Tuesday, February 8, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)


Kris Bernal says her love life is zero; neither confirms nor denies if Jay Perillo is courting her

Kris Bernal says her love life is zero; neither confirms nor denies if Jay Perillo is courting her
Slideshow: Showbiz Photos

Malamig daw ang magiging pagsalubong sa Valentine's Day ng Koreana star na si Kris Bernal dahil loveless daw ito.

Ang sabi ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng 15th Anniversary ng Walang Tulugan, With The Master Showman sa Studio 6 ng GMA Annex, ibang-iba ang magiging Valentine's Day niya ngayong 2011 kaysa noong nakaraang taon.

"Naku sobrang lamig ng Valentine's Day ko dahil zero ang love life ko. Walang magyayaya ng date. Di tulad last year nung ka-loveteam ko pa si Aljur [Abrenica]. Kahit di kami lumabas noong Valentine's, magkasama kami kasi may taping kami noon.

"At sinorpresa niya ako, kasi may ibinigay siya sa aking regalo. Pero ngayon, hindi na ako nag-e-expect na may magreregalo sa akin, kahit flowers o chocolate," paliwanag ng Kapuso star.

Baka naman regaluhan pa rin siya ni Aljur kahit hindi na sila ang magka-love team?

"Naku, di na ako nag-e-expect kasi busy din yung tao, bukod sa medyo matagal-tagal na rin since nagka-usap kami," aniya.

Marami ang nanliligaw kay Kris. Wala pa ba siyang napupusuan sa kanila, maski isa?

"May mga nagpaparamdam, pero siguro dahil busy ako, hindi ko sila nabibigyan ng atensiyon. At iba talaga ang focus ko ngayon. Mas naka-concentrate ako sa career ko, kaya nawalan talaga ng oras sa love life.

"Pero choice ko naman yun, kaya okey lang kung wala akong Valentine ngayon. Malay natin baka next year meron na," sabay tawa ni Kris.

FAMILY DAY. How will she celebrate Valentine's Day?

"Siguro kasama ko ang family ko, sila ang magiging ka-date ko. Kakain lang kami sa labas, mamamasyal o kaya manonood ng sine.

"Hindi naman kasi porke't Valentine's Day kailangan may Romeo ka, di ba? Puwede ka naman mag-celebrate kasama ang mga minamahal mong pamilya."

Hindi ba naiingit si Kris sa mga kaibigan niyang may love life?

"Hindi naman, kasi naniniwala ako na kung wala kang BF ngayon, darating naman yun sa tamang pamahon. Kaya dapat, hindi minamadali para hindi masaktan at madapa.

"Mahirap naman, kasi Valentine's Day, dapat may BF ka kahit hindi naman ganun kalalim yung nararamdaman mo sa tao," aniya.

"Tsaka katulad nga ng sabi ko, choice ko naman na wag muna mag-BF kasi nga, maganda yung takbo ng career ko."

SWEET JAY. Pero marami ang nagsasabi at nakakakita na lagi daw silang magkasama ni Jay Perillo at sweet sila sa isa't-isa.

"Sweet naman kasi ako sa mga kaibigan kong lalaki. Si Jay kasi, super close friend ko yan at super bait na tao yan, at katulad ko, super sweet din at very gentlemanly."

Hindi ba nanliligaw sa kanya si Jay?

"Nanliligaw ba siya? Siguro mas maganda kung siya na lang ang tanungin n'yo. Ang pangit naman kasi kung sa akin pa manggagaling na nanliligaw siya. Kababae kong tao," ang sabi ni Kris.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Monday, February 7, 2011

A Repost From ABS-CBN News


Venus Raj: No hand in Rica leaving UKG

Venus Raj: No hand in Rica leaving UKG

MANILA, Philippines – Beauty queen Venus Raj, 2010 Binibining Pilipinas-Universe and Miss Universe 4th runner up, laughed off speculations that she had something to do with Rica Peralejo and some hosts leaving ABS-CBN morning show “Umagang Kay Ganda (UKG).”

Raj, along with Iya Villania, will join the UKG gang starting Monday. Raj will deliver the latest and the hottest showbiz reports.

She will also host the newest segment of the show, “Barangay Bida,” which will air every Friday.

Peralejo bid goodbye to the show on Friday last week.

In her live interview on “The Buzz” Sunday, the 22-year-old beauty pointed out that she is in no position to demand who should go or who should stay in the TV program.

She explained that some hosts opted to leave the TV show so as to give them more time to do other things.

