Ang ganda nang pagmodel natin nang shorts, hehehe
I'm shy, timid and bashful, ang sexy ko no?
Sexy talaga ako dito no, walang kokontra
Ate pano ba mag blog? Ewan ko, paturo tayo kay Champ
Mga anak, ano ang ginagawa ninyo? Tinitignan namin mga fans ni Champ sa Facebook
O Champ sasampalin kita, huwag kang maglalandi diyan
Sayang talaga iniatras ako ni mommy sa smile contest, napakaganda pa naman nang ngiti ko dito
Daddy wag mo akong bibitawan napakataas dito
Sey nyo, ako ang pinakabagong kalaban ni Darna, ang babaeng lobo
Bakit ngayon lang kayo nakakita nang babaeng cowboy?
Kuya huwag mo akong wrestlingin
Mommy pwede ba akong mag skateboard sa loob?
Huwag Champ, huwag mong kainin ang sapatos ko
Ako ang baby Santa Claus nang Japan, hehehe
Mas sexy ako sa iyo bakla nuong bata pa ako
Bayani ako nang people power I, sey nyo
Hehehe, ako ang baby superstar sa Japan
Dear wala ang mga bata, mag check in naman tayo, hehehe
Naku kayo ha, naka diapers lang ako dito, alis dyan
Ang taba nang baby ko, hehehe
Hat festival sa Japan, ako ang nanalo nang 1st prize
Bonsai camera ang ginamit ni mommy kaya maliliit ang kuha
Ganito kami kumain sa Japan, nakatagilid
At ganito kami manood nang TV sa Japan, nakatingala
Mommy naman nakukulili na ako sa kabubulong mo, sige na maganda na ako
O eto ang kabayaran sa aso mo ha, ipapakatay na natin ke tsekwa
Ang sarap maglupasay sa yelo, di na kailangan nang aircon
Mommy ganito ba ang paggawa nang angel, tingnan mo si Champ frozen delight na
Mommy hindi na gumagalaw si Champ, nanigas na sa lamig
Kawawa naman tayo, wala tayong pagkain
Teka, me naaamoy akong rabbit sa ilalim
Hehehe, nakikita nyo ba ang mga mata ko?
Si Elmo ang first love ko, huwag kang magseselos mommy
O anak, tirhan mo naman ako nang regalo, wala pa akong regalo
Diyos ko po, huwag sana nilang ubusin ang handa, gutom na gutom pa ako
O anak isang slice na muna nang cake, marami kang bisita
Si mommy naman sabi nang akin na lang ang buong cake
Hindi icing ito anak, styrofor decor lang ito, hahaha
Sa inyong lahat ang ibang handa, akin lamang ang cake ha?
Diyos ko ang dami ng dumating na bisita, hindi ko masosolo ang cake
Mommy umalis na ba ang mga bisita natin, akin na lahat ang cake ha?
Hehehe, hindi naman costume party dito bakit me naka demonyo, lol
Masarap kasama ang mga bata, bumabata rin ako
Hehehe, ano kaya kung kidnapin natin itong pamangkin ni bakla?
Ganito ang pagsayaw nila sa TV, ganito yun
Pwede na ako talaga sa Starstruck
Nakakainis naman, nung birthday ko hindi ganito karami ang handa
Mag give up ka na sa wrestling natin Champ, give up ka na
Ayaw mong mag give up ha, sasakalin kita nang ganito
Hehehe, talo ka na Champ, hingal kabayo ka na eh
Ang cute nang baby namin, sana bayaran ako ni mommy sa pag baby sit ko
Ito si agent cute, pinakabatang agent sa Japan na nagtatago sa kalaban
Masarap talaga ang thumb ko, gusto mo rin mommy?
Ang yabang mo naman, hindi naman ako mabaho ah, bakit me takip ka sa ilong?
Ang hirap namang ipandrawing itong crayon ko, korteng nipple kasi
Ha, master ako sa judo at karate, huwag kang papalag
Me bagong gadget na naman si agent cute, sey nyo
Duon nagtatago ang mga kalaban ko
Diyos ko pinaglilinis na naman ako ni mommy, malakas daw akong kumain eh
Sa amin Christmas pa rin, nakatanggap ako nang tiyanak na regalo
Kailan kaya babagsak ang apple na ito, gutom na gutom na ako
Sombrero ko galing sa Red Army nang China
Christmas pa rin sa atin dear
Oo nga naghihintay nang regalo si Akesha at aso natin
Wow daddy, atin ba ang baby na ito?
Daddy mukhang mahiyain siya, itinatago ang mukha sa kumot
Super baby nang Japan, hehehe
Ang cute cute nang baby kong kapatid
Aray, aray kuya, naiipit ako
Lab na lab kita daddy
Lab na lab din kita baby
Ang cute cute nang baby namin ano?
