Video Courtesy of ABS-CBN's TV Patrol
Nakakalungkot na makita ang mga estudyante nang PUP na nagsusunog nang kagamitan nang kanilang eskwelahan. Tinututulan nila ang pagtaas nang tuition fee sa 200 pesos per unit mula 12 pesos per unit. Nagtangka pa silang hakutin ang mga gamit nang eskwelahan nang isakay nila ang mga ito sa isang dyip at balak dalhin sa CHED (Commission on Higher Education) para duon sunugin. Dito sila hinuli nang mga pulis at dinala sa presinto. Nangako ang hepe nang CHED na ihihinto muna ang napipintong pagtataas nang matrikula nang PUP. Kahapon ay inurong nang PUP president ang kanyang reklamo laban sa 5 lider estudyante nang PUP na nanguna sa pagsunog nang mga gamit nang eskwela. Naipalabas sa media ang lantarang paghahamon nang 5 lider estudyante na nakuha pang itaas ang mga tikom nilang kamao (clenched fist). Imbes na magpasalamat na binawi nang presidente nang PUP ang reklamo laban sa kanila at napalabas sila sa kulungan ay parang lalo pa silang naghahamon. Ganito rin ang naging eksena sa campus nang PUP nang pumasok sila duon. Nakataas ang mga kamay sa clenched fist. Hindi na nila naisip na sila ay mga iskolar nang bayan at ang pamahalaan ang sumasagot sa dapat ay sila ang nagbabayad sa matrikula nila. MGA SUTIL, MGA SUBERSIBO. KAHIYA HIYA. WALANG DISIPLINA.
Mga isyu, komentaryo, pagtalakay ng mga kasalukuyang pangyayari, istorya, tradisyon at kultura ng lahing Filipino sa makabagong panahon.
Tuesday, March 30, 2010
Friday, March 26, 2010
Masaker
Matapos ang tagumpay ni PGMA sa Supreme Court nang paboran siya nito nang karapatang pumili nang susunod na Chief Justice nang Supreme Court ay hindi nagaksaya nang panahon ang pangulo na sibakin ang mga career officials sa mga piling tanggapan nang gubyerno at halinhan ang mga ito nang kanyang mga piling tauhan. Ang unang nakatikim nang masaker ay ang kinatawan natin sa Germany- si Gng. Delia Domingo-Albert. Ni hindi man lang siya inabisuhan nang pagkakasibak sa kaniya. Sumunod ang mga pangunahing tauhan nang National Museum at National Historical Institute. Hindi rin nila nalaman na nasibak na pala sila. Nagkukumahog ang pangulo para sa sangkatutak na midnight appointments na clear violation sa isinasaad nang Konstitusyon at batas. Siguradong ia antedate nang Malacanang ang petsa nang paghirang sa kanila. Marami pa ang inaasahang masaker at midnight appointments nang dapat pababa nang pangulo. Nawala na ang delikadesa sa kanya basta masunod lamang ang kagustuhan niya. Sobrang takot niya na makasuhan nang plunder pagbaba niya nang poder kaya lahat na lamang nang paraan ay ginagawa niya para mapalawig pa ang kanyang termino. Pero merong makakapigil sa mga tiwaling gawain niya at iyon ay ang Diyos. Kahapon ay isinugod si FG sa ospital dahil sa komplikasyon sa puso. Harinawang makonsensya ang magasawa at huwag nang ituloy ang mapagimbot nilang plano para sa bansa. WALA NA BANG KAHIHIYAN AT TAKOT SA DIYOS SA PILIPINAS?
Wednesday, March 17, 2010
Nakakasulasok
Dahil sa prinsipyo ay hindi ako naglalahad nang mga negatibong artikulo sa mga blogs ko pero hindi ko na matiis ang pagmamalabis at pagyurak nang Pangulong GMA sa mga Pilipino at institusyong pam Pilipino. Ang pinakahuling hirit ni PGMA ay ang pagpipilit na siyang mag appoint nang bagong Supreme Court Chief Justice na sinagayunan naman nang Korte Suprema. Para bagang naghahanda na si PGMA na maharap sa patong patong na asunto nang plunder at betrayal nang sinumpaan niyang katapatan sa konstitusyon at sa Republika nang Pilipinas. Hinirang na niya ang bagong Chief of Staff nang Armed Forces of the Philippines. Preparasyon na ba ito nang pagdedeklara nang Martial Law kapag tumagilid ang katayuan niya? Una dito ay nagdeklara siyang tatakbo bilang kinatawan nang ikalawang distrito nang Pampanga, preparsyon na maging bagong pinuno nang Kongreso at palitan ang porma nang gobyerno mula presidential tungo sa parliamentary. Kung baga sa baseball, all bases covered ang pangulo sa pagsisiguro na matutuloy ang kanyang pamumuno. Hindi na siya nagkasya na manungkulan nang sampung taon sa kaduda dudang pagkapanalo (kuno- hello Garci?), ngayon gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang panunungkulan by hook or by crook. Kahiya hiya ang naging panunungkulan niya nang ginagantimpalaan pa niya ang mga nagtago nang katotohanan para sa kanya katulad ni Romulo Neri na matapos hindi nagsiwalat nang katotohanan tungkol sa ZTE Scam ay ginamtimpalaan nang magandang posisyon bilang head nang SSS. Abangan ang mga susunod na pakulo ni PGMA sa pagpipilit na ituloy ang pamumuno niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Wala na bang kahihiyan at moralidad sa Pilipinas?