In Peralejo’s case, Raj said the young actress-host is planning to study. “Gusto din niyang mag-concentrate sa kanyang pag-aaral.”

She added: “May iba magco-concentrate sa news. ‘Yong iba magco-concentrate sa projects, kung anumang meron sila. Hindi naman po ako ang naging dahilan.”

Raj was also all praises for her UKG co-hosts. “Sobrang accommodating. Hindi mahirap mag-adjust kung ganoon kabait ang makakasama ko.”

As for criticisms that she is not a good choice to become a new host of UKG, the 2010 Miss Universe 4th placer said she respects their opinions. She asked them to give her a chance to show that she can do her job.

“Hindi ko tatanggapin ang isang project na hindi ko kaya. Alam kong kaya ko kaya tinanggap ko,” she said.

Reposted From ABS-CBN News

Sunday, February 6, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Marjorie Barretto says she's happy ex-husband Dennis Padilla has found a new love

Marjorie Barretto says she's happy ex-husband Dennis Padilla has found a new love
Slideshow: Showbiz Photos

Apat na taon matapos maghiwalay sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, balitang nakatagpo na raw ng bagong pag-ibig ang aktor.

Sa katunayan, may hawig pa umano ang babae kay Marjorie.

Tinanong ng Startalk TX si Marjorie kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

"Hindi ko kamukha!" sabay tawa ng aktres.

Hindi raw siya apektado ng balitang ito.

"No, okay lang. I want him to be happy so..."

Si Marjorie, is she spending Valentine's Day with someone special?

"I'm fine, I'm happy, very happy naman. Basta I'm happy, ikaw talaga, alam ko na ang itatanong mo. Happy, happy ako," ang paiwas na sagot ni Marjorie.

Samantala, ano naman kaya ang masasabi ng aktres sa persistent rumor na hiwalay na ang kapatid niyang si Claudine Barretto sa asawa nitong si Raymart Santiago?

"Ah no, hindi pa sila hiwalay! They're not hiwalay, hindi talaga, swear!" aniya.

Nasasaktan o naapektuhan ba si Marjorie sa mga intrigang hiwalayan ng dalawa?

"Hindi ako nahe-hurt kasi hindi totoo. But of course I get hurt when they say negative things about her, siyempre I get hurt."

Hindi na sila basta-basta naapektuhan ng mga intriga.

"Alam mo kaming magkakapatid sanay na kami, sanay na kami sa intriga.

"Marunong na kaming hindi magbasa at hindi makinig, alam mo yun?

"Marunong na kami i-block yung mga negative sa mga buhay namin," aniya.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Saturday, February 5, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Solenn Heussaff on painting Richard Gutierrez nude: "Takot ako, e!"

Solenn Heussaff on painting Richard Gutierrez nude: "Takot ako, e!"
Slideshow: Showbiz Photos

Pinag-usapan nang husto ang mahabang kissing scene nina Solenn Heussaff at Richard Gutierrez para sa My Valentine Girls ng Regal Films at GMA Films.

Three minutes daw ang itinagal nito at ayon kay Solenn nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media sa presscon ng pelikula noong Huwebes ng gabi, February 3, sa function room ng Imperial Palace Suites.

Naka-seven takes daw sila ni Richard nang ginawa nila ito.

"But it doesn't mean I don't kiss well, ha!" sabi muna ni Solenn nang mabanggit nga ang sinasabing longest kiss with Richard.

Nilinaw ng PEP kung sa seven takes na yun ba ay tigti-three minutes ang bawat isa?

"I think the first was the longest one. Parang when we were kissing, I was thinking, did he [Director Andoy Ranay] say cut and we didn't hear him? Parang it's too long na.

"But I guess they just wanted to get the perfect angles. Tapos, the more you kiss, the more comfortable you get. So it ends up more real," patuloy pa ni Solenn.

Tinanong ng PEP kung hindi ba nakaramdam ng soreness ang labi nila dahil sa mahahaba at paulit-ulit na pakikipaghalikan.

"No, no... I can still smile naman," pabirong sagot ng Filipino-French newcomer. Natatawang dagdag pa niya tungkol sa kissing scene nila ni Richard, "He's a good kisser naman."

Dahil nga sa seven takes na kissing scene nila, tinanong tuloy ang 25-year-old Survivor Philippines Celebrity Showdown third runner-up kung wala bang kilig o "something" na na-develop sa kanilang dalawa ni Richard.

"Like I've said before, he's the type of guy I'd go for. He's very nice, he's good with his family, he's successful, determined, he has ambitions...

"Well... who knows, who knows... I'm just going with the flow, just taking my time," aniya pa.