Ano ba naman ito para akong suman
Napakaganda nitong si Kathy, pwedeng pagpantasyahan, hehehe
Eto ang nabili naming camel na itatapa namin, ano kayang lasa nito
O mga frends tama na muna ang mga daya-logs na ito. Sa susunod na naman ha? Magpapakabait kayo. Babayu.
Maloloka ako sayo Sir Mel. Ang mga bakla sa sanlibutan nagpapasexysihan sa mga legs sa kanilang kabataan ngayon ayayay! walang pag asa na pang miss U lol.
ReplyDeleteNatatawa ako sa caption ni EJ, wag kang maglandi champ sampalin kita. hehehehe grabe naman wawang cham, ayon makulit kasi hehehe.
Galing mo talaga mag isip ng mga witty caption Sir Mel, its just areflection of how happy and content person you are. Puro masasaya ang naiisip.
Sorry nga pala ngayon lng nakadalaw ang inang taga bundok lol, naglakad lang kasi ako, tapos wala pang tulay ayon nilangoy ko ang pasific ocean, nag u turn ako sa dagat silibis hehehe parang sibika at kultura na lesson ano waaaa.
Anyway, na add ko na to sa blog ko para naman hindi masira ng beauty ng bakla libu ng libut sa blog mong international to christian to pinoy, layo ng babagtasin ko lol.
Hala sya, ready ko na walis ko ayaw ko ng maglakad dami pang snow dito baka matabunan ako. cge Sir mel, Thanks for the laughter ang nice post. Take care and Godbless!
Hi Shy,
ReplyDeleteMukhang masaya ka naman kapag nadadaan sa mga blogs ko. Mabuti naman para hindi ka masyadong nagmumumok. Masyadong marami ka nang alalahanin kaya dapat lang sigurong maglilibang libang ka sa pamamagitan nang pagkomento sa mga blogs na gusto mo. Hindi naman ako masayahing tao sa personal. Masyado nga akong tahimik at seryoso. Pero ang utak ko ang me pagka kenkoy paminsan minsan. Hindi mo maiisip na me pagkakenkoy pala ako kung babasahin mo ang mga post ko na masyadong seryoso. Gusto ko lang magbigay nang konting ligaya sa mga kaibigan ko sa blog world. Maraming salamat sa mga nakakatuwa mong komento. Nageenjoy naman ako sa lahat nang ito dahil nararamdaman kong mula sa puso ito. Salamat sa dalaw. Paki kiss na lang ako kay Justine na sobrang cute talaga. God bless you all always.
Im back at komentaryo Sir Mel nakikinood ng totoong artista at totoong writer. Walang panama si angelina jolie sa mga sexying bakla waaaaa at si steven spelberg i dont know kung yan ba spelling wala yan hehe.aw director pala yan waaa. anyway, just passing by. take care and godbless!
ReplyDeleteHi Shy,
ReplyDeleteSalamat sa matapat mong pagdalaw dito sa Tagalog kong blog. Inappreciate ko ang pagdalaw mo dito. Medyo naglilibang lang ako sa mga litrato nang mga chikiting nyo. Nakakatuwa lang na bigyan nang captions ang mga pictures nila. Salamat sa pagtitiyaga mo sa blog kong ito. Salamat uli sa dalaw. God bless you all always.
Bumibisita sa Komentaryo Sir mel, nakikipanood ng libreng pelikula mula sa mga totoong cutie pie na bata sa blogland hehehe. Kung si Mother Lily ka lang Sir mel im sure sika na sika na tong mga bata ito, lalo na ang mga nanay na baklita heheheh waaaaaaa. joke lng. Nakikisawsaw lang sa kalokohan ng may ari dito lol. jok again. Have a good day to you and your beautiful family Sir mel.
ReplyDeleteHi Shy,
ReplyDeleteSalamat naman at inaappreciate mo yung mga litrato sa blog na ito dahil talaga namang cute ang mga anak ninyo. Kailangan lang na makapagpatawa para makalimutan ang mga problema sa buhay. Salamat sa dalaw. God bless you all always.
Wahahahahah pasensya na Kuya, ngayon lang ako nakasilip dito but I have so much fun while reading and looking at all the photos lol.. This is hilarious, can't wait for the next episode lol.. Have a blessed Sunday!
ReplyDeleteHi Rose,
ReplyDeleteNatutuwa lang ako sa mga photos nang mga anak ninyo kaya kinonsolidate ko at binigyan nang mga funny captions. Salamat at naibigan mo ang mga pictures nang mga chikiting nyo. Sila naman talaga ang superstars nang buhay ninyo. Salamat sa dalaw at komento. God bless you all always.