Monday, March 8, 2010
Daya-Logs Part 3
Hay sarap matulog pagkatapos maglaro
Itong mga stuffed toys ko, kasimputi ko rin
Dear tulog ang mga bata, tara sa kwarto, hehehe
Sasakay kami ni EJ sa helicopter, diyan muna kayo, lol
Ate sa tingin mo kaya nating paputukin itong kanyon ?
Oo sabi eh. Ayaw kasing gumising ni Champ at Chelea, lol
Hehehe, ako ang pinakabatang soccer player sa America, say nyo?
Ate, ako naman ay matutulad kay Kobe Bryant, lol
Ang sarap maglaro sa snow, magisa kayo sa inggit na nasa Pinas, lol
Ang tagal namang paandarin ni daddy ang eroplano,
Kotse ito EJ, hindi eroplano
Justine akin na yan
Hindi kuya, pam baby lang ito
Ang sarap mag date na hindi kasama ang mga bata ano?
Check in muna tayo dear
Ganito ang pagsayaw Justine
Hindi pa ako pwedeng sumayaw kuya, gumagapang pa lang ako
Ganito ang itsura nang constipated na baby, sige iri pa, mmmmph
Marunong na akong mag toothbrush kaya lang ayaw
magkasya sa bibig ko
Para akong si Julia Roberts sa get up kong ito, sey nyo
Dear bibili lang ako nang pasalubong sa mga bata
Ito ang close up nang papalit kay Brad Pitt paglaki ko
Ang cute cute naman nang Rylie ko, manang mana sa ina, lol
Si mommy naman, nagsasabi nang tutuo
Hindi ako ang nagbasag nang salamin, si Justine yun
Ang cute cute nang anak ko, mana sa mommy niya
Mag relax muna tayo mga anak habang wala pa ang daddy ninyo
Paano ba patugtugin ito kuya?
Nakakainis naman, palaging si Justine ang bida
Ganito kami magbonding ni Jake, hehehe, lol
Mas maganda itong kotse namin, hindi ba ate?
Wow, ang sarap naman nang pagkain ko, lugaw, lol
Hehehe, mamatay kayo sa inggit taga Pinas, snow holiday kami dito, lol
Ang lamig, ang sarap mag group hug, lol
Mommy nakakagapang na ako, lol
Gagawa tayo nang snowman Akesha
Lakihan mo daddy
Wheeeeeee, ang sarap maglaro sa snow
Kuha ito sa Pinas, me welcome cake ako, lol
Walang hihingi, grrrr! Akin lang ito
Wow, isang buong cake para sa akin lang
Paano kaya gagawin ito?
Mommy juice ba yan o alak?
Pinagkaguluhan ako sa Pinas nung dumalaw kami
Para akong superstar duon, sey nyo
Ako naman pinagkakaguluhan sa Japan, hehehe
Peace man peace
Mommy ano ba ang gagawin natin dito?
Ito ang paborito kong laruan, spaceship, lol
Daddy, nagmi Mickey Mouse face ka na naman diyan
Naaalala ko kasi nung bata pa ako Rylie
Siya ang maganda kong dentista, hehehe, lol
Iba ibang kuha ni Anzu sa Japan
Mommy lumulutang ako, parang sa Exorcist
Ewan ko sa inyo, pero ako kakain na lang dito
Huwag nyo akong pansinin, bad mood lang ako
Parang naulit ang kuha dito ah?
Sana magkita tayo Akesha para makapaglaro tayo
Ako matutulog muna dito
Ako tulog na, zzzzzzzz
Ako kagigising lang at gusto kong gumapang
Huwag ninyong ipapakita sa akin ito pag laki ko, dyahe
Para akong reyna dito, ang dami kong alahas
Ang cute ko noh?
Ako ang pinaka cute sa lahat, hehe
Bah, cute din naman ako ah?
Giddiyap daddy kabayo, hihihi
Ganito kami kasaya ni Fifi
Bah, masaya din kami ni Justine pag naglalaro kami
Sa mga mommy na tunay na nagmamahal sa kanilang mga baby, ito ang regalo ko sa inyo. Happy Mother's Day sa inyong lahat.

Subscribe to:
Posts (Atom)