Pero sa ngayon nga raw ay friendship muna ang namamagitan sa kanila ni Richard.

Dahil tila binibigyan nga ng hype ang mahabang halikan nila ni Richard sa "BBFF" episode ng My Valentine Girls na ipapalabas nationwide sa mga sinehan sa February 9, tinanong ng PEP si Solenn kung okey lang ba na matandaan siya sa kanyang first movie as "the girl with the longest kissing scene with Richard."

"Well, I guess I just have to beat that record somewhere else," biro ni Solenn. "No... I'm okay with that."

Naka-line up naman agad sa mga proyektong gagawin ni Solenn sa GMA-7 ang role niya bilang love interest muli ni Richard sa pagbabalik ng Captain Barbell sa TV. Isang news reporter ang role ni Solenn.

"I guess it's gonna be more of a challenge for me. 'Cause it's gonna be 22 weeks of shooting, I think."

Mas malaking challenge nga raw ito sa kanya kaysa sa unang pelikula niya with Richard dahil kailangan na talaga niyang mag-full Tagalog sa kanyang mga dialogues.

"More and more Tagalog, every time, at least. At least now, I understand Tagalog more. Pero my speaking and thinking Tagalog, medyo, still very slow," patuloy niya.

Naibigay na rin ni Solenn kay Richard ang painting na pangako nito sa binata.

"I finished it after [painting] 10, 12 hours... straight!" pagmamalaki niya.

Sir Richard bilang isang aktor at environmentalist daw ang pininta niya.

"So the painting has like, leaves on the ground and there are these circles, like film. It represents Richard as an actor and environmentalist."

Ginawa raw niya talagang bagay sa personality ni Richard ang painting para siguradong isasabit ng aktor ang painting sa kuwarto nito.

"Usually when I do paintings of people, I base the colors on their personality, like for example kay Anne [Curtis], I chose soft colors for her. Pero with Richard, since he likes reggae music, I chose reggae-ish colors and colors na pang-guy. Just to make sure he's gonna hang that painting in his room," kuwento pa ni Solenn.

May pagkakataon kayang mai-paint niya si Richard nang nude?

"No!" mabilis na sagot ni Solenn.

Bakit naman?

Nakangiti pa ring ang dalaga bago nagsalita.

"Takot ako, e!"

Natawa na lang din ang lahat sa sinabing ito ni Solenn.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Friday, February 4, 2011

A Repost From Glenda Villena of Yahoo! Southeast Asia



Angel admits gaining weight, apologizes to fans

By Glenda Villena, For Yahoo! Southeast Asia Thursday February 3, 2011 11:52 pm PST

'Imortal' star Angel Locsin has been consistently topping the country's list of sexiest women.

But there have been observations that the 2010 FHM Sexiest Pinay had gained weight. Without batting an eyelash, Angel admitted it straight away: she indeed packed a few pounds but she's working out to achieve her desired weight.

"Tanggap ko naman 'yon, e. Pero bigyan niyo naman ako ng chance na magbawas [ng timbang]. Medyo malaki na 'yong bawas ko kasi may workout," Angel told entertainment reporters after the 'Imortal' press conference on Wednesday, February 2.

Angel however thinks that plus size women are still beautiful.

"Ibig sabihin po ba hindi magaganda ang mga matataba? Huwag niyo naman sabihin na pangit kasi, ang dami kong kakilalang medyo healthy pero napakaganda naman ng ugali, napakaganda naman ng hitsura. Aminin naman natin, hindi naman tayong lahat kapayatan, di ba?" Angel said.

The multi-talented actress gave her message to fans who may not have been happy with her new figure.

"I apologize sa mga hindi ko na-fulfill ang expectations and all. Pero, ito naman, ginagawan ko naman po ng paraan. I feel naman na I'm very healthy. Wala naman akong sakit."

On Piolo's admission

Angel was not able to hide her happiness and admiration over Piolo's admission that he and KC Concepcion are indeed in a relationship. She and the Kapamilya heartthrob worked together in the ABS-CBN primetime series “Lobo.”

"I'm sorry, pero noong umamin si Piolo na 'she's taken,' 'yon ang pinakapoging nakita ko sa kanya. I mean, 'Ang pogi talaga ni Piolo Pascual!' Parang bumalik 'yong crush ko sa kanya. Pero taken na rin siya. Parang gano'n lang 'yong dating," Angel said cheerfully.

She added that she has no plans of rushing into a relationship this year and that she's still waiting for the right man to come.

