Kris Aquino spearheads flood relief operations in Mindanao with Anne Curtis, Vice Ganda, and Angel Locsin
Tulad ng inanunsiyo ni Kris Aquino kahapon, Disyembre 19, sa morning show niya sa ABS-CBN na Kris TV, natuloy siya sa pagpunta sa Cagayan de Oro kagabi para sa relief operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong.
(CLICK HERE to read related story.)
Nagsagawa ng relief operations doon si Kris bilang bahagi ng ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation.
Kasama niya rito ang mga kaibigang sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Vice Ganda.
Kanina, Disyembre 20, ay ikinuwento ni Kris sa Kris TV ang kanilang naging karanasan sa CDO.
"Pasensiya na kayo medyo paos [ako] kasi kagabi, halos one in the morning na kaming nakauwi.
"The ABS-CBN airplane brought us home from Cagayan de Oro.
"Nakalibot kami...we went to both Consolacion and the other place... forgive me hirap na hirap akong matandaan...Balulang.
"Yun ang maraming tao talaga, yung sa Balulang.
"You know, actually, kasi yung pagpunta namin was really biglaan.
"And gusto ko talagang mag-pay tribute sa foresight ni Angel Locsin...
"Kasi magkasama si Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Locsin, and myself.
"And si Angel at ako, pareho naming naisip... Kasi Angel was planning to do parang charity bago mag-Pasko noong mga ine-endorse niyang produkto..."
Si Kris naman daw ay namili ng mga ini-endorse niyang shampoo at sabon.
Aniya, "Kasi ang balak kong pasabog doon sa parada ng Metro Manila Film Festival...kasi nanghihingi sila ng giveaways, e.
"Doon ko talaga dapat ipamumudmod yun.
"Sorry ha, uy, yung mga magpaparada sa 24, huwag kayong magalit sa akin, dinala ko sa Mindanao," paghingi ng paumanhin ni Kris.
May pelikula si Kris na kalahok sa MMFF, ang Segunda Mano.
RELIEF OPERATIONS. Habang nagkukuwento si Kris ay ipinapakita naman ang video ng ginawa nilang relief operations at kita ngang madilim sa lugar.
Paliwanag ni Kris, "Wala pang kuryente kaya nakikita n'yo dun sa video, madilim pa talaga. Ilaw lang 'yan ng camera.
"Tapos tingnan n'yo yung mga tao.
Re-posted From PEP (Philippine Entertainment Portal)