well, it's about organ trafficking. Yung proseso no'n dito sa Pilipinas. Parang sa Asia, second or third tayo sa top of organ trafficking. So, it's a process on how people get into it, ano ang mga nangyayari, set-up. So, ako rito, nag-donate kapalit ng pera," saad niya.
Unang offer pa lang daw sa kanya ng movie ay umokey na siya.
"Well, of course, na-starstruck din ako kay Direk Mark Meily. E, fan na fan ako ng Crying Ladies. So, sabi ko, 'Wow, it's a different kind of directing.' Pero sinabi ko rin naman na, Direk, babasahin ko muna ang script. Ganoon naman, di ba?"
My limitasyon din daw siya in terms of exposure. Biro nga niya, yung kidney lang ang kaya niyang ipakita.
"Yun lang ang organ na puwedeng ipakita!" natatawa niyang sabi.
WILLIE & WOWOWEE. Kinumusta rin ng PEP kay Meryll ang kanyang ama na si Willie Revillame at kung babalik pa ba ito sa Wowowee.
"Ayun, I think he's just fixing lang yung mga legalities. Pero ang alam ko, babalik siya, e. Hindi lang ako sure. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan yun. Hindi ko rin alam kung ano ang outcome ng first meeting nila ni Sir Gabby [Lopez], so I cannot speak on his behalf," sabi ng aktres.
Open ba ang communication nila ng kanyang ama?
"Oo," sagot ni Meryll. "Dinadalaw namin siya ni Eli [Elijah, Meryll's son with Bernard Palanca]. Nagsu-swimming kami sa bahay. He's okay. He's been resting, golf, yung mga gano'n. Basically, he's resting. Alam n'yo naman ang Wowowee, nakaka-stress 'yan. Siyempre, live, e."
Dagdag niya, "Totoo naman na nagkaroon din siya ng maraming ailments. So, at least, kung babalik din siya, nakapagpahinga rin siya. Siyempre to recharge. Nakaka-burnout yung every day."
Mas gusto ba niya ang nakikita niya sa Papa niya ngayon?
"Oo naman. Siyempre, kapag stress ka, mainitin talaga ang ulo mo and you can't help that."
Marami ang nanghihinayang kung sakaling tuluyan na ngang iwanan ni Willie ang Wowowee. Si Meryll ba ay nanghihinayang din?
"Ako kasi, siyempre biased ako. Tatay ko yun. Health yun. Siyempre, ako iniisip ko rin naman na marami kasi siyang fans. Marami siyang following. Iniisip ko rin yun. But at the same time, he's not getting any younger," sagot niya.
Binanggit namin kay Meryll na may usap-usapan na ibinebenta raw ng ama niya ang kontrata nito sa ABS-CBN sa kung ilang daang milyones. May alam ba siya rito?
"Ay, hindi ko alam...wala akong alam sa mga bagay na 'yan. At saka, ano naman kasi ang magagawa ko sa mga desisyon na 'yan?" natatawa niyang sabi.
BERNARD & JOEM. Tungkol naman sa kanyang dating asawa na si Bernard Palanca, sinabi ni Meryll na okay na sila nito.
"Hindi pa nga lang nakakadalaw si BJ [palayaw ni Bernard] kay Elijah. Maybe he's busy with other things. But we talk," sabi niya.
Natawa naman si Meryll sa bansag sa kanila ng boyfriend niya ngayong si Joem Bascon. Sila na raw ang "Prince and Princess of Indie Films." Kung si Meryll ay nasa Donor, si Joem naman ay may dalawang pelikula sa Cinemalaya: Rekrut at Limbunan.
Kumusta na sila ni Joem?
"Okey naman. More than a year na kami. We're doing good. It's healthy, one day at a time. No pressure."
Si Joem at ang anak niyang si Elijah, kumusta naman?
"He's okay. Magkalaro sila," nakangiti niyang sabi.
Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)
No comments:
Post a Comment