"Well, hindi naman ako naka-taxi. Hindi naman ako naka-metro. Darating naman 'yon, e," said Angel. "Kagaya nga ng sinasabi ko, masarap 'yong feeling ng ma-in love. Pero masarap 'yon kapag sa tamang tao."

Photo by Jerome Ascano, NPPA Images

+++

Glenda Villena is a showbiz writer and proud mommy blogger who enjoys sharing precious moments with daughter Magi.



Reposted From Glenda Villena of Yahoo! Southeast Asia

Thursday, February 3, 2011

A Repost From PEP (Philippine Entertainment Portal)



Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show

Toni Gonzaga waited for five years before accepting another noontime show
Slideshow: Showbiz Photos

Marami ang natuwa sa pag-aayos ng magkaibigang sina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.

Pero hindi maiwasang mabigyan ng kulay na baka ang pagbabati ng dalawa ay dahil magsasama sila sa isang noontime show na hinahanda ngayon ng ABS-CBN. Makakasama ng dalawa rito sina Randy Santiago at John Estrada.

Malalim ang pinag-ugatan ng alitan nina Toni at Mariel noon kaya, sa obserbasyon ng ilan, kahit sinasabi ng dalawang TV hosts na bahagi na lamang ng nakaraan ang mga nangyari, hindi mapapasubaliang may lamat na ang kanilang pagkakaibigan.

FORGIVE & FORGET. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni sa ASAP Rocks noong Linggo, January 30, tinanong namin siya kung masasabi ba niya na totally ay naka-move on na siya at napatawad na niya si Mariel sa kung anuman ang nagawa nito sa kanya.

Aniya, "It's so easy to say I forgive but it's so hard to forget. Pero, di ba, pag si Lord pinatawad tayo, we're a clean slate, parang wala tayong ginawang kasalanan? So, sino naman ako para mag-hold ng grudge towards anybody?

"Napakasama ng ugali ko pag hindi ako marunong magpatawad. Napatawad ako ni Lord, napatawad ako ng mga magulang ko, napatawad ako ng mga taong nagawan ko ng kasalanan, ako pa kaya ang hindi magpapatawad?

"'Saka gaya ng sinabi ko, kahit naman last year... Actually, both of us, we're in the situation na damn if you do, damn if you don't. Whatever we say, whatever we do, people will always have a thinking on us and people have already passed their judgment on both of us.

"No matter how we try to convince and answer whatever questions, may mindset na ang ibang tao na hindi na magbabago. Ang importante, pag sinabi kong tapos na, tapos na lahat, 2011 na."

NOONTIME SHOW. Sa simula pa lang ba ay naging bukas na talaga siya to work with Mariel in a project, sa kabila ng mga nangyari sa kanila?

"Ako, I'm open to working with anybody as long as it's a good project. As long as marami ang matutuwang tao, na mapapasaya," sagot ni Toni.

"I've waited five years, maraming beses akong inalok, pero hindi ako nag-noontime show kahit gustung-gusto ko dahil ito yung level ng comfortability ko sa hosting.

"But in respect to the word I honored before na hindi muna ako gagawa, hindi ako tumanggap. Hinintay ko yung five years. So, ngayong dumating uli, e, ang hirap palampasin ulit."

Ang tinutukoy ni Toni ay ang pangako niya noon na hindi siya maghu-host ng isang show na katapat ng iniwanan niyang noontime show sa GMA-7, Eat Bulaga!.

Pero ayon kay Toni, "Actually, hindi pa final ang lahat ng pangyayari, so hindi ko alam kung hanggang saang information ang puwede kong ibigay. So far, right now, every day may mga changes kasi it's really a big preaparation. 'Saka kasama kami sa brainstorming, sa pagbusisi. 'Saka yung mga kasamang iba, tinatanong kami kung saan kami kumportbale."

Sa pagtanggap niya sa noontime show ng ABS-CBN, nagpaalam ba muna siya sa management at bumubuo ng Eat Bulaga!?

"Mahirap magsalita sa ngayon, baka mamaya sabihin ko na lahat, ma-scold naman ako. Pero siyempre, bago mangyari ang lahat, may mga inaareglo tayong mga bagay, may mga plinantsa tayo," sabi ni Toni.

WILLIE'S TAMPO. Hiningi rin ng PEP ang reaksiyon ni Toni tungkol sa malalim na sama ng loob daw ni Willie Revillame sa mga kaibigan niyang sina John Estrada at Randy Santiago dahil sa pagtanggap nila ng noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Willie, may inaayos na siyang noontime show sa TV5 para kina John at Randy, pero hindi sinabi ng mga ito sa kanya na tinanggap na pala nila ang offer ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Toni, "Narinig ko na rin 'yan kay Alex [Gonzaga, Toni's sister]... Pero nagkita kami ni Kuya John at Kuya Randy, ang sabi nila, dito sa industriyang ito, pag personal ka talaga, pag pinersonal mo ang lahat, sa bahay ka na lang, matulog ka na lang sa bahay kasi walang mangyayari sa iyo kung hindi mo kaya ang lahat.

"E, sila Kuya John and Kuya Randy, matagal na sila sa industriya, I'm sure kayang-kaya nilang i-handle lahat ng bagong intriga."

Ayon kay Toni, dahil sa pagtanggap niya ng noontime show, may mga nabago sa projects na dapat ay gagawin niya ngayong 2011.

"Yung taong ito, maayos ang pagkaka-lineup. Kaya lang, ang nangyari, nagkaroon ng kaunti lang namang changes na nagbago sa lahat ng set-up. So, very, very light na changes na mangyayari sa sked ko. But other than that, great, great blessings."

ON ALEX GONZAGA. Tungkol naman sa nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga, isa na ito sa pinakaimportanteng artista ngayon sa bakuran ng TV5. Sa katunayan, si Alex ang pangunahing bituin sa kauna-unahang dramaserye ng Kapatid network, Babaeng Hampaslupa.

Masaya si Toni para kay Alex dahil kung dati ay naikukumpara lang ang kapatid sa kanya, ngayon ay nakabuo na si Alex ng sariling tatak at pangalan sa showbiz.

"Masaya ako dahil yung kapatid ko nasa Kapatid network. Masaya ako para sa kanya kasi yun naman talaga ang gusto niyang gawin, yun ang nasa puso niya, ang gawin ang mga ginagawa ko rin, at may isang istasyon na nagtiwala sa kanya.

"Siyempre, sino ba namang kapatid ang hindi matutuwa sa ganun?" sambit ni Toni.

Reposted From PEP (Philippine Entertainment Portal)

Wednesday, February 2, 2011

A Repost From ABS-CBN News


John Lloyd mum on Shaina's 2 a.m. call

John Lloyd mum on Shaina's 2 a.m. call

MANILA, Philippines (1st UPDATE) - Actor John Lloyd Cruz is keeping his silence over reports that current sweetheart Shaina Magdayao made a 2 a.m. phone call to his former girlfriend, actress-host Ruffa Gutierrez, last week.

In an interview during a press conference for the book 2 of his hit television series, "Imortal," with Angel Locsin, Cruz said the camps of Magdayao and Gutierrez have already agreed to put an end to the issue.

"Nagsalita na si Ruffa noong Sunday sa show niya. I mean kahit gustuhin pa naming magsalita, or magpaliwanag o sumagot, hindi na. It's not going to be worth it. Okay na kami, so tahimik na lang tayo, to give way sa inaasahan nating matigil na," Cruz said.

The actor also declined to talk about Gutierrez out of respect for his former girlfriend. He also said he does not want to discuss the issue because it might only get worse.

Cruz also said he does not care if people would call him a womanizer. He said what is important is that he knows the truth.

The heartthrob also admitted that the latest controversy has affected their loved ones.

"Hindi maganda kasi isang araw you will be bombarded by call, text messages na, ‘Okay lang ba kayo? Ano ang problema?’" he added.

Cruz reiterated that his relationship with Magdayao is getting stronger.

Staying positive

Amid speculations about the real status of their relationship, the young couple watched the premiere of Star Cinema's "Bulong" together on Tuesday night.

During “Bulong’s” premiere night, the couple didn't talk about the issue, but answered questions regarding their relationship.

Cruz also reacted to feng shui expert Maritess Allen’s prediction that their relationship would be put to test.

He said: "Well kung iisipin mo naman lahat ng bagay, lahat ng relasyon, hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari. It's all about choices, kung pipiliin ninyo na panindigan ‘yong isa't isa then wala kayong magiging problema."

"Madalas kasi opinion lang nila yan pero nirerespeto natin kung ‘yon ang opinion nila at kung ‘yon ang sinasabi nila. Pero hanggang doon na lang 'yon kasi ang buhay namin is about us at 'yong mga choices namin, 'yong mga bagay na pinipili namin, so ‘yon ang ginagawa namin," Cruz added.

Magdayao, on the other hand, said they are staying optimistic this year so as to attract luck.

"We have to stay positive so sana ay swertehin," Magdayao said.

Reposted From ABS-CBN News

